Chapter 2

4 0 0
                                    

Destine's POV

"Saki, where are you? Its my birthday, you promised me." I said talking to him over the phone. I'm in the midst of crying already. I did turn 21 today but still a cry baby. Ever since that night happened I've been like this. Scared as fuck.

"baby girl wait up, Shanaiah wants to go with us, I'm fetching her. Wait there okay? we'll be there in a minute." Sakiel answered with a silent chuckle, as if nagjojoke pa ako.

"Saki, you know how I hate waiting! Hurry up okay? but be mindful." sagot ko na tila iritang irita na sa paghihintay pero gusto pa ring mag-ingat siya.

"You wouldn't want me waiting Sakiel ." seryoso ko pang dagdag.

He knows that waiting was never my thing. Dumating na nga sa point na sa sobrang tagal niyang magsundo ay asar na asar na ako at nagbihis ng pambahay. Instead of going out nanood na lang kami sa netflix at inaasar asar niya ako that whole night na kulang ako sa pasensya.

I scold him and told him that same night that every minute counts. Hindi dapat siya nagsasayang ng oras. Hindi natin alam kung anong nawawala, nauubos at naaapektuhan sa bawat segundong dumadaan.

Time is gold. I am a passionate believer of that.

Kaya naman hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit sinasayang pa ng Shanaiah na iyon ang oras niya kay Sakiel gayong hindi naman siya ang future jowa nun.

Gusto ko tuloy siyang sigawan ng "Hoy! pag-aari ko 'yan." tuwing naaalala ko kung paano niya hawakan at titigan si Saki.

Why would he need to go with that Shanaiah girl? It should only the two of us today. Just by thinking of it really pissed me off.

"Ate D! nandito na sila kuya Saki sa labas." biglaang sigaw ni Kyla na apo ni Manang Lumen.

Matagal na talaga silang naninilbihan sa aming pamilya, magmula pa sa mga lola't lolo ni Manang na tagasilbi pa ng mga lola't lolo ko, kaya naman heto at ang pamilya na namin ang sumagot sa pagpapaaral ng mga apo ni Manang Lumen.

"Thanks Kyla! may pasalubong ako sa'yo mamaya." sagot ko sa kinse anyos na batang si Kyla at ginawaran ito ng isang malaking ngiti bago ako tuluyang lumabas.

"Salamat din po Ate! Maligayang kaarawan po!" sigaw niya pa pabalik ngunit hindi na ako lumingon pa. Gayunpaman ay nanatili ang malaking ngiti sa aking labi.

"Mukhang gumanda ka at lalo na ang araw mo, mahal na prinsesa ah!" mapagbirong sinambit at may pagyukong tila nagbibigay pugay sa isang tunay na prinsesa na sambit ni Sakiel.

Bumaba pa pala ito ng kotse at talagang hinintay pa ako sa labas habang nakasandal sa may pintuan. Guwapong guwapo ito sa isang khaki trouser pants at white long sleeves na hapit na hapit sa mga braso nito.

Grabe beh talagang hinantay ako. Kilig yorn? Okay, kalma hearty KALMA!

Ngumiti ako ng malapad bago nagsalita "Pinanganak na talaga akong maganda! At 'wag ka ng mambola, hindi mo 'ko madadaan diyan! Late ka na naman!" naiinis ngunit may pagbibiro kong sabi.

Humalakhak siya at pumasok na sa driver's seat habang binuksan ko ang pinto sa tabi niya.

Napanganga ako sa nakita. Alam ni Sakiel na pag-aari ko ang upuang ito lalo na pag siya ang driver. Aba! bakit dito nakaupo ang bruhildang ito!

Bago pa ako makapagsalita ay nabitin na sa ere ang lahat ng sasabihin ko nang unahan ako ni Sakiel.

"ah..." napahinto rin ito sa pagsasalita at nagpabalik balik ng tingin sa akin at sa babaeng ambisyosang magnanakaw ng upuan.

A Happy EndingWhere stories live. Discover now