Chapter 1 Letter

284 17 8
                                    

August 15, 2017

This letter may take long. Anyway, Happy 3rd Wedding Anniversary!  I think this time I have to say congratulations!  You are finally free! On the first day on our marriage I promised to myself that I will let you go kung hindi man kita nagawang mapamahal sa akin sa loob ng tatlong taon. I even asked Atty. Lucas your family's attorney to draft the annulment paper on the day of our wedding pagkatapos mong umalis after our wedding ceremony. Don't worry it is our little secret. Hindi alam ng pamilya mo at pamilya ko ang tungkol doon, I begged Atty. for that. Maybe deep inside me, dadating talaga ang panahon ngayon. I am sorry for everything. Sorry sa lahat ng nagawa ko, sa set-up at pagpapahiwalay ko sa inyo ni Amber, at sa pag gamit ng pagmamahal niyo sa akin. Please send my apologies to her and to our families. Hindi na kita gugulohin and you are free to chase and go back to the love of your life.  For the last time I want to call you kuya gaya ng ipinipilit mo sa akin, but I can't not now. But I know, someday dadating din ang panahon na iyon. Sa pag-alis ko just promise me one thing, please be HAPPY.

Love,

May





August 16, 2020

Tinatanaw ngayon ni Charlie ang likod ng lalaking kilalang kilala niya. Nakayuko ito sa lapidang kaharap at di alintana ang nagsisipatakang mga butil ng ulan. Kanina pa siya  sa puntod niya, hinihintay niyang umalis ito para siya naman ang bibisita.

Niya. Yes yun ang puntod niya. Three years ago ng magising siya katawan niya ngayon na may kaparehang pangalan at apelyido. Ulilang lubos at lumaki sa isang bahay amponan. At dahil matanda na, ay pinaalis na siya sa poder ng mga ito at ngayon ay mag-isang tinataguyod ang sarili.

She can't believe it. She was a princess, lumaki sa luho at sa mga katulong kaya wala siyang kaalam alam sa pagluluto at lahat ng mga bagay. Kaya hirap na hirap siya noong umpisa, walang ka alam-alam sa trabaho. Buti na lang ay di nawala ang talent niya sa art, doon siya kumukuha ng pagkakakitaan at ng pang tustos niya sa araw-araw.

Pagkatapos niyang umalis sa bahay nila at iniwan ang pinirmahang annulment paper at wedding ring ay umalis siya sa bahay na tinirhan niya sa loob ng tatlong taon. Matagal na niyang natanggal ang mga bakas niya, ayaw niyang magkaroon pa ng masamang ala-ala ang lalaki patungkol sa kanya.

Her jewelries, dresses, shoes and bags were sold secretly and the profit was sent orphanages. She has long been prepared. Marahil alam na niya ang kahihinatnan.

Matagal na niyang mahal ang binata mula pagkabata. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila kaya naging magkapitbahay na rin.

He spoiled her like a princess kaya din siguro napamahal siya sa lalaki. Yes, he treat her as a sister pero wala siyang pakialam. She is living in a dream.

Parang anak na ang turing sa kanya ng mga magulang nito at kahit siya ay labas masok sa bahay ng mga ito maging ang kwarto ng binata. Hinahayaan lang sila ng parents nila because they were hoping na sila ang magkakatuloyan.

Kaya she is happy. Hanggang sa mag propose ang binata sa assistant nito na kaklase nito noon. Ika nga nito the love of his life, Amber.

She panicked, nahahati na ang oras ng binata sa kanya. Ayaw niya ng kaagaw ever since. Kaya nga wala siyang kapatid dahil ayaw niyang may kaagaw sa parents niya.

Kaya noong may naganap na party sa bahay ng mga ito dahil sa pagreretiro ni Uncle Steve at ang tatayo bilang bagong president ay ang unico hijo nito ay walang pag-alinlangan gumawa siya ng hakbanh.

She set them up on her own clumsy way. Naging madali sa kanya ang makapasok sa kwarto ng lalaki dahil talagang labas masok na siya doon dati pa. Tumabi siya sa binata ng gabing iyon at hinubad niya ang lahat ng suot. Sakto namang nakahubad din ang natutulog at lasing na binata dahil sa init.

And everything went to her plan on the following day. Hinanap siya ng mga magulang at both of their parents saw them naked on his bed. Kaya agad silang pinakasal dalawa.

She forced him and she knows he was angry. Pero ganoon naman yun lagi at hindi pa rin siya nito matitiis. He spoiled her to the core, kahil galit ito ng maraming beses agad iyong nawawala if she act coquettishly at him.

Or she thought. Dahil naging cold na ito sa kanya at hindi na siya pinapansin. Kahit ilang beses siya magpa cute ay parang wala na para dito.

He was not even active during sa preperasyon ng kanilang kasal. She know he was forced. Pero ang isiping pang habambuhay na niyang makasama ang pinakamamahal niya ay nagiging masaya siya.

The day of their marriage ay sumipot naman ito sa awa ng Diyos but left after the ceremony for company matters. Nang sundan niya ang binata ay kasama nito si Amber, ang assisstant nito. She got jealous ngunit wala siya karapatan. Kaya kinausap niya sa Atty. Lucas ang family lawyer ng binata.

First year of their marriage ay ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa. She tried to learn how to cook total busy naman ito sa kompanya. Hindi siya pumupunta doon dahil wala naman siyang rason.

Second year of marriage, she managed to send her cooked food at the company. Nakita niya pa rin doon si Amber kaya sinabihan niya ang asawa na eh fire ito.  Ngunit pinagalitan lamang siya nito. Then she give up somehow alam na niya ganoon ang kahinatnan niya. That is why she prepared herself.

Like just what she promised to herself on the day of their third wedding anniversay gustohin man niyang makausap sa personal ang binata and that she totally give up, ay hindi nangyari dahil hindi ito umuwi.

Did she regret it? No. At least she tried to fight for her love. Matagal na siyang handang umalis, marahil ay hindi nito napapansin ang unti-unting pagkawala ng mga pictures niya maging ang mga wedding pirctures nila na naka frame at ang nakasabit sa dingding dahil lagi naman itong gabi na kung umuwi at tulog agad. Masyado namang umaga kung umalis animo'y laging nagmamadali.

She will not leave anything behind. Hindi din siya makapunta sa parents niya dahil galit pa rin ang mga ito sa nagawa niya. She know she disappointed them. Kaya on the following day she booked a hotel before her flight.

Ang hindi niya inaasahan ay ang masunog ang hotel na tinuloyan niya. May pagkakataon pa siyang makalabas sa totoo lang pero marahil down siya at that time ay mas pinili niyang bumalik sa kwarto at pumikit. Uminom ng pampatulog para hindi maramdaman ang init at sakit. Nawalan na siya ng gana mabuhay.

________________________________________________

A/N: Suggestion sa pangalan ng bidang lalaki please. Thank you!

Transmigration 2: She's AliveWhere stories live. Discover now