Ang Pag-alis

6 2 3
                                    

Isa sa pinaka mahirap gawin tuwing aalis ay ang pagpapaalam. 

Mula pagkabata, kapag ako'y aalis; kailangan ko pang lumusot sa butas ng karayom. Napaka hirap magpaalam lalo na sa mga magulang ko. Madalas ang hindi nila pagpayag kaya't madalas din ang aking pagsisinungaling. Alam kong hindi iyon tama, ngunit sabi nga nila; kung gusto, may paraan, at ang paraan ko ay ang pagsisinungaling.

Nais kong lumigaya kahit sa kakaunting oras kapiling ang mga taong alam kong susuportahan ako sa lahat ng bagay. 

Ngunit dumating na ang panahon kung saan ay kinakailangan ko ng lumisan sa kinagisnan upang ipagpatuloy ang pangarap. Hindi ko inaasahan na hanggang kolehiyo ay mahihirapan parin akong magpaalam. 

Hindi na lamang ako sa mga magulang ko magpapaalam, kundi sa mga bagay, tao at sa lahat ng bumuo ng pagkatao ko, magpapaalam na ko. 

Madali ang pag iimpake, mahirap umalis

Wala akong ideya sa bagong mundo, hindi na bago saakin ang dialekto pero hindi ako sanay at kakaunti lang yung alam ko

Hindi man ito sentro pero ramdam ko ang bagong paligid.

Nagpapasalamat na lamang ako dahil katulad ito ng baguio, tahimik pero payapa.

Nakakabingi ang katahimikan ngunit makararamdam ng saya

Abalang abala ako sa pagkuha ng mga papeles para sa inaapplyan kong scholarship. Kahit sa state university ako mag aaral, pilit parin akong kumukuha ng scholarship dahil una sa lahat, sayang, pera din naman iyon ng taong bayan; pangalawa, gusto kong bawasan ang perang gagastusin saakin ng mga kapatid ko. Alam ko ang hirap ng pagtatrabaho kaya lahat ng pagtitipid ay ginagawa ko para hindi na ako humingi sa kanila, wala naman talaga sa bokabolaryo ko yung paghingi. 

New Message

"Kayo kelan naman kayo aalis? yootopea tayo, Iiwan nyo na kong lahat"

New Message

"Aalis ka na, kailan ka ba pwede makita?"

Pero dahil sa pagiging abala ko, may nakakaligtaan akong gawin,

Ang magpaalam sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Masyado akong nagfocus sa future at sa pagiging incoming college student ko na hindi ko na namalayan na may iiwan pala ako. Kung hindi pa sila nagmessage sakin, hindi ko pa marerealized na iiwan ko pala sila. 

Pero hindi, isa ang bagay na iyon sa gusto kong gawin bago umalis.

Hindi ko nakalimutan na magpaalam, sadyang hindi lang pala ako handa magpaalam.

Kahit isang oras at kalahati lang byahe papuntang campus, kahit halos katabi lang ng probinsya ko ang lilipatan ko, iba pa rin yung nakasanayan. Hindi ka rin sigurado kung madalas ka bang makakauwi. Knowing college, hindi ganon kadali makahanap ng free time.




"Kailan uli alis mo?" tanong saakin ni Damgo.

Si Damgo ang ex ko na kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Naging kami noong grade 8.

He's my first boyfriend and we lasted 11 months, the reason of our break up was, he fell out of love and he's confused in his sexuality.

We are too young to know everything. There's no real love between us because it is pure puppy love. And in those 11 months, I didn't got a chance to know him deeper.

No wonder why there's something strange, hindi ko nararamdaman na kaibigan ko sya. Hindi ko alam kung paano sya mag isip, hindi ko sya kabisado. Kumbaga, basic facts lang yung alam namin sa isa't isa.

I prefer, AgosWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu