Chapter 8

1K 51 23
                                    

Ashleigh's POV

"Ayoko nga niyan," angal ko habang nilalayo ang bibig ko. I'm still at the hospital right now and I'm with Coler. Isinusubo niya sa akin ang prutas na Orange e ayaw ko nga non.

"Then what do you like? Sabi mo gusto mo ng prutas pero inayawan mo na lahat ng mga binili ko." Kalmado lang siya sa pagsasalita at hindi ko nakikitaan ng pagkairita. Ang haba ng pasensya niya sa'kin kahit na ang kulit kulit ko.

Ngumuso ako. "Hindi ko rin alam, basta gusto ko ng prutas.. galit ka ba?" Hinanap ng kamay ko ang mukha niya at nung mahanap ko 'yon ay kinapa kapa ko. Hindi naman siya nakakunot noo.

Kinuha niya ang kamay ko na nasa mga pisngi niya at hinawakan 'yon, marahan pang pinipisil. "I'm not mad, just tell me the exact fruit that you like, alright?" Ang soft talaga ng boses niya. Hindi naman siya ganito noong hindi pa ako naaaksidente. Masama ba na maging masaya ako sa nangyari sa'kin? I mean, ito na kasi yung pinapangarap ko, 'yung maging sweet siya sa 'kin na para bang boyfriend ko siya, inaalagaan niya ako, pinagpapasensyahan sa katigasan ng ulo ko. Diba? Ang sarap kasi sa pakiramdam.

"Hmm, Durian, 'yon ang gusto ko," wika ko nang makapagdesisyon ako kung anong hinahanap ng panlasa ko.

"Durian? Okay, I'll be back."

Ramdam kong tumayo siya kaya inabot ko siya at ang laylayan ng damit niya ang nahawakan ko. "Saan ka pupunta? Wag mo 'kong iwan.."

Simula nang mangyare ang aksidente, ayaw ko nang wala siya sa tabi ko, parang lagi ko na siyang hinahanap-hanap.

Ginulo niya ang buhok ko at ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "Hindi naman ako aalis, pupuntahan ko lang si Aling Minda na nasa labas ng kwarto, sa kaniya ako magpapabili."

Nakahinga ako nang maluwag at nanatili na lang na nakaupo roon. Sandali siyang lumabas at rinig kong bumalik din siya agad.

"Ayos na, sakto na may nagtitinda ng durian dyan sa labas ngayon," aniya at naupo na ulit sa upuan niya kanina.

Napangiti na lang ako. "Si Mommy nga pala at si Daddy? Bakit hindi pa siya dumadalaw sa'kin mula kahapon?" tanong ko. Dati kasi ay araw araw naman ang pagdalaw nila sa akin.

"May inaasikaso lang sila.." tanging sagot niya. Ano kaya 'yon? Siguro ay hinuhuli nila ang may gawa sa'kin nito.

Samantha's POV

Nagtipon-tipon muli ang The Cards. Lahat ng miyembro ay nandito ngayon sa secret hideout namin. Even Ashley and Blake are here.

"Sino ba talagang may pakana nito? Yung Xcience ba na 'yon na naman?" tanong ni Ashleigh. She knows about it dahil naikukwento ko iyon dati sa kaniya.

"Bagong grupo ang bumabangga sa atin ngayon, not Xcience," panimula ko.

"Yeah, because I handle Xcience and nasa tamang katinuan pa ako para utusan ang mga tauhan ko na saktan ang mga bata," ani Dale. Yes, nakumpirma ko na, umamin din sa akin si Dale na siya pala ang nasa likod ng grupong iyon. Dahil na rin sa amin na pamilya niya, napagplanuhang ipagkasundo ang Xcience at The Cards upang magsanib pwersa.

"Yow, what's up?" Napalingon kami sa kakapasok lang na sina Luke, Denis at Lance. Sila ang mga kaibigan ni Dale at Blake na kasali rin sa grupo ng Xcience. (First appearance nila sa Forced Marriage, Chapter 1)

"Pre." Lumapit si Dale sa kanila at nagbatian sila. Nag-usap sila sandali bago lumapit sa amin.

"May nakalap akong impormasyon, may bagong grupo ngayon na pinaghihinalaan naming may kagagawan ng mga nangyayare ngayon, katulad sa nangyare sa anak mo," paliwanag ni Luke at tumingin kay Ashley at Blake.

Arranged Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon