#25

46 2 0
                                    

#25

Minsan... pakiramdam ko nasa isa akong panaginip...

Hindi ko alam kung gising ba ako o tinatangay na naman ako ng utak ko sa malalabong pangitain.

Pitong taon na ang nakalipas nang magsimula ako ulit. Pero pakiramdam ko... may nawawala pa rin.

Mataman kong pinagmamasdan ang dagat habang hinahawakan ang maikling buhok para hindi tangayin ng hangin. Hindi naman ganu'n kalamig ang simoy para ginawin ako sa manipis na bestidang suot ko. Pilit kong tinatanaw ang dulo ng hindi matapos na tubig habang tumatakbo sa isip ko ang ilang tanong na wala namang laman. Hawak ko sa kabilang kamay ang tulip na kulay dilaw. Bigay 'to sa'kin ng batang tinuruan ko kanina. I find it sweet.

Malalim akong bumuntong hininga para alisin ang hindi ko maintindihang bigat sa dibdib ko. Siguro takot lang 'to sa nakawan kagabi.

Hindi pa ako pinapabalik ni Tatay Bert kasi imomonitor pa raw nila ang bahay kaya nagpasya akong magliwaliw muna mag-isa. So I ended up here. In the beach. With no particular reason. With nothing else to do but admire the sea.

Kahit saan ako pumunta, lagi akong nauuwi sa pagpunta sa mga anyong tubig.

Siguro dahil nakakonekta na ang tubig sa akin. Dahil baka sa kaloob-looban ko, misteryoso pa rin sa'kin ang sarili kong pagkatao.

I have no past.

Seven years ago, nagising ako sa kubo ng hindi ko mga kilalang tao. Pamilya sila na nakatira sa tabi ng lawa. Ang sabi nila, natagpuan nila akong walang malay habang nakasampa sa malaking troso. Noong una, inakala nilang patay na ako pero nagising ako pagkatapos ng isang linggo. Kahit gusto raw nila akong dalhin sa ospital, wala naman silang pera.

They talked something about a strong typhoon, na baka 'yun ang rason kung bakit ako tinangay ng lawa dala ng troso. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko... dahil wala akong alam sa lahat ng sinasabi nila.

Wala akong natatandaan na bagyo. Wala akong natatandaan kung bakit inanod ako ng lawa. Maging pangalan ko hindi ko alam. Lahat ng 'yun, wala sa isip ko.

Kung nabagok man ako, wala namang masakit sa ulo at katawan ko nang magising ako. Maliban sa paa ko na may sugat. Namalagi ako sa kanila ng ilang araw habang nag-iisip ako ng sunod kong gagawin. Sa buong pananatili ko sa kanila, Baby lang nagawa kong alalahanin.

Siguro dahil 'yun ang pangalan ko.

Umalis ako pagkatapos ng isang linggo. Ayoko na ring makabigat sa kanila. They've been good to me. Sapat na sapat na ang pag-aalaga nila sa'kin. Nagpalipat-lipat ako ng lugar. Pilit binabangon ang sarili kahit walang kahit anong alaala. Hindi ko na rin naman sinusubukang alalahanin ang buhay ko bago ako magising sa bahay ng pamilyang nakakuha sa'kin. Weird man isipin pero hindi naman big deal sa'kin na wala akong maalala. Normal lang ang pakiramdam ko.

Paghahanap ng trabaho at matutuluyan lang ang naging problema ko. Dahil wala akong mapakitang ID o ibang dokumento, hindi ako basta-basta tinatanggap. Minsan napapagkamalan pa akong baliw o masamang tao. Sa mga karinderya ako madalas natatanggap. Kung hindi dishwasher, tagaluto naman o tagalinis ng mesa. Kapag nakakaipon ako ng sapat na pera, lumilipat ako sa panibagong lugar, hindi para hanapin kung sino at taga-saan ako, pero dahil may kakaiba akong pakiramdam na kailangan kong lumayo.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now