1st Sunset

3 2 0
                                    

"Where are we going anyway?" Bagot na tanong ni Vail.

Tumingkayad ako saka siya inakbayan, kaya naman nakatungo siya habang naglalakad kami.

"D.O. tayo, diba?" ani Kraine, saka tumawa.

"Sus. 'Wag na. Papalayasin din lang naman tayo ni Mr. Arello. Sakit lang daw tayo sa ulo, eh," dagot ni Mish saka tumawa na parang demonyo.

Why are they laughing so hard today? Natuluyan na ba talaga sila? Tsk.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanila.

"3:34," sagot ni Mish sa tanong ko.

"Beach," sabay na sabi namin ni Vail, kaya naman napatingin kami sa isa't isa, saka ngumiti nang malapad, hindi alintana ang sobrang lapit naming mukha.

"Ouch. Sakit niyo naman magsalita. Hindi naman ako bitch, eh." Kasabay ng reklamo ni Mish ay bigla na lamang kaming napaatras ni Vail dahil sa malakas na impak na batok sa amin na siyang dahilan kung bakit muntik naglapat ang labi namin ni Vail, putangina.

Silence enveloped us because they probably did not expect that, too, not until the three laughed so freaking hard and loud.

"Putangina mo, Lix!" Sigaw ko saka siya hinabol.

Napakatarantado talaga ng hinayupak.

Nang mahuli ko si Lix ay hinampas ko siya ng bag ko, ngunit patuloy pa rin siya sa pagtawa, hindi alintana ang sobrang lakas nang hampas ko. Sobrang lakas ng tawa niya na halos mapa-upo pa siya sa sahig, habang ang dalawa naman sa likod ay hawak-hawak ang tiyan habang tuma-tawa. At heto kami ni Vail, sobrang pula ng buong mukha dahil sa kahihiyan at galit.

Tangina talaga, huhu. Mapatawad sana ako ng Diyos kapag nakapatay ako ng kaibigan.

"Don't be shy, mah babeh. Mag-kaibigan naman kayo," Lix said coolly, like what he just did was not a big deal.

"Gago, eh, kung ipalapa kita sa alaga ko sa bahay tapos sabihin kong gusto lang niyang makipag-kaibigan sa'yo," nangangaliti kong saad saka siya sinabunutan, pero parang walang epekto sa kaniya 'yon dahil mas lumakas pa 'yung nakakaasar niyang tawa.

Sarap gilitan sa leeg.

"Gagi, p're, ba't pulang-pula ka?" Pang-aasar ni Kraine kay Vail.

"Shut up, dimwit. I'm murdering someone I knew in my mind right now."

NAKARATING kami sa beach na pag-aari ng pamilya ni Kraine. The atmosphere isn't that awkward like what i thought it would be, and I'm glad, because I might get sent to jail for killing Lix without any valid reason. Pero p'wede bang irason 'yung 'because he made the atmosphere between me and my friend awkward'?

At exactly 5:30 in the afternoon, we watched the sun and water collide. We are all sitting in the sand, while our eyes are focused on the sunset. As the sun was setting down, the color of the sky was fading, and when they faded from our vision, darkness consumed our surroundings.

Wala pa ring nagsasalita sa aming lima, we were just staring at nowhere. Nakahiga na kami ngayon sa buhanginan habang nakatingin sa kalangitan na puno ng mga bituin, nagmimistulang ilaw sa gabi kasama ang buwan.

My head was resting on Vail's arm, while his other arm was supporting his head. His one leg was resting on the sand, at ang isa naman ay naka-angat. My right leg was lying on the ground, habang ang isa naman ay nakapatong sa hita ni Lix since siya ang nasa kaliwa ko. Same with Mish na nakahiga sa kanang braso ni Kraine, habang ang isa namang paa ay nakapatong sa kaliwang hita ni Lix.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE SUNSET OF OUR LOVESTORY (Scenery #1)Where stories live. Discover now