chapter 7: throwing out trash

2 0 0
                                    

"Ugh! Faster baby...uhmmm.."
Napailling nalang si Ally ng ang mga halinghing na yun ang bumungad pagpasok palang niya ng pinto ng condo ni Kenji.
Alam niya na gumagawa na naman ito ng milagro sa kwarto nito kasama ang kung sinong babae na napulot nito sa bar.
Wala siya sa mood magpatay malisya ngayun kaya pabalibag niyang isinara ang pinto na gumawa ng malakas na ingay.
Tingnan lang niya kung hindi mabulabog ito at ang babae nito.
Agad nawala ang mga halinghing sa kwarto ng maingay ang mga hakbang na dumaan siya sa tapat nuon.
Dumiretso siya sa kusina at naghanap ng malamig na tubig sa ref.
"Baby may tao sa labas." Halatang takot ang boses ng babaeng nagsalita mula sa kwarto.
"Dont mind her sweetheart lets continue." Sagot ng walanghiyang si Kenji.
Katahimikan.
"Babe wait! Where are you going?"
Bago pa malaman ni Ally ang nangyayari,bumukas na ang pinto ng kwarto ni Kenji at iniluwa nuon ang isang sexy at maputing babae na hindi pa naisusuot ng ayos ang damit nito.
"Who is she?!" Galit na tanong nito kat Kenji na nakasunod dito at  nakaboxer short lang.
"She is my friend." Alanganing sagot ni Kenji.
"Friend? And what the hell is she doing in your condo.?" Mukhang may away na magaganap.
"I live here." Sabat niya bago inubos ang laman ng baso.
"You what?!" Bumaling ito kay Kenji na nagbabanta ang tingin na binigay sa kanya. "Baby? Bakit dito nakatira ang babaeng yan? Are you cheating on me?"
"No babe let me explain.lets get back inside the room ok.."
"No!not until you tell me who she really is!"
Bago pa makasagot si Kenji ay pabagsak niyang ibinaba ang baso sa lamesa. Gulat na napatingin sa kanya ang dalwa.
"Bingi kaba? Sinabu na niyang freind niya ako diba? Saka kung mag walk out ka gawin mo ngayun kung gusto mo pang lumabas ng lumalakad sa pintong yan." Umakma siyang lalapaitn ito.
"Bitch!" Galit na saad nito bago tila nahintakutan na tinungo ang pinto.
"Babe!" Tawag dito ni Kenji pero tuluyan ng nakalabas ang babae.
"Great!" Nakasimangot na bumaling sa kanya si Kenji.
Sinumangutan lang niya ito.
"Your so bad.im not finish yet." Reklamo nito ng lumapit sa kanya.
"Pumunta ka sa banyo at tapusin mong mag isa."
"Wheres the fun in that? It took me two days bago mapapayag ang babae yung na maikama tapos itinaboy mo ng ganun lang?"
Tiningnan niya ito ng masama. Wala siyang pakialam kahit inalok pa nito iyon ng kasal.wala siyang panahon sa mga kalokohan nito ngayun.
"Ang k.j. mo talaga." Napailing nalang ito sa hindi niya pagsagot bago tinungo ang ref.kinuha nito duon ang bote ng fresh milk nito at duon na mismo tinungga.
Lumakad naman siya papunta sa sala at pabagsak na naupo sa sofa.
"Matty really knows how to make your day so fun." Tumabi ng upo sa kanya si Kenji.bitbit nito ang bote ng gatas.
"Wag mong banggitin ang pangalan ng demonyo mong pinsan."
"What did he do this time that even me getting laid is affected."
Binatukan niya ito.
"What?!" Maka react kala mo totoong nasaktan.
"Puro kalibugan lang ba laman ng ulo mong yan? Sa dami ng babaeng dinala mo dito talagang dun sa mukhang giraffe ka talaga nahirapan?" Yung babae kasi kanina ay mahaba ang leeg.
Natawa si Kenji sa sinabi niya. "Talagang nagawa mo pang mapansin yun kahit galit ka? Unbelievable! Bagay talaga kayo magsama ni Matty."
Inaambaan niya ulit ito bago humalukipkip. Tulad ng pinsan nito kahit ata ilang beses niyang batukan o  bugbugin si Kenji eh hindi na ito magbabago.
Sa isang buwan na itinigil niya sa condo ni Kenji nalaman niya na mabait tlaga ito sa babae. Na sa sibrang bait eh lahat ng babae dinadala nito sa kama. Kenjie is a total fuckboy. A millionaire fuckboy.
Two days na siya sa condo nito ng malaman niya na anak ito ng millionaire magnate na nakababatang kapatid ng ama ni Zheng.
At kaya pala pamilyar sa kanya ang mukha nito dahil isa itong modelo ng sikat na damit,sapatos,pabango at ultimo branded na boxer shorts.
At sa mga nakabalandrang billboard nito sa edsa niya nakita ang mukha nito kaya pamilyar sa ito sa kanya.
Kenji Zheng is a 23 years old millionaire bachelor na habulin ng baabe.o mas tamang sabihin na maraming babae.
