Chapter 4

5 1 1
                                    

I woke up feeling like my head is being hammered, breaking it into half. Hindi ko yata kayang gumalaw kaya nanatili akong nakahiga. Iba rin ang pakiramdam ko sa hinihigaan ko ngayon, malambot at mas komportable. Pero hindi ko na pinansin dahil sa matinding sakit ng ulo.

I'm trying to remember what happened that caused me this hard headache. Hirap akong makaalala pero pinipilit ko. Minulat ko ang isang mata at nasilaw sa liwanag kaya napapikit ulit ako. Sa pangalawang beses na subok ay pinikit-pikit ko hanggang sa masanay na.

Napabangon ako bigla nang makita na hindi pamilyar sa akin ang silid. Puro puti at wala masyadong gamit. Sigurado naman akong hindi hospital ito. Nilibot ko pa lalo ang paningin ko at sinubukang tumayo.

A sudden knock from the door came that made me shock. Napatayo ako nang tuluyan at dumampot nang unan para pang protekta sa kung sino man.

"S-Sino y-yan?" Gamit ang nanginginig kong boses.

Then a flashback came to my mind. The party! Scarlet's celebration last night. But I don't remember talking to her. We were just drinking when a girl came. Sir Klaus' make up artist? Then I remember Leah pulling us to the dance floor. We went wild, oh gosh. I tried to remember more. The man! I remember floating maybe the man carried me. Pagkatapos noon ay malabo na sa akin ang mga sumunod. Was I kidnapped?

Mapagkakatiwalaan naman siguro ang mga tao roon, 'di ba? Pero hindi ko alam.

Hinigpitan ko lalo ang hawak sa unan nang gumalaw na ang doorknob.

A man showed up. Ulo niya muna ang pinasok bago ang katawan.

Sir Klaus?!

"You're finally awake now. You were so drunk last night. " He calmly said. Binitawan ko na rin ang hawak na unan.

"Ano po nangyari kagabi, S-Sir? Nasaan po ako at bakit k-kayo nandito?" Napapalunok kong tanong.

"You're in my condo. Let's talk about it over breakfast. I prepared food to cure your hangover." Then he placed a paper bag near the door "I bought you clothes. You can clean yourself on my restroom."

Tumalikod na siya pero muling humarap "And I told you to stop calling me sir when we're not at work."

He left after that.

Nasa condo niya ako?! 'Yung unit niya ba sa harap ng akin o 'yung nirerenovate? Tapos na ba 'yon? Pero paanong napunta ako rito? Bakit hindi na lang sa unit ko? Natulala pa rin ako at hindi malaman ang gagawin.

Lalabas na ba ako? Tinignan ko ang sarili at nakitang kumpleto naman ang damit ko pero gulo-gulo na. Naaamoy ko rin ang alak sa katawan– ang baho ko na. Dinampot ko ang cellphone sa bedside table at tinignan ang sarili sa camera. Medyo maayos naman pero wala na akong lipstick. Sinuklay ko na rin ang buhok ko gamit ang kamay.

Dinampot ko na ang paper bag at nakitang kumpleto ito. May twalya, damit at undergarment. Marahan kong binuksan ang pintuan at nakitang pamilyar lang sa akin ang unit dahil parehas lang naman ito ng akin mas maayos at malinis nga lang.

Paglabas ko ay nakita kong nag-aayos na siya nang lamesa.

"You can use the transparent toothbrush. That's what I used to you last night."

Last night?!

Tumango na lang ako at agad na lang pumasok sa banyo para mag linis. Sobrang nanlalagkit na rin ako at amoy alak ang katawan.

Puro panlalaking gamit ang narito kaya hindi na ako nagtaka nang mag-amoy lalaki ako pagkatapos. Hindi naman siya sobrang sagwa amuyin sa akin. Sakto lang din ang tapang. I'm wearing a simple white t-shirt and a black cotton short. Nasuklay ko na rin ang buhok ko gamit iyong binili niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Choose YouWhere stories live. Discover now