Chapter 9

859 39 10
                                    

(Bulaga, gulat kayo no may update na haha gulat din ako e sensya na po kung matagal ✌️✌️ luv uuu)

Allison's POV

How could this world be so cruel? I feel like they're playing with us.

First, si Tito Savi, ngayon naman sina Mommy at Daddy. I feel so broken right now. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Now, it's just me, Berry and Kuya Coler. Kaming tatlo na lang, what more when Kuya Coler and Ate Ashleigh get married? Kuya will surely make a new life with her wife and of course, if they'll have kids, wala na talaga, magiging busy na siya sa bagong buhay niya at kami, kami na lang ni Berry.

"Ate.. are you okay?" Hindi ko na napansin na nakapasok na sa kwarto ko si Berry, ilang oras na siguro akong nakatulala sa bintana. Alam ko kung gaano na kapaga ang mata ko. Gabi-gabi na lang akong umiiyak. Alam kong ganoon din si Berry, she's trying to be strong for the both of us. Ako dapat ang ganon diba? Ako dapat ang nagpapakita ng lakas sa aming dalawa dahil ako ang ate niya. Pero hindi ko kaya.. buong buhay ko nakadepend na ako sa mga magulang ko at ngayong wala na sila. Parang hindi ko talaga kaya. Ilang beses kong naisip na sumunod sa kanila.. pero paano si Berry? Mas lalala lang ang lahat.

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, nagsimula na namang nanubig ang mata ko. "I'm sorry.." sambit ko at hindi ko na napigilang mapahagulgol. "S-sorry si ate ha? Di ko.. di ko pa kayang maging malakas ngayon e. I-I'm sorry, bunso... a-ako dapat yung nagpapakatatag para sa 'tin pero heto ako.."

"Ate.." nginig ang boses na lumapit sa akin si Berry at hinagkan ako. Mas lalo lang akong naiyak at gumanti sa kaniya. "Ate ko.. naiintindihan ko naman e, nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo.. alam kong kakayanin natin to, tayong tatlo ni Kuya Coler," pag-aalo niya habang hinahagod ang likod ko.

"No, Berry. Remember magpapakasal na sila ni Ate Ashleigh? Siguradong hindi na niya tayo mabibigyan ng atensyon, mas ipapriority niya na ang bago niyang pamilya.." sad but true. Alam kong ganoon ang mangyayari.

"Then.. then huwag na muna silang magpakasal! I know maiintindihan din yon ni Ate Ashleigh," suhestiyon niya. And yeah, pwede nga.




Ashleigh's POV

"Ayos lang ako, 'wag mo 'kong alalahanin." Laging iyan ang sagot sa akin ni Coler tuwing tinatanong ko siya kung ayos lang ba siya. Alam ko namang hindi siya okay, alam kong gusto niya lang magpakatatag at kahit ako, hindi ko matanggap na wala na sina Tita Sam at Tito Dale.

Ano na bang mangyayari? Hindi naman dapat mangyari 'yon e. Iniisa-isa na nila kami.

"I know you're not. Come on, Coler, nandito lang ako para damayan ka, para makinig sayo, para samahan ka.." ani ko. Hindi ko man siya nakikita ay alam kong malungkot siya. Alam ko kung gaano kabasag ang puso niya ngayon. Lumaki siya na malapit ang loob sa mga magulang niya kaya hindi madaling tanggapin 'yon.

Namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa narinig ko ang mahina niyang paghikbi. He's crying.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinagkan siya, ipinatong ko ang kaniyang ulo sa balikat ko at hinayaan siyang umiyak roon. "Sige lang.. ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo, mas masakit kapag sinarili mo lang lahat 'yan."

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagganti niya sa yakap ko at mas sumubsob sa balikat ko. "Kaya natin 'yan, nandito lang ako lagi para sa 'yo. Tandaan mo na hindi ka mag-isa."


Araw ng burol ni Tita Sam at Tito Dale, nakalabas na rin ako sa hospital at dinala ako rito ni Coler. Hindi ko man ito nakikita, ang mga taong nakapaligid sa amin, pero ramdam na ramdam ko kung gaano kalungkot ang lahat. Maging ako ay hindi na napigilang maiyak habang nakahawak sa kabaong, si Coler ay nakaalalay sa gilid ko.

Arranged Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon