Unang kabanata

44 10 0
                                    

Araw ng huwebes, Agosto 1, 1985.

Papasikat pa lamang ang araw noong panahon na iyon. Gahol na gahol ang lalaki sa pag akay sa kaniyang pinakamamahal na asawa sa pag baba sa kanilang tirahan. Ito ay humahagulgol sa sakit ng kaniyang tiyan. Ang pantog ay pumutok na. Dumadaloy ang tubig sa kaniyang mga mahahabang binti habang ang dugo ay tila nakikipag paligsahan sa pagdaloy roon.

Sumakay sa kalesa habang magkahawak ang mga kamay ng magkasintahang makikita ang pag aalala sa mukha marahil na rin sa nasaksihang pagputok ng pantog nito.

Pinunasan ang pawis ng kasintahan habang akay akay pa rin ito. Patuloy ang pagtangis ngunit may kasiyahang nararamdaman din. Masisilayan na sa wakas ang puring kanilang pinakahihintay.

Hindi malaman kung anong gagawin, lalaki'y napadasal na rin. Tinatawag ang lahat ng santo upang kaniyang kasinataha'y mapunta sa maayos na disposisyon. Pinabilisan ang takbo ng kalesa. Tila ang kabayo'y nakaramdam sa kabalryong kanilang kinakaharap. Inangat ang isang paa at kumaripas ng takbo patungo roon, sa malapit na paanakan ng isang mang gagamot. Ito ay dalaga ngunit ang kakayahan ay huwag mamaliitin dahil kaya nitong magpagaling, ano mang sakit ang iyong kaharapin.

Kasabay ng kanilang paglalakbay ay siya namang pagbukang liwayway. Ang mga kasapi ng baryo Tolentino ay naghahanda na. Maghihimagsik upang ipaglaban ang puring kanilang naiwala noong dumating ang lalaki na iyon. Ang lalaking naging sanhi upang mawaglit sa kanila ang kaisa isang tinatangi. Ang siyang magpupunyagi ng kanilang pinagsikapan. Simula pagkabata hanggang pagtanda, kanilang mga nabuo at bubuoin pa dahil sila ay lumalaki na.

Nasagap na nila ang balita. Hindi alam ng lalaking iyon na mayroon ng alam ang kaniyang pinagkuhaang puri. Ang pinakamamahal ng lahat na siya lamang ang pinili. Kay saya ng kaniyang nararamdaman ngunit natatakot din sa kanilang sasapitin gayong alam niyang malupit maghiganti ang kaniyang mga katunggali. Ang babae'y walang alam. Nagpabulag sa pagmamahalang hindi alam kung kailan tatagal. Walang kasiguraduhan sa patutunguhan at umaasa na lamang sa kanilang pag iibigan.

Mainit ang panahon. Kasing init ng pakiramdam ng babaeng iyon na noo'y nakahiga sa isang higaan. Umiiri at inilalabas ang buong lakas upang mailabas ang pinakahihintay nila sa nagdaang siyam na buwan. Masakit at mahirap dahil ito ang pang una. Hindi alam kung masusundan pa, marahil alam na niyang pagkatapos ng mangyayari sa araw na iyon ay mayroon silang kakaharaping suliranin na mabigat na nanaisin mo na lang lisanin ang lupang iyong tinatapakan.

"Ahhhhhhhhhhh", isang napakahabang sigaw ay nailabas na ang puri. Napakaganda nito at mababakasan ng pagka purong lahi. Ang kaniyang kulay ay naninilaw marahil sa pagkaputi. Masayang masaya ang mag asawa dahil ito ang kanilang una. Ngiti ay mababakas sa kanilang mga labi. Habang ang kanilang mga mata naman ay napupuno ng pangamba. Pangamba para sa kanilang pinakamamahal na puri. Kaya't kahit nanghihina pa ang babae ay nagpasiya na silang umuwi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alters: The First BatchWhere stories live. Discover now