Chapter 16

125 5 0
                                    

************************************

"Kaya naman pala malakas ang loob."

Alam Kong si Cendy ang pinag-uusapan nila. Pero ang tingin ko kanina ay si Cendy ang kinampihan ni Pres kahit Hindi pa nagpapaliwanag si Luisa at Natasha.

Dumating na rin si Ma'am Pagdato kaya tumahimik na. Nagamit ni Ma'am ang isang oras na vacant namin dahil nga sa nangyari kanina.

Nandito ako ngayon sa Library para humiram ng aklat. NASA pinakadulo ako kaya walang estudyanteng malapit sakin.

Nang makita ko ang aklat na hinahanap ko ay may bigla namang kumuha noon. Tiningnan ko kung sino, si Luisa.

"She's a bitch Santos. Don't ever believe on her. Arrghh. How dare her na baliktarin kami ni Natasha kay Pres."

Kita ko ang inis sa itsura ni  Luisa. "Just believe on what Pres is saying to you." dagdag pa nito.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita. Si Cendy ba ang tinutukoy niya? Nang maramdaman yata nito na wala akong balak magsalita ay tumalikod na ito dala ang aklat na nais ko sanang hiramin.

Umalis na lang ako sa library at pumuntang cafeteria. Bumili lang ako ng coke at bumalik sa room. Ngunit sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Nathan.

Nagtaka ako dahil marami itong pasa at basag ang salamin. Marumi rin ang suot nito. Lalapitan ko na sana ito ay lumiko naman Siya.

Anong nangyari dun?

Nakita ko si Pres na naglalakad kaya tumalikod ako. Tumibok ng malakas ang puso ko. Natatakot pa rin ako sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang mga brasong yumakap sakin mula sa likod. Alam Kong si Pres ang nakayakap sa akin.

"May I walk you to your room?"
Nahimigan ko ang lambing sa mga boses nya kaya tumango ako.

Tahimik lang ako habang pinapanhik namin ang room ko.

Sinabihan ako kanina ni Pres na hintayin siya pauwi kaya nandito ako ngayon sa parking lot ng school. May thirty minutes na akong naghihintay ngunit wala pa rin siya.

Hindi ko alam ang tapos ng klase niya kaya matiyaga pa rin akong naghihintay.

Another thirty minutes pa ulit ang lumipas ngunit wala pa rin siya.

Maya-maya ay dumating na Siya kasama si Cendy. Seryoso na naman si Pres habang nakangiti naman si Cendy.

"Sorry huh. Matthaeus waited for me pa eh. Kanina ka pa ba diyan?"

Tanong pa sakin ni Cendy. Hindi ko lang ito inimikan bagkos ay tumango lang.

Sumakay na kami sa kotse at ako ang nasa passenger seat dahil iyun ang gusto ni Pres. Hawak nito ang kamay ko habang nagdadrive kaya napapatingin ako sa likod kay Cendy. Baka kasi kung Anong isipin nito.

Kita ko ang masamang tingin nito sa kamay namin ni Pres.

Nang makarating kami sa bahay ay umuna na ako papasok at dumiretso na agad sa room. Akala ko ay susunod na si Pres ngunit si Cendy ang sumunod. Nakatayo lang ito sa pinto habang nakaupo naman ako sa kama.

"I know where your father is. If you want, I can help you escape. I can send you to a place where Matthaeus will never find you."

Alam niya kung nasaan si tatay. Ibig sabihin, nasa malapit lang Siya.

"Nasaan Siya?"

Ngumisi muna si Cendy bago nagsalita

"Tell me first if you are willing to run away. "

Tumango ako sa sinabi nito na siyang higit na nagpalawak ng mga ngisi nito. "Ok then, magimpake ka na, mamayang gabi ka tatakas. And please just never come back."
Agad ding umalis si Cendy.

Makikita ko na si tatay. Makakatakas na ako kay Pres. Hindi ko alam kung bakit ako tinutulungan ni Cendy pero wala na akong pakialam dun.

Nagimpake lang ako ng gamit ko at nagpahinga. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa kwarto namin si Pres.

Ito na ang pangalawang pagkakataon kong tatakas kasama si tatay. Sana matuloy na ngayon.

Lumabas lang ako ng kwarto nang tinawag na ako para sa dinner wala pa rin si Pres. Tanging kami lang ni Cendy ang naghahapunan ngayon.

"After this you won't be a Mrs. Saavedra anymore."

Bulong lang iyon ngunit sinadyang marinig ko. Oo, sapat na ang dalawang linggong pagiging asawa ni Pres.

Nagmadali na ako sa pagkain at bumalik na uli sa kwarto. Inihanda ko na ang maleta para handa na ako mamaya sa pag-alis namin ni Cendy.

Habang naghihintay ay may kumatok sa pinto. Pagtingin ko ay si Cendy na ito. Agad kaming lumabas ng bahay at sumakay sa taxi. Oo kasama siya dahil Siya ang nakakaalam kung nasaan si tatay.

Mabilis lang ang naging byahe at nakarating agad kami sa isang malaking bahay. Si Cendy ang nagbayad sa pamasahe habang ako ay pumasok agad sa bahay na iyon. Pagpasok ko ay nakita ko agad si tatay na kalalabas lang ng kwarto.

"Tatay!!" Tumakbo ako palapit rito at niyakap ito.

"Tay, tatakas na tayo. May tutulong na satin"

Tinulungan kami ni Cendy na mag-ayos ng gamit ni tatay. Sana kinabukasan ay bumalik na sa dati ang buhay ko.

"Tay,, naaksidente po ba ako noon at wala na ng maalala ngayon?" Tanong ko.

Kumunot lamang ang noo ni tatay at si Cendy ang sumagot sakin.

"And you think your life is a cliche? Accident your face. I told you, he met you but you never met him!" maarteng saad nito.

Lalo akong naguluhan sa mga tinuran ni Cendy.

Matapos naming mag-ayos ng gamit ni tatay at lumabas na kami sa kwarto. Nangunguna samin si Cendy. Ngunit bigla na lang itong tumigil. Tumingin ako sa unahan ngunit nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nanginig ang mga kamay ko. Si Pres  na nakatingin sa mga hawak Kong maleta.

Raped By The Ssg President (RSP)Where stories live. Discover now