Chapter 2

1.3K 50 3
                                    

Chapter 2

"Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya..."

Nakaupo lamang ako sa isang sulok at tulala habang nakikinig sa mga nagdarasal sa harap ng kabaong ni Nanay.

Dalawang araw ang nakalipas mula nang mamatay si Nanay. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang masalimuot na pangyayaring iyon sa buhay ko.

Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya. Kung siguro'y hindi ko nalang ito pinayagang umuwi ng bahay, baka sakaling buhay pa ito. At kung pinilit ko lang sana siyang ipa-check up ang nararamdaman niya.

Makulit rin kasi si Nanay. Mas inuuna niya pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili niya.

"Insan, may mga bisita ka." Tawag sa akin ni Buknoy. Nabalik naman ako sa huwisyo at inestima ang mga bisita.

"Condolence, Ruben."

"Nakikiramay kami."

Sabi ni Jillian at ng kaibigan nitong si Maui. Ngumiti naman ako sa dalawa bilang pasasalamat.

"Maupo muna kayo." Alok ko sa dalawa. Inutusan ko rin si Buknoy na ipaghain ng makakain ang dalawang bisita.

"Paano ka na niyan, Ruben? Ikaw nalang ang mag-isa sa buhay. Ni asawa'y wala ka." Tanong sa akin ni Jillian nang makatabi ako sa kinauupuan nila.

Ngumiti ako rito. "Ayos lang iyon. Ganun talaga. Kailangan kong sanayin ang sarili ko."

"Hindi ka man lang ba maghahanap ng mapapangasawa mo para may katuwang ka sa palengke?" Tanong naman ni Maui. Halatang may kahulugan ang mga salita nilang dalawa at pagtitig sa akin.

Pero kahit na ganoon ay hindi ako nagpatinag sa kanila. Wala pa ako sa sarili ko at kailangan ko munang respetuhin ang pagkamatay ng Nanay ko.

"Pasensya na kayo. Alam kong nalulungkot kayo para sa sitwasyon ko. Pero sa ngayon, hindi pa sumasagi sa isip ko 'yan. Gusto ko munang ipagluksa ang pagkamatay ng nanay ko." Sagot ko sa kanila. "Sige, maiwan ko muna kayo. Asikasuhin ko lang ang ibang bisita." Paalam ko sa dalawa. Halata sa mga mukha nila ang pagkadismaya.

"Insan, grabe talaga ang hatak mo sa mga single mom. Kung ako sa'yo, pinatulan ko na 'yang dalawa na 'yan. Tiba tiba na rin ako dyan." Biro ni Buknoy. Binatukan ko naman ito at natawa nalang.

"Baliw ka talaga. Tigilan mo nga 'yang pagpapantasya mo. Tulungan mo nalang akong asikasuhin ang mga bisita." Sabi ko rito.

"Oo nga, sabi ko nga."

Ilang oras ang nakalipas ay unti unti nang nababawasan ang mga bisita. Pero ang mga nagsusugal sa labas ay patuloy parin sa pagdagsa.

Naupo muna ako saglit upang magpahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala.

Nagising na lang ako na may tumatapik sa akin. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin si Buknoy.

"Oh, bakit?" Pupungas-pungas kong tanong rito.

"Insan, bawal matulog sa tabi ng patay." Paalala nito.

"Ah, ganun ba? Pasensya na. Napagod kasi ako." Sagot ko at nag-inat inat ng katawan.

"Oo nga pala, may bisita ka pa." Dagdag nito.

Napatingin ako sa suot kong relo. "Alas dos na ng madaling araw. Sino ba 'yun?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi ko kilala. Nasa labas siya ng bahay niyo. Nahihiyang pumasok."

"Sige, pupuntahan ko." Sabi ko at tumayo na.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa hindi kalayuan sa mga nagsusugal.

Agad akong lumapit rito at kinilala siya. "Magandang gabi. Ako si Ruben." Pakilala ko rito.

Liwanag Sa DilimOnde histórias criam vida. Descubra agora