Chapter 37.2

110 6 6
                                    

Kyle's POV

"Grabe ka naman sister! Anong oras na? Bibili na naman ako?!" Naiinis na tanong sakin ni Paris..

"Eh sa gusto ko ng strawberry saka apple shake eh! Sige na Paris!"

"Sister dapat kasi kumain ka na kanina! Sister alas dos pa lang ng madaling araw!"

"Ayoko kasi ng bulalo! Gusto ko lang ng strawberry at apple shake.." hindi ko alam pero ngayong araw na ito ay nagiging napaka babaw ko..

Gusto ko lang naman ng strawberry at apple shake pero ayaw akong bilhan ni Paris.. may mali ba sa pagkain ng strawberry at apple shake? Hindi ko namalayan ay humihikbi na pala ako.. napakababaw ng luha ko ngayon..

"Sister.. wag ka ng umiyak.. oo na sige na hahanap na ako ng bukas na store na may strawberry at apple shake.." biglang sabi ni Paris sakin sabay buntong hininga..

At tila isang magic words ang sinabi niya at utomatikong tumigil ako sa pag hikbi at napangiti sa sinabi niya...

"Talaga Paris? Thank you ha! I love you sister!" Matapos noon ay tumango na lang siya at pinaandar na ang kanyang sasakyan..

Habang iniintay ko si Paris ay nakaramdam na naman ako ng pagkirot ng dibdib ko.. oo nga pala hindi nga pala ako nakainom kahapon dahil wala akong ginawa kung hindi ang kumain..

Kinuha ko sa bag ko ang mga gamot ko sa puso.. at iinumin ko na sana ito pero tila nagdadalawang isip pa ako.. hindi ko alam kung bakit.. pero siguro ay simula ngayon tuwing iinumin ko ang gamot ko ay maaalala ko na hindi ko mabibigyan ng pamilya si Zayn dahil sa sakit ko..

Hindi ko mararanasan ang mga kinikwento sa akin ni Mama kung gaano siya kasaya tuwing nararamdaman niya na sumisipa ako sa loob ng tiyan niya..

Yung kung gaano siya kasaya ng isilang niya ako.. yung natitigan niya ako.. noong na rinig niya ang unang pag iyak ko.. noong hinawakan niya ang kamay ko..

Lahat ng iyon.. hinding hindi ko na mararanasan.. at isipin ko pa lang iyon ay sumisikip na ang dibdib ko..

Mayamaya pa ay may narinig ako na ugong ng sasakyan.. baka naman si Paris na yun..

Haist! Bumalik na naman yung pagkatakam ko sa strawberry at apple shake..

"Paris! Ang tagal mo naman! Asan na ba yung strawberry and apple shake ko?" Tanong ko sakanya habang pababa ako..

Ngunit tila nabato ako sa pagbaba ko ng hagdanan ng makita ko kung sino yung tao sa baba..

Zayn's POV

"Zayn this is Paris.. gusto kong umuwi ka na dito.. Kyle is with here with me.. I think you need to talk to her.. may problema siya at kailangan niya ng kausap.. I'll send you the address.."

What? Pagkabasa ng message ay bigla akong kinabahan.. anong nangyari kay Kyle?

Mayamaya pa ay natanggap ko ang address.. their are in Bulacan..

"Secretary Brauner book me a flight in Philippines.. and I want it now.."

"Okay young master.." sabay patay ko ng intercom..

Napasandal na lang ako sa swivel chair at nahilot ang sintido ko ng wala sa oras..

Damn you Zayn! What kind of husband you are?! May problema ang asawa mo pero eto ka sa London at inaasikaso ang kompanya! Sa sobrang busy mo you have forget your duty as a husband!

One Direction Stories (1D Fanfiction)Where stories live. Discover now