Kahit ata poste paldahan mo papatusin nito.
Isang beses nga naabutan niya ito na hubot hubad na nasa likod ng isang babae sa mismong sala ng condo.
Muntik na masubsob ang babae sa sahig ng bigla siyang tumikhim at sa gulat ni Kenji ay naitulak ito.
Hindi niya tuloy alam kung matatawa siya o maiinis sa mga ito.
Nung una naiilang siya pag naabutan si Kenji sa kung anu anong posisyon ksama ang ibat ibang babae. Pero ng tumagal nasanay nalang siya.
"What did he do this time?" Basag ni Kenji sa pananahimik niya.
"Ginawa lang naman niya akong yaya matapos niya akong sigawan at sabihing walang silbi at tamad." Hindi niya maiwasang mainis at magalit pag naaalala nya ang ginawa nito buong maghapon.
"Hindi kana nasanay sa kanya."
"Masanay?" Tiningnan niya si Kenji. "Eh kahit anong gawin ko hindi naman niya nagustuhan.lagi siyang may reklamo tapos lahat sa office takot sa kanya kaya sakin lahat nalang iniuutos kasi walang gusto lumapit sa kanya."
"What would you expect? His Matthew Zheng."
"Ni hindi man lang niya namana kahit katiting na ugali ni Sir Richard. Yung pinsan mo,pinaglihi yun sa sama ng loob."
"Just dont mind him.kapag naman nakahanap na si Denver ng secretary niya matatapos na ang trabaho mo sa kanya."
", Goodluck nalang sa papalit sakin.sana lang makatagal." At sana mabilis na makahanap si Denver ng kapalit niya dahil hindi niya alam kung tatagal pa siya na kasama si Zheng ng isang buwan pa.
Saglit na nanahimik si Kenji bago siya pinasadahan ng tingin.
"Maybe theres really a problem with you kaya laging mainit ang ulo niya sayo."
Tiningnan niya si Kenji ng masama.
"Dont get me wrong." Depensa nito bago umayos ng upo. "Look,secretary ka niya pero kahitn isang buwan ka ng pumapasok ng opisina hindi mo sinusuot yung uniform sa office."
Tingingnan niya ang maluwang na tshirt at maong na pantalon na suot.tulad sa store ganun din ang sinusuot niyang outfit kapag pumapasok sa office.
Nagkasundo naman kasi sila ni Zheng na pwede niyang isuot kahit ano dahil hindi naman siya formal na secretary nito.
"Pumayag naman siya na ganito isuot ko ah."
"Yeah but..well,ok forget about the clothes. I think dahil pareho kayo ng ugali kaya hindi kayo magkasundo."
"Baliw kaba? Tingin mo kasing sama ako ng pinsan mong yun." No way na papayag siyang maihalintulad sa sama ng ugali ng demonyong yun.
"Thats not what i mean." Ibinaba nito sa mesa ang hawak na bote ng gatas bago sumeryoso ng usap. "What i mean is parehas kayong matigas ang loob,matapang at ayaw papatalo. Kaya hindi kayo magkasundo."
Sumimangot siya. "Kahit kailan hindi ako magpapatalo at magpapaapi sa isang tulad niya kung yun ang gusto kong sabihin."
Umiling si Kenji. "Hindi ko naman sinabi na ganon. Ang sakin lang mas magiging tahimik ang pagtatrabaho mo sa kanya kung hindi mo nalang siya papansinin kahit magalit siya.
Act as if you dont hear or see him whenever his angry.
I know my cousin Ally.the more you provoke him the more na hindi kayo magkakasundo.in the end ikaw lang ang matatalo."
Napaisip siya. Kenji is right.
Wala ng mababago sa ugali ni Zheng at kung sasabyan niya ito palagi siya lang ang maiinis at masisira ang araw dahil hindi ang isang tulad ni Matthew Zheng ay hinding hindi magpapatalo.
Napabuntunghininga siya bago nilingon si Kenji at tinitigan.
"What?" Tanong nito ng hindi siya umimik.
"Kung hindi ka lang babaero perfect kana sana."
Tumawa ito. "You silly angel." Ginulo nito ang buhok niya bago tumayo.
"I dont want to be perfect dahil if i do,i will be just like Matty. Now tell me that you aint like him." Kinindatan siya nito bago tumalikod at pumasok sa kwarto nito.
Humiga siya sa sofa at tumitig sa kisame.
Mas matanda siya ng dalwang taon kay Kenji pero mas mature itong mag isip kesa sa kanya. pakiramdam niya ang tanda tanda na niya.
Matthew Zheng makes her feel older.
Simula ng makilala niya ito lagi na siyang stress at galit. To think na napag alaman niya kay Kenji na 30 years old lang si Zheng.
Ang taong yung, wala ata itong happy bone sa katawan.
Ipinikit niya ang mga mata at pinilit makatulog.
Tinatamad siyang pumasok sa guess room na tinutulugan niya kaya sa sofa nalang siya matutulog.

