chapter 15

121 4 0
                                    

"  Mafia Queen Reincarnated To Bitch-Weak Princess " — CHAPTER FIFTEEN

                CHAPTER FIFTEEN
            FRANCINE/ALLESSIA POV

Pumunta ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko, pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako ng aking kwarto.

pagkalabas ko sa kwarto ay agad kong tinungo ang kitchen dahil na isipan kong mag luto dahil nakakasawa na ang mga pagkain doon sa Cafeteria.

Nag luto ako ng fried rice, fried egg, hot dog, ham at hotcake, pagkatapos ko itong lutuin ay hinanda ko naman ito at nilagay isa isa sa lamesa, kumuha ako ng baso at nag timpla ng gatas, sakto namang pagkaupo ko sa upuan ay ang pagpasok ng kagigising palang na mga Royalties, Agad nagningning ang kanilang mga mata nang makita ang pagkain na nasa lamesa at dali-daling kumuha ng plato at umupo sa upuan at saka nag sandok ng kanilang pagkain sa kanilang mga plato, grabe saan ba pinaglihi ang mukha ng mga ito? Sobrang kapal eh! Hindi ko na lang sila pinansin at nag simula na lang kumain ng tahimik.

" Kailan kapa natutong mag luto Allessia?  Sapag kakaalala ko hindi kanaman nag-aral sa pag luluto at panay pag- papapansin lang samin ang alam mong gawin. " tsk! Hindi ba niya kayang kumain ng walang sinasabi.

Tinignan ko ng malamig si Clyde at Nag salita, " Ano bang pake mo kung kelan ako na tutong mag luto hah! Clyde? sa pag kakaalala ko din WALA KANG PAKE SAKIN kaya kahit na anong gawin ko WALA KA NANG PAKE dun. " Malamig kong wika at pinagpatuloy ulit ang aking kinakain, kelan ba siya nagkaroon ng pake Kay Allessia, Nang dahil sakanya kaya nam*tay si Allessia dahil imbes na ang kapatid niya ang Protektahan niya eh! mas inuna niya pa ang Sofia nayun, agad kong Naiyukom ang aking kamay at pinigilan ang aking Galit ng pumasok sa aking isipan ang mga alaala ni Allessia at ang mukha niyang umiiyak.

" Ano bang nang yayari sayo Allessia hindi kanaman ganyan dati? " tanong nanaman niya sakin, hindi ko na napigilan ang aking galit at hindi na nakatiis at Pinanlisikan ko siya ng mata at Pabagsak kong naibaba ang aking kutsara at tumayo, saka malamig pa sa yelong tinignan ko si Clyde.

" People change when they get tired and I am one of them, so don't expect to see the old Allessia again. " Malamig kong wika at lumabas na nang kitchen, at iniwan silang gulat na gulat at mga nakanganga, nawalan na ako ng ganang kumain.

Tinungo ko ang aking kwarto at kinuha ang mga libro na hiniram ko kahapon at nilagay sa isang bag at lumabas na nang dorm naisip ko na mag basa na lang ng libro sa likod ng Academy.

Pagkarating ko sa likod ng Academy ay bumungad sakin ang Gubat ng Mystical Forest.

Ang Gubat na ito ay puno ng mga magical creature, walang nagtatangkang pumasok sa gubat na ito dahil lahat ng sumubok ay hindi na nakabalik pa.

Pumasok ako sa loob ng gubat at tinungo ang gitnang bahagi nito, pagkarating ko sa gitnang bahagi ay agad kong nakita ang bahagi ng gubat na walang mga puno at puro ibat-ibang uri lang ng mga bulaklak lang ang nakatanim, Umupo ako dun at kinuha  sa bag ang libro na babasahin ko.

" Arrggghh!!! Huhu!! Aray ang sakit. " Hindi pa ako nakakasimula sa pag babasa ng may Marinig akong boses sa  likod ng malaking tumpok ng mga nalagas na mga tuyong dahon, dahan-dahan akong nag-lakad papunta doon at tinignan kung kanino galing ang boses na aking narinig.

Nakita ko ang isang duwende na nahihirapang tanggalin ang mahaba niyang balbas na naipit sa isang  malaking bato. " Huhuhu!! Arrggghh! Pag ikaw talaga na tanggal ko. " umiiyak ulit na wika ng duwende hayyysss! Lumabas ako sa pinagtataguan ko at saka dahan dahang inangat ang bato upang makuha niya ang kanyang balbas.

Nang matang-gal sa pagkakaipit ang kanyang balbas ay agad siyang nagtatalon sa tuwa, Maya maya pa ay tumigil na rin siya sa pagtatalon.

" Maraming salamat sayo binibini, dahil tinulungan mo ako ibibigay ko sayo ang aking mahiwagang panulat at libro bilang kabayaran sa iyong kabutihan, kaya nitong gawing totoo lahat ng iyong nais iguhit. " Tatanggi pa sana ako ng kinuha niya na ang aking kamay at nilagay dun ang libro  at isang panulat na may disenyong pakpak na kulay black na may halong gold, tinignan ko ang kanyang ibinigay.

" Salamat na lang ngunit— hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng makita na wala na sa aking harapan ang duwende na aking tinulungan.

Napailing na lang ako at bumalik na ulit sa aking pinanggalingan kanina, tinignan ko ulit ang libro at panulat, umupo ako sa malinis at makinis na bato na aking nakita at binuksan ang makapal na libro pagkabukas ko ng libro ay bumungad sakin ang mga blangkong pahina nito, Napa-buntong hininga ako, Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?.

To be continued

• Plagiarism is a crime
• Open for criticism
@ Winter ❄️

Mafia Queen Reincarnated as a Bitch-Weak princessWhere stories live. Discover now