Kabanata 1

11 1 0
                                    

Nakarating na kami sa magiging pangalawang tahanan namin. Maayos ang paglilipat at walang naging problema. 

"Oh, ayos ka na rito? hindi ka na namin tutulungan mag ayos ng gamit mo ha" tuloy tuloy na wika ni mama. Wala namang kaso sa akin ang hindi nila pagtulong sa pag aayos ng mga gamit ko kasi hindi ko naman talaga gustong may nangingialam sa pag aayos ko ng gamit. 

"Opo" iyon na lamang ang nasambit na wika ng bibig ko

Wala kaming ibang kasama, tanging kaming dalawa lang ng pinsan ko sa dorm kaya lubos ang pasasalamat ko at naghanap agad kami ng matitirahan. 

"Wag kayo puro de lata at 7/11 ha, magtipid kayo pero wag sa pagkain"

May malapit na 7/11 sa amin. Malapit din ang botika at supermarket, pati na rin ang palengke. Lahat accessible kaya wala naman akong nakikitang magiging problema kung sakaling mangilangan kami sa pagkain. Tanging problema lamang ay kung paano magbudget. 

"Anong oras susunod si Sinag?" tanong ni papa pagkatapos tignan ang buong paligid.

"Sabi nya hapon. Hihintayin pa daw nila si ate Anna" 

At wala ng salitang lumabas muli sa kanya. 



Nakahiga ako habang tinitignan ang magiging tahanan namin sa loob ng apat na taon. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko at nahinga muna para magpahinga.

Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ng Taylor Swift. Sa lahat ng mangyayari sa buhay ko, lagi syang may kanta na pwede mong irelate sa current situation mo. Parang lahat yata ng pwedeng maramdaman at maranasan, naramdaman at naranasan na nya. Kaya hindi ko rin sya magawang tanggalin sa buhay ko. 


Sa totoo lang, walang pait at sakit akong nararamdaman. Naglalaro ang bawat damdamin sa loob ko. Masaya akong naka alis na ako sa bahay at maaari ko ng gawin ang lahat ng nais kong gawin. Malungkot ng kaunti 'pagkat, hindi ko na kasama yung mga pusa ko. 


Sa sobrang pagod, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.





"Hoi Narra! buksan mo yung pinto!"

Nabulabog ako sa sigaw ng maingay kong pinsan. 

"SANDALE!"

Bilang hindi rin ako nagpapatalo, mas nilakasan ko yung boses ko. 

Nagulat ako ng bumungad sa harap ko si tita na tawa ng tawa kasi nagsisigawan kami ng anak nya. 

"Magbabangayan ata kayo araw-araw HAHAHAHAHAH" 

Natawa na lang ako kasi humarap ako sa kanila ng sabog sabog muka ko, andun pa naman yung asawa ni ate Anna. 

'Di rin nagtagal sila tita at iniwanan na rin si Sinag na hindi rin tinulungan mag ayos ng gamit kasi malaki na raw sya. 


Matagal nang nagsimula ang klase, pero yung mga naunang weeks ay online. Bale ang set up ng university is, one week online, one week f2f. Not sure kung magandang set up iyon pero pwede na rin. Para na rin hindi ganon kabigat. 

Bukas magsisimula ang isang kalbaryo na hindi ko masyadong napaghandaan. Makalipas ang ilang taon na pagkakakulong sa bahay, paa'y muling makakatapak sa paaralan. 





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I prefer, AgosWhere stories live. Discover now