chapter 1

216 6 0
                                    

CHAPTER TWO
FRANCINE/ALLESSIA POV

Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong hinanap ang closet at agad nag hanap ng damit, tsk! Bw*sit, panay maiiksi ang mga damit dito, kung hindi naman panay kulay pink na dress, naghanap pa ako ng naghanap at may nakita akong violet dress namay design na puting mga bulaklak.

Agad ko na yung sinuot at pumunta sa malaking salamin at tinignan ang aking mukha.

Tsk! Na-reincarnate pala ako sa isang prinsesa, hayyy!! Buhay parang life, buti na lang Diamond ako, kamusta kaya sa mundo ko? kamusta kaya sila jake at mike?, ano na kayang ng yari Kay kuya Devon?, alam niya na ba na na aksidente ako?.

Sh*t naman kasi isang Francine Devin Smith, The heartless Mafia Queen namatay dahil, hindi tinitignan ang daan habang nagmamaneho, ang lakas maka basag ng ego dude, dapat nag-pab*ril na lang ako sa mga kalaban ko sa mafia kaysa sa m*matay dahil sa kat*ngahan, siguradong pinagtatawanan na ako ng mga kalaban ko sa mafia, hayyyss!! Bakit kasi hindi ko tinitignan yung daan tuloy nabungo kami.

" TOK!! TOK!! TOK!! " Tsk! Sino naman ang panira na yun.

" Pasok!!! " Malakas kong sigaw mula sa loob ng kwarto, mayamaya pa ay bumukas ang pinto at niluwa ang mukha ng katulong na naunang nakita ko ng magising ako sa katawan na ito.

" Prinsesa Allessia, pina-papunta po kayo ni Reyna Eliza sa dinning hall para sa hapunan, " magalang na wika ng babae, tumango ako sa kanya at inayos ang aking tayo at sabay na kaming lumabas ng kwarto.

" Anong pangalan mo? "

" Ako po si Catherine ang personal maid niyo mahal na prinsesa, " nakangiti niyang sagot, hindi bato na papagod ngumiti.

" Alam mo ba prinsesa.... " hindi ko pa alam.

" Nakaka-panibago ka....." Panong bago?

" Dati po kasi sinusungitan mo ako, pero ngayun po ang lamig mo na mag-salita, sana hindi kana po talaga maka-alala para hindi mo na rin maalala ang mga masasakit at lahat ng paghihirap mo dahil sa mga royalties at sa kuya mo, ayaw ko na po kasing marinig kang umiiyak tuwing Gabi, mas- gusto ko pang maging malamig ka prinsesa at nai-pagtatangol mo ang iyong sarili, kaysa sa dati na umiiyak ka lang sa isang sulok."

" Paano mo na sabi na sinasaktan ako ng sinasabi mong kuya ko at ng royalties?. " Nakakunot noo kong tanong, bakit siya sasaktan ng sarili niyang kuya.

" Palagi po kasi ni lang kinakampihan si prinsesa Sofia, kahit na pinag-tatanggol niyo lang ang iyong sarili, buti na lang po at mabait ang hari at reyna kaya palagi nila po kayong pino-protektahan, " kung-ganon mga dakilang uto-uto ang mga royalties nayun at pavictim pala ang prinsesang Sofia na yun.

" Pwede mo bang sabihin kung Ano ang pangalan ng mga magulang ko at ni kuya? " nakakasukang tawagin siyang kuya.

" syempre naman po, Ang pangalan po ng iyong Ama ay Alexander siya po ang hari ng inyong kaharian, ang iyong Ina naman po ay si Reyna Eliza, at ang pangalan naman po ng kuya mo ay Clyde, " tsk! Clyde pala ang pangalan ng unggoy na yun, Tipid ko siyang nginitian, at saka di na nagsalita, hayyysss!!! Ang daldal ko yata ngayun.

Ng makarating kami sa dinning hall ay agad na bumungad sakin ang malaking pintuan at sagilid nun ay may dalawang kawal.

Pinag-buksan nila ako ng pinto, kaya agad akong pumasok, pag-pasok ko palang ay nakita ko na ang mga magulang ko, si Clyde at ang mga Royalties na masayang nag-uusap.

Agad na tumahimik ang maingay na dinning room at nabaling sakin ang lahat ng atensiyon ng mga taong kumakain ng maramdaman nilang nakatingin ako sakanila, lumapit ako kay Ama at ina at saka sila binigyang ng halik sa pisnge, at umupo sa katabing upuan ni Ina, makiki ama't ina na lang ako total, ako na ang nasa katawang ito.

To be continued

•••••••••••••••••••
• plagiarism is a crime

Mafia Queen Reincarnated as a Bitch-Weak princessWhere stories live. Discover now