Chapter 22

55 12 0
                                    

Phantom Point of View

Fvck.

Fvck it, I'm almost there. I'm an inch away from killing him. And get that item I want that is on him. Fvcking shit.

That fvcking Notification ruin my plan, it stop my only opportunity to kill that Bard. If I can, I already skin those game administrator alive.

I don't know when I'll see that Bard again, and I don't know if I can get that item ever.

Arghhhh

Fvck that notification!

Clyde Point of View

Bwesit naman oo, mapapa-away ata ako dito sa mukhang adik nato. Tinignan ko ang babae sa gilid ko, anakng, bat ba kasi ako yung ginawang pag-takip nito?

Dahan-dahang bumitaw sakin yung babae, naramdaman ata yung pagka-bwesit ko sakaniya. 'Diko nalang pinansin at tinignan nalang tong lalaki na mukhang adik. Tsk! Ka-umay naman oh!

Halata sa mukha nitong Eric ang kagustohang sumugod sakin. Nakatitig ito sa babae habang nanlilisik ang mga mata, naka kuyom nadin ang kamao nito.

Urgh.

Ngumisi bigla yung Eric at walang pasabing sumugod sakin.

"Oy oy..." Nasabi ko nalang at nagmamadaling iwasan yung suntok na naka-aim sa mukha ko. Ulol, wag yung mukha ko boy.

Pinangangalagaan ko itong mukha ko, wag mong subokang sirain.

Hinawakan ko yung kamay na ginamit nung lalaki pansuntok sakin gamit ang kanan kong kamay

Tumitig sakin yung Eric at makikita sa mukha nito ang pagka-bigla. Heh~ porket malaki katawan mo?

Ngumisi ako at hinila yung kamay nung Eric ng malakas, hindi siya naka react kaagad at nahila.

Hindi parin naka huma yung Eric sa ginawa ko kaya di kona pinalagpas pa yung pagkakataon at agad na sinipa yung likoran ng kanyang tuhod dahilan upang mapaluhod siya.

Rise my subject, kidding.

Balak pa sanang tumingin sakin yung Eric ngunit agad kong hinawakan yung likoran ng kaniyang leeg kaya di na niya natuloy ang kaniyang balak.

Pinaharap ko sa babae yung Eric habang nakaluhod. Tinignan ko naman yung Grace at halata sa mukha nito ang pagka-gulat. Tss.

Napatabon panga ito ng kaniyang bibig. 

"Umalis kana!" May diin na saad ko sa babae. Napapitlag ang babae at parang tanga na tumitig sakin. Argh.

"Umalis kana!" Pag-uulit ko.

Dagling tumango si Grace sa sinabi ko at mabilis na tumakbo paalis, ni hindi nga niya pa tinaponan nang isang sulyap ang lalaking naka luhod.

Nang maka alis na yung babae, binitawan ko agad yung Eric dahilan upang mapatumba siya.

Mabilis naman siyang tumayo at tumitig sakin "Pasensiya kana" I said and shrugged my shoulders.

Dikona hinintay yung lalaki na sumagot pa or maka react, mabilis akong naglakad papalayo upang maghanap ng Taxi.

Gabi na kaya medjo kunti nalang ang mga nadaan, kaya for sure maghihintay ako nang matagal upang maka-biyahe.

Habang naghihintay ng taxi, diko mapigilang mapa-isip. For how many years I am staying here, wala akong natanggap na kahit ano mang tawag or text galing sakanila.

Bat ngayon pa sila tumawag? May problema kaya?

I don't know but it's kinda weird.

Napatigil ako sa pag-iisip nung may isang taxi na tumigil sa harapan ko.

Pumasok ako kaagad at sinabi sa driver yung location.

Nagsimulang magmaneho ang driver, sumandal ako sa upuan at nagmuni muni.

Di talaga mawala wala sa isip ko ang pagtawag sakin ni mama. Di ako mapakali, at parang mayroong maraming langgam ang naka-paligid sa systema ko, dahilan upang di ako mapakali.

I took a deep breath and calm myself. Baka wala lang yun? Baka namiss lang ako ng mama ko? Pero hindi eh, alam kong matagal na alam nina mama kung saan ako namamalagi, lahat ng impormasiyon tungkol sakin ay panigurado alam nila.

Pero bakit di nila ako tinawagan dati? Bakit ngayon pa? May nangyari kaya sa bahay NILA?

Argh, kakasakit ng ulo.

"Sir nandito napo tayo" napawi lahat ng aking iniisip ng marinig ko ang boses ng driver, tinignan ko yung relo ko. Exactly 10 PM.

Binayaran ko ang driver and prepare to leave. I took a deep breath at agad na binuksan ang pintuan ng taxi.

Pagkababa na pagkababa ko, isang malaking bahay ang agad na bumungad sakin, Wala paring pinagbago. Katulad parin nang dati, 4 years ago.

Bumuntong hininga ako ulit at naglakad patungo sa gate, pipindotin ko na sana yung doorbell nung may narinig akong boses sa likoran dahilan upang mapatingin ako

"Ow, naka-uwi na pala ang 'rich' naming kaibigan" diniinan pa nito ang salitang 'rich' halatang inaasar ako.

Tinignan ko ang nagsalita at nakita ko ang isang lalaki na naka business suit. Yamanin.

You can feel the dignified aura he has at isang tingin palang malalaman mo agad na he's a wealthy business man.

Tinignan ko ang mukha nito at nakita ko ang isang pamilyar na pagmumukha, maamo, kulay brown na mata at mayroong maliit na bigote sa ibaba ng ilong.

He's Kurt, my very first friend. Ang yaman na tignan. Nakakatawa lang isipin na dati he's just an average man, just enough na tustusan ang kaniyang pag-aaral. Pero ngayon ang yaman niya.

Well, siya na pala yung may hawak sa business na ipinatayo ko dati, yes may business ako. My own business.

Para sa aming dalawa talaga iyon, siya yung nagmanage while I supported him with money.

Magaling siya mag manage nang business, at sa sobrang galing niya, naging sole owner siya ng negosyo.

He's my very first friend and the very first that betray me. Haha. How ironic.

Napa-iwas ako ng tingin sakaniya nung bumukas na ang pintuan. Di nako nag-abala pang sumagot kay Kurt at naglakad nalang papunta sa loob.

Pagpasok ko sa loob, isang garden agad yung bumungad sakin. At nakita ko sa gitna nito sila mama at papa together with their friends na naka upo at kaharap ang lamesa, may foods na nakahain.

Naka-tingin sila sakin while ako naka-tingin pabalik, mom smiled at me while Dad just look at me.

Di ako lumapit sa table, ayokong lumapit. I just stared at them at nanatili sa kinatayuan ko.

Tinignan ko isa isa na kasama ng parents ko and I can't help but be shock when I saw five familiar faces.

Why are they here?

Divinity Online [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon