29th Chapter

132 5 6
                                    

A/n: Vas happening to you Zayn? Pati ba naman si Louis sabihan ng word na 'b*tches'? Ouch! Baby Zayn tagos dito! Laki na ng impluwensya sayo ni Naughty Baboy nuh? Louis: Our Fans! While Zayn was like MY FANS! But still mahal pa rin kitang loko ka! Kaya nga sa story na to iniisip ko na sundo sundo pa rin kayo.. I keep praying in God na magkakasundo din kayo.. at nasasaktan ako pag sinasabihan ka nilang a*shole.. I still love you Zayn and I also love the four idiots.. magkakapatid kayo remember? Oh tama na ang drama ni author! Sana suportahan pa rin natin sila.. remember: Everything happens for a reason.. keep smiling and positive DIRECTIONERS!
______________________________________
Kyle's POV

"Queen.. wake up nandito na tayo.."

Nagising ako ng tapikin ako ni Zayn..

"Wait.. nasa Pilipinas na ba tayo?" Excited na tanong ko kay Zayn at nakangiting tumango naman siya..

Kaya naman madali ko siya hinatak at nang makababa kami ay sumalubong samin ang mainit na panahon dito sa Manila..

Kahit na mainit dito ay namiss ko pa rin talaga ang Pilipinas! Grabe iba talaga pag nasa sarili mong bansa..

"Let's go baka nagiintay na si Paris.." naglakad na kami ni Zayn habang may mga tauhan na nakasunod samin..

"Oh my gosh!!! Si Zayn Malik ba yun ng One Direction?!!!"

"Ahhhhh!!! Anong ginagawa niya dito?!!! Grabe ang gwapo niya!!"

"Kasama niya yung girlfriend niya!! Gosh papicture tayo!!"

Tili ng mga kababaihan sa airport pero nagulat kami ng may matinis na boses sumigaw na may hawak pang microphone..

"Brother in law dito!!! Sister!!! Ahhh!!" Napatingin kami sa gawi niya at may taga hawak pa siyang banner na malaki..

Lumapit kami sakanya at nagulat ako nang bigla niya akong hinatak at yumakap..

"Sister!! Namiss kita ng sobra!" Tumitiling sabi niya sakin..

Niyakap niya din si Zayn na natatawa na lang sa kagagahan ng magaling kong kapatid..

"Hay naku brother in law! Ang gwapo gwapo mo pala talaga! Ahh!!" Kinikilig na sigaw ni Paris nandito na kami ngayon sa kotse at papunta ng bahay..

"Hoy! Kumalma ka nga Paris!" Saway ko sakanya..

"Eto naman selos agad teh? Eh!! Gwapo talaga eh!"

Natawa na lang kami sa inaasta ng kapatid kong lukaret..

"Hoy bakit ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Panggugulo ni Paris sakin sa kwarto ko..

"Wala naman namiss ko lang tong kwarto ko saka yung kama.."

"Echos nitong babaitang to! Ano nga kasi yung iniisip mo?" Pangungulit niya ulit sakin..

"Naisip ko lang kasi.. bakit biglang nagyayang umuwi si Zayn dito? Saka magkakilala na pala kayo.."

"Malay mo naman gusto lang niyang makita yung itsura ng Manila o kaya gusto niya mag travel sa Boracay, Palawan, o sa Sagada.. saka ano ka ba inimbistigahan ko talaga yang boyfriend mo noon nuh.. mahirap na ako ata ang na trauma sa mga past relationships mo.."

Dahil sa sinabi ng kapatid ko ay niyakap ko siya ng mahigpit.. kahit hindi kami tunay na magkapatid ni Paris ay masasabi kong itinuring niya na akong parang tunay na pamilya simula noong mga bata pa lang kami..

"Ang sweet naman ng ate ko..."

"Ayoko ngang tinatawag akong ate eh! Nagmumukha akong thunders!"

"Bakit hindi ba?" Nakangising sagot ko sakanya..

"Ipatapon ulit kaya kita pabalik ng London? Hoy! 22 pa lang ako!"

One Direction Stories (1D Fanfiction)Where stories live. Discover now