CHAPTER 9

249 6 1
                                    


"AISH!" Inis kong sigaw at padabog na pinahid ang luha ko. Ito yung ayaw ko eh! Sa tuwing nakakausap ko si Mama, hindi ko maiwasan maiyak.

Miss na miss ko na siya. Pero hindi naman pwedeng umuwi siya para lang sa akin. May pamilya na siya. May sarili na siyang pamilya.

Inubos ko na lang ang pagkain ko na humihikbi. Mahirap pala talaga kapag nasa broken family ka, ano?

Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa terminal ng jeep. Pero bago iyon ay umupo muna ako sa labas ng Ministop sa waiting shed. Bigla kasing lumakas ang ulan. Talagang nakikisama talaga sa nararamdaman ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Balang araw, kapag nagka-anak ako, hinding-hindi ko ipaparanas sa kanila ang hiwalay na pamilya. Ayokong maranasan nila ang maranasan ko. Mahirap iyon at masakit.

Alas onse na ng gabi at hindi ko alam kung paano ako makakauwi. Malakas parin ang ulan at hindi ito tumitila simula pa kanina.

Malas talaga at nakalimutan ko yung payong ko! Paano naman kasi, nabibitbit ko siya kapag wala namang ulan pero hindi ko naman siya nadadala kapag meron.

Malas talaga ako sa lahat! sa family, sa lovelife, at sa pera! Buti nalang at maganda ako. Hindi na lugi.

Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang susulong pa ata ako sa ulan. Pero sabagay, madalas ko na rin naman itong nagagawa. Hindi na bago sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay dumapo ang paningin ko sa isang lalaking nakatayo kanina pa sa harap ko. Nakatalikod ito sa akin at may payong pa kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.

Kanina pa ito ubo nang ubo eh. May T.B ba si kuya?

Ewan ko kung ano ang nararamdaman nito pero sana gumaling na siya.

Hindi pa ako nakakapag-isip nang maayos nang biglang tumingin iyong lalaki sa akin. Dahil sa gulat ay doon tuloy nanlaki ang mata ko!


B-Bakit siya nandito? Anong oras na ah?

"R-Reed?" Takang tawag ko. Inismiran niya lang ako at umupo sa gilid ko. Pero agad din siyang lumayo na para bang ayaw niyang magkalapit kaming dalawa.

Ang arte naman!

"It's already midnight. Why are you still here?"

Napakurap at kunot noong napatingin sakaniya. Totoo ba 'to? kinakausap niya ako ngayon?

"A-Ahh, naabutan kasi ako ng ulan." Kamot ulo kong sagot. Pagtapos kong sagutin ang tanong niya ay hindi na siya muling nagsalita pa.

Ayaw ko pa sanang umalis para sana makasama ko pa si Reed kaso anong oras na. Maaga pa naman kami bukas dahil may gagawin kaming project.

"A-Ahh, mauuna na pala ako.." Alanganin kong sabi.

Eh syempre siya ang kasama ko ngayon. Kaso hindi rin naman pwede na mag stay pa ako ng matagal dito. Tulad nga ng sinabi niya kanina ay madaling araw na. Kailangan ko nang umuwi.

Nang tumayo ako ay tumayo rin siya. Pagtapos ay inabot niya sa akin ang payong niya na gamit niya kanina lang.

H-Huh? edi ano gagamitin niya? malakas parin ang ulan. Baka magkasakit siya!

Umiling ako at masuyong itinulak ang kamay niya. "Huwag na! ayos naman ako tsaka hindi naman ako sakitin." Pambabalewala ko pero mas nilahad niya lang ang payong sa akin.

Ang kulit!

"You can use this. Hindi pa naman ako uuwi." Palusot pa niya. Suuus! alam ko na ang mga ganyang style!

Undying LoveWhere stories live. Discover now