C. 04

5 0 0
                                    

- The Next Day -

Natapos ang klase ng block nina Raiden at agad nagpaalam ang mga ito sa isa't-isa. "Cyon umuna ka na, kasabay ko si Kallen, may pupuntahan lang kami."

Tumango si Cyon at nagpaalam sa kaibigan habang pumunta sa kabilang way si Raiden para makipagkita kay Aether.

- Raiden's POV -

Dumating din si Aether kasama si Hanz

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dumating din si Aether kasama si Hanz. Napatingin naman si Raiden kay Aether kasi hindi dapat marinig ni Hanz ang pag-uusapan nila. Sabi naman ni Aether, "Ahh, sasabay lang si Hanz palabas sa gate, dun naman ang way ng Accountancy Building noh."

Tumango si Raiden at naglakad na ang mga ito papunta sa Accountancy Buiding. Nakita ni Raiden na naghihintay na si Kallen sa kanila. "Late kayo." Bati neto.

Raiden scoffs, "Sunget mo naman lods."

At ipinakilala n'ya ang kasama n'ya. "Eto si Kallen, pinsan ko, eto naman sina Hanz at Aether." Nag-hi ang dalawa at nagpaalam din agad si Hanz dahil may pupuntahan din s'ya after ng klase.


Umupo ang tatlo sa tambayan sa tapat ng Accountacy Building at sinimulan ni Raiden. "Ano, Aether..."

Iniisip ni Raiden kung paano at ano ang mangyayari sa kanila after ng pag-uusap ngayon. "Sure ka ba na nakakakita ka ng Red string?"

Nagtaka si Aether sa topic ng usapan nila. Akala n'ya ay ipapakilala lamang s'ya ni Raiden sa kamag-anak ni'to bilang manliligaw.

Tuminging muli si Aether sa hinliliit n'ya na nakakonekta sa hinliliit ni Raiden. Tinuro n'ya ito, "Oo, eto oh." Sabi n'ya nang nakangiti.

Nakita n'yang nakatingin lang sa kanila si Kallen, "Naniniwala ka sa Red String?" Tanong ni Aether kay Kallen.

Ngunit hindi ito sinagot ni Kallen, instead he responded with another question, "Red String mo lang ang nakikita mo?"

Aether nodded. "Oo, tapos nakakonekta kay Raiden." Aether stated genuinely, and both Raiden and Kallen saw it.

Nagkatinginan ang magpinsan, "So hindi talaga s'ya Seer." Dinig ni Aether na sabi ni Kallen.

"Seer?" Tanong ni Aether, "Nabasa ko 'yan eh, Seers have the ability to see red strings of people. Ano 'yon? Seer ako ibig sabihin? Pero sariling Red string ko lang ang nakikita ko?" Patuloy na pagtataka ni Aether.

"Pero nabasa ko rin sa isang article na if hindi ka Seer, may chance ka na makita ang red string mo, pero isang beses/araw lang. Feel ko, nandun ako sa category na 'yon, pero 4 days ko na nakikita ang akin?" Paliwanag ni Aether at natawa naman si Raiden sa enthusiasm ni Aether malaman ang tungkol sa red string of fate.

Red String Series : Hide And Seek, The First StoryWhere stories live. Discover now