Gusto pa niyang matulog pero ayaw yun pahintulutan ng sunod sunod na katok mula sa pinto.
Para bang gusto ng sirain ng kung sino mang nasa labas ang pintuan ng condo.
Inis siyang nagmulat at bumangon.
Hinanap niya ang cp na nasa bulsa at tiningnan ang oras.
'1 am..' napakunot noo siya. Sinong nambubulabog sa dis oras ng gabi?
Sunod sunod na naman ang katok.
No choice siya kundi tumayo at alamin kung sino ang kumakatok dahil tulog mantika si Kenji.for sure kahit magiba ang buong building eh hindi ito magigising.
"Sandali!" Sigaw niya sa kung sino mang nasa labas. 'hindi makaantay!'
Binuksan niya ng maliit ang pinto.
"Sinong-" hindi na niya naituloy ang tanong ng biglang itulak ni Zheng ang pinto at dirediretso itong pumasok.
"Bakit ang tagal mong buksan?" Pagalit nitong tanong.
Nakasuot ito ng pajama na kulay puti ay walang suot na pang itaas.gulo ang buhok nito at hawak sa isang kamay ang salamin nito.
"Boss hindi ko naman alam na kakatok ka ng ganitong oras.sana ininform mo man lang ako." Hindi ba nito naisip na oras ng pagtulog ngayun?
Tiningnan siya nito ng masama. "I need you to do something."
"Ngayun sir?" Hindi pa man nito sinasabi ang iuutos nito parang gusto na niyang pagsisihan na binuksan niya ang pinto.
"Yes now!" Medyo lumakas na ang boses nito.
Kinalma niya ang sarili para hindi ito sagutin.
"Take this." Pabato nitong inihagis sa kanya ang isang keycard. "Go to my pad and clean all the trash there.i want it clean when i get back there tomorrow." Tinalikuran na siya nito at tinungo ang pinto ng silid na tinutulugan niya.
'seryoso ba to???'
"And one more thing.." binalingan siya nito. "When i said all trash.all of it.wala kang ititira." Hindi na siya nito hinintay na sumagot.pumasok na ito sa silid niya at pabalibag na isinara ang pinto.
"Ano daw?" Halo ang emosyon na tintigan niya ang keycard na nasa palad niya.
Bakit kailangan siya nitong paglinisin ng buong condo unit nito ng dis oras ng gabi?! Ano ba talaga siya nito? Secretary o alalay??

Pinagpaplanuhan niya kung pano makakaganti sa boss niyang malupit ng i-swipe niya ang keycard sa pinto ng unit ni Zheng.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa isiping makakapasok siya sa tinitirhan nito.
Never in her wildest dream na maligaw sa unit ni Zheng simula ng magtrabaho siya dito.
Pagbukas niya ng pinto agad bumungad sa kanya ang makalat na sahig.well hindi naman siya totally kalat na basura. Kundi mga damit na hinubad na basta nalang itinapon sa kung saan saang parte ng buong unit.
"What the fuck.." nanlaki ang mga mata niya ng suriing maigi kung ano yung nasa ibabaw ng lampshade.
Isa iyong kulay pulang thong.
Nilapitan niya ito para makasiguro.
"Panong?.." hindi siya makapaniwala ng makumpirma na thong nga iyon.
Ito ba ang kalat na liligpitin niya?
Inilibot niya ang tingin sa paligid.
Ang kabuuan ng unit ay katulad ng sa penthouse na nasa Zheng building. Kulay asul din ang kulay ng mga dingding. Minus the kalat kalat na damit panloob ng babae at damit ni Zheng na nakakalat din sa sahig.
May nabuong hinala sa kanya isip.
Hindi kaya....
"Matthew?..." Bumukas ang pinto na sa tingin niya at silid nig boss niya at iniluwa nuon ang maganda at nakasuot lang ng polo shirt ng boss niya. Gulo ang buhok nito tulad ng boss niya.
Nginitian niya ito ng pagkatamis tamis.yung pekeng ngiti na binibigay niya sa boss niya pag inaasar niya ito.
"Who are you?" Kunot noong tanong nito at namewang pa. "And where is Matthew?!"
"Ako yung cleaning lady.at sa tanong mo kung nasan yung boss ko,well umalis siya at binilinan ako na linisin lahat ng kalat dito."
"Where did he go? At anong kalat ang liligpitin mo dito? Its fast 12 kaya bukas kana maglinis. Call Matthew." Mataray na utos nito.
Ang bruhang ito!
"Sorry to disappoint you pero inutusan lang ako.at kung tinatanong mo kung anong kalat ang ililigpit ko,iniisip ko din yan kanina.pero ngayun alam ko na kung ano yung kalat."
Tinaasan siya nito ng kilay.
"Ikaw yung kalat.kaya kung pwede magbihis kana at umalis."
"You..." Hindi maipinta ang mukha ng babae sa sinabi niya.

Lust, Love and DesireWhere stories live. Discover now