UC #14

3K 141 53
                                    


Third person's P.o.V

Lahat silang nasa loob ng sasakyan ay tahimik ng natutulog nang unti-unting magising si Misty dahil sa ingay sa labas. Nakakarinig siya ng mga hagikgikan na nanggagaling sa isang grupo ng kalalakihan. Napakunot si Misty ng noo dahil sa pag tataka.

"Pre check mo na."sabi ng lalaking nasa labas.

Agad na naalerto si Misty kaya't ginising niya ang mga kasama niya ngunit nahuli na siya. Nanlaki na lang ang mga mata niya ng bumukas ang sasakyan at tumambad sa kaniya ang isang matabang lalaking naka-leather jacket at may panyong pula sa ulo. Bigotilyo ito at ngumunguya-nguya pa ng bubble gum.

"Mga pare, mukhang sinuswerte tayo."wika ng matabang lalaki habang nakangisi tapos nag silapitan pa ang apat na lalaking mga naka-leather jacket.

"Ano ba yang ingay na yan?"tanong ni Bobby na kinukusot-kusot pa ang mga mata pero nanlaki din ang mga mata ng makita ang nasa harapan.

Isa-isang bumunot ng baril ang mga lalaki.

"Baba!"sigaw ng lalaking mataba.

Kinalampag ng iba pang mga lalaki ang sasakyan kaya't nagising ang iba pa.

"Shit!"bulong ni Jael.

"Bumaba kayong lahat! Bilis!"sigaw muli ng matabang lalaki habang nakatutok ang baril sa kanila.

Mabilis silang nag sibabaan kahit ang iba sa kanila ay natatakot.

"Kuya..." bulong ni Nerrise kay Tyrone.

"Ssshh. Wag kang matakot."tugon ni Tyrone.

"Anong pinag bubulungan niyo ha!"sigaw ng lalaking medyo payat.

"Ano bang balak niyo sa 'min? Wala naman kayong makukuhang gamit sa 'min."wika ni Jael habang nakikiramdam sa mga lalaki kung anong kilos ang susunod nilang gagawin.

"Pare, tinginan mo yung mga babae. Pwede natin silang ibigay kay Boss. Pwede na ding mga laruan yang mga yan. Pampalipas oras."wika ng isa pang lalaking may asul na panyo sa ulo.

Sabay-sabay na nag tawanan ang mga lalaki.

"Paano naman 'tong mga lalaki?"tanong ng matabang lalaki.

"Tinatanong pa ba yan pre? Pain yan syempre."nakangising tugon ng isa.

"Humiwalay kayong mga babae!"utos ng lalaking mataba.

"Mga pare mag usap muna tay---"

Hindi pa natapos ang pag sasalita ni Tyrone ng sikmuraan siya ng lalaking may asul na panyo sa ulo. Napaluhod ang binata sa sakit na nararamdaman.

"Kuya!"sigaw ni Nerrise.

Paluhod na din sana si Nerrise ng may humawak sa kaniya sa braso.

"Sinabi ng humiwalay kayo diba!"sigaw ng lalaki.

Walang nagawa sila Misty, Nurse Jamie, Jael at Nerrise.

"Sumunod lang kayo sa iuutos namin, magiging okay ang lahat."nakangising wika ng matabang lalaki. "Lahat kayong mga babae, sakay sa kulay pulang pick up! Kayong mga lalaki, doon sa isa. Lucas, talian mo muna ang mga kamay at paa ng mga lalaki bago tayo umalis."dagdag pa niya.

"Aye aye captain!"malokong tugon ni Lucas, ang lalaking may kulay asul na panyo sa ulo.

Itinayo ng nila Lucas at ng isa pang lalaki si Tyrone at saka itnulak ang mga binata papunta sa sasakyan nila.

"Oh ito pre. Lubid."inihagis ng matabang lalaki kina Lucas ang isang makapal na lubid.

"Sumunod lang kayo at mapapahaba pa ng kaunti yang buhay niyo."nakangising wika ni Lucas.

Undead CityWhere stories live. Discover now