UC #5:

4.1K 174 181
                                    

Third person's P.o.V

"Shit!"biglang natigilan si Ryohei sa pag takbo kaya naman natigilan din sila Misty na nasa likuran niya lang.

"Bakit ka na naman nagmura?"tanong ni Nurse Jamie na nakataas pa ang kilay.

"Nandito na naman sila."sagot ni Ryohei na nakatingin sa classroom.

Maya maya pa ay nakarinig na nga sila ng ungol,nag umpisa sa mahina hanggang sa palakas na ng palakas. Napatago sila Misty at Nurse Jamie sa likod ni Ryohei sa takot at kaba.

"A-ano ng gagawin natin ha?"tanong ni Misty.

"Magtago. Hindi ko sila kakayanin pag nag kataong sabay sabay nila akong makikita. Kaya ko lang naman napatay lahat kanina ay dahil binigla ko sila. Isa pa, hindi ganun kalawak yang classroom na yan, hindi ako makakatakbo pag nagkataon."sagot ni Ryohei.

"Miiistyyy!"

Nagpalinga linga si Misty dahil nakarinig siya ng mahinang pagtawag sa pangalan niya hanggang sa makita niya si Jackson na kumakaway-kaway sa may dulo ng building na dinadaanan nila.

"J-Jackson?"Misty.

Nag tagpo ang mga mata nila Jackson at Misty kaya naman sumenyas si Jackson na pumunta sila sa kinalalagyan niya saka ito nag tago ulit.

"Ryohei,alam ko na kung saan tayo dapat pumunta."sabi ni Misty. "Pag sinabi kong takbo-takbo ok?"dagdag niya pa.

"S-sure ka ba diyan Misty?"tanong ni Miss Jamie.

"May naiisip ka pa bang iba Nurse Jamie?"tanong ni Misty.

Kahit hindi sigurado ay wala ng option na ibang maisip si Misty. Alam niya kasing hindi na din kakayanin ni Ryohei kung susugudin pa sila ng mga umuungol na yun, hindi din naman nila makakayang lumaban dahil wala silang pang depensa.

"Ikaw ng bahala sa likod namin Ryohei, kung sakaling may makakaabot satin,a-alam mo na ang gagawin."mautal utal si Misty sa sinabi niya.

Iniisip niya pa lang na kakailanganin na naman nilang pumatay ng tao,para lang mailigtas ang buhay nila ay kinikilabutan na siya.

"Ako ng bahala. Bilisan na natin,baka maabutan na nila tayo."tugon ni Ryohei.

Humingang malalim muna si Misty at si Nurse Jamie at nag hawak ng kamay.

"Ready?"tanong ni Misty.

Tumango-tango naman si Nurse Jamie kahit kinakabahan sa gagawin nila.

"Wag kang kabahan. Nandito ako sa likod niyo."wika ni Ryohei na nasa likuran na nila.

"Isa..."pag uumpisang bilang ni Misty.

"Dalawa..."pumwesto na sila ng maayos para makabwelo ng mabilis na pag takbo.

Lalong napatindi ang hawak nila Misty at Nurse Jamie sa isa't isa.

"Tatlooo!"

Mabilis silang tumakbo palagpas ng classroom kung saan may mga nag uungulan na estudyante. Halos hindi humiga si Nurse Jamie dahil sa bilis ng pag takbo nito.

*BLAAGG*

Narinig nila Misty na tunog mula sa likod nila. Kahit gustuhin man nilang tumingin mula sa likuran nila ay hindi nila magawa.

"Dito tayo Nurse Jamie !"hinila ni Misty si Nurse Jamie papunta sa loob ng comfort room kung nasaan si Jackson.

Agad namang sumunod si Ryohei sa kanila,saka isinara ang pintuan. Hingal na hingal ang tatlo.

Undead CityWhere stories live. Discover now