CHAPTER 21

407 9 2
                                    

"I'M Févrari Valentine" She said while smiling ear to ear. Hindi naman ako gaanong makangiti dahil doon.

"Callista." Tipid kong pakilala at saglit siyang nginitian. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon.

I'm scared. Natatakot ako na baka makita siya ulit ni Reed..

Reed waited her at mukhang alam ko na ang magiging reaksyon niya sa oras na makita niya ang dalaga.

She's looks nice and kind but I'm not that happy to meet her.

Mahirap man na manghusga agad, pero mali parin ang ginawa niya. He left Reed dumbfounded!

"I think I saw you. You're kinda familiar." Untag niya. Tipid ko lang siyang sinagot doon, "Baka guni-guni mo lang." Her lips parted. Tumango nalang siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Mabait naman siya. Pero, I don't think I can be as kind to her as her to me.

"Thank you for taking care of her. I owe you alot, Callista."usal niya. Laking gulat ko pa nang bigla nalang ako nitong lapitan at yakapin.

Ganito ba talaga siya? masyado naman siyang mabait at kahit estranghero niyayakap niya.

"You're welcome. Pero sana kung may problema kayo, huwag niyo nalang ipakita sa bata. She's too young to encounter the conflicts between you and him." Paalala ko, sabay tingin sa daddy ni Summer.

Napatango naman siya. Mukhang magsasalita pa sana siya kung hindi lang biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Tory iyon.

Nag dadalawang isip pa ako no'n pero hindi rin nagtagal ay sinagot ko na rin yung tawag since ayaw tumigil sa pag ring.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang isang boses ng lalaki ang makapagpatigil sa akin.

"Where are you?" Someone said in a thunderous voice.

It was Reed..

Napapikit ako at napakagat labi.

Nang magsasalita na sana ako ay agad kong napansin na nakatingin na sa akin si Valentine. Nagtataka siguro siya sa ikinilos ko nang bahagya kong ilayo ang cellphone ko mula sa kaniya.

Natatakot ako.. Natatakot ako na malaman ni Reed na nandito siya. Na bumalik na siya..

Hindi ako sumagot kay Reed sa halip ay pinatay na iyon. Napatingin tuloy siya sa cellphone ko pero agad ko na iyong natago sa aking bulsa. Baka makita niya ang pagmumukha ni Reed na nasa wallpaper ko.. Akin lang 'yon.

Hindi ko hahayaang makita niya ulit si Reed. I won't let that happen. Sinaktan niya na si Reed at ayokong masaktan nanaman ulit siya dahil lang sa babaeng ito.

"Thank you for taking care of my child, miss." Napatingin ako sa daddy ni Summer. Buhat buhat niya na ang bata pero nagawa parin niyang makipag kamay sa akin.

"Walang problema. Summer is nice anyway. Hindi naman ako nahirapang patahanin siya." I said, nodding.

"Btw, I'm Lucius." Pakilala pa ng lalaki.

"Callista."

Napangiti naman silang pareho at tumango nalang. "We gotta go."

Ngumiti lang ako sa kanila. Akala ko nga aalis na sila pero napataas ang kilay ko nang muli silang tumingin sa akin at nagsalita." We can give you a ride." He offered. Napatingin ako kay Valentine. Nakangiti parin ito sa akin. Mukhang kinukumbinsi niya ako na pumayag kaya pumayag nalang din ako.

Ayokong maglakad, tinatamad na naman ako eh.

"Come on, Ms. beautiful!" Summer giggled. Bumaba pa nga ito kay Lucius para lang samahan ako maglakad at hatakin papunta sa kotse nila.

Undying LoveWhere stories live. Discover now