Prologue

6 5 0
                                    

Heaving a deep sigh, I took a final glance at the scenery in front of me. That grassy lawn where I used to sit, massive tree at the side where I used to climb whenever I want to disappear and that Manor which sheltered me for almost 10 years.

Aalis na ako sa lugar na kinalakihan ko, sa nakasanayan ko pero wala man lang akong naramdamang kalungkutan. Siguro ay dahil hindi ko naman tinuring na tirahan ang Manor na nasa harapan ko. Yes, it's a house. But it was never a home for me.

A home for me wasn't a place, it was a person. Ate Minerva is my home. And with her gone, i'm homeless. And I don't think I can have another home after that...

.

.

.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong  maisalin ang tubig sa dala kong balde. Binitawan ko na ang lubid saka nag-inat. Kanina pa ako pabalik-balik dito sa balon para mag-igib ng tubig at ngayong panghuli ko ng balik ay makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

Nagpunas ako ng kamay gamit ang palda ko bago nagpasyang buhatin na ang dalawang balde. Kakaangat ko lang ng mga iyon nang tawagin ako ng kaibigan.

"Clo? Gabi na ah," takang tanong ni Maia. "Ba't nasa labas ka pa?"

Gulat kong naibaba ang dalawang balde at nagtatakang tinitigan ang kaibigan ko. Nakauwi na pala siya? Kahapon lang sila binigyan ng misyon ah. Siguro ay madali lang ang kanilang misyon ngayon.

Nginitian ko ang kaibigan.

"Naglaba kasi ako ng mga damit at naghugas na rin. Naubos ko ang tubig kaya nag-igib na ako para may magamit bukas. Ikaw? Nakauwi ka na pala. Madali lang ba ang misyon niyo ngayon?"

"Medyo mahirap nga! Nauna lang akong umuwi dahil napuruhan si Spike, kailangang magamot agad. Ako ang naghatid dahil kailangan ding magamot ang sugat ko sa braso."

Inangat niya ang kanang braso niya. Hindi ko na kita ang sugat dahil naka-bandage na iyon pero sa tingin ko'y malaki iyon dahil halos buong braso niya ang nabalot ng tela.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot... at konsensya. I've always wanted to be with them. To fight alongside them. Kaya lang sa sitwasyon ko, malabong maisama nila ako kahit sa pinakasimpleng misyon.

"Okay ka na ba? May kakailanganin pa ba kayo doon sa infirmary?"

"Wala na! Kakalagay mo lang ata noong mga extrang gamot doon eh. Ang dami pa," nakangiting saad ni Maia. "Tsaka okay na ako. Malayo 'to sa bituka," saka siya tumawa.

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Alam kong wala akong silbi dahil mahina lamang ako kaya ginagawa ko ang makakaya ko para naman may maitutulong ako.

Nag-usap pa kami ni Maia ng ilang sandali bago siya nagpaalam na babalik ng infirmary. Binuhat ko naman ang dalawang balde at dinala na pabalik ng Manor.

Papasok na ako ng kusina nang maramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko sa batok. Padarag akong bumaling sa likuran pero wala naman akong napansing kakaiba maliban sa malamig na simoy ng panggabing hangin. Muli kong iginala ang tingin sa labas bago ako nagkibit-balikat. Weird.

Sinarado ko ang pintuan at isinasalin na sa malaking drum ang dalawang baldeng tubig na inigib ko nang muli kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Sa pagkakataong ito, nakaramdam na ako ng kaba. Iginala ko muli ang tingin sa buong kusina habang ibinaba ang hawak na balde. Dali-dali kong hinablot ang lamparang nasa lamesa at lumabas na ng kusina.

Tahimik kong binaybay ang pasilyo ng Manor habang mahigpit ang hawak sa lampara. Bumibilis ang bawat biyas ang aking paa nang marinig ang mahihinang kaluskos sa paligid. There's no one else other than me inside the Manor. Nasa misyon silang lahat. Maia and Spike are both in the infirmary. Headmistress Minerva is probably sleep inside her room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

District 9 Where stories live. Discover now