CHAPTER 38

22 2 0
                                    

Max POV ( Fake Max )

Ilang araw nang walang nangyayaring kaguluhan sa loob ng paaralan ngunit ang araw na ito ay nararamdaman kong kakaiba

Napakawirdo ng paligid

" Huwag tayong maghihiwa hiwalay dahil may nanaramdaman akong may kakaibang mangyayar " nagtanguan naman ang dalawa kong kasama na si Mint at Bear

Naglakad kami tumungo sa aming susunod na klase, mabilis naman kaming nakarating doon sapagkat nagtatabihan ang mga tao kapag kami ay kanilang nakikita

Tama yan katakutan niyo kami! wala kayong karapatang patayin kami ng walang kalaban laban malakas kami malakas !

Nandirito na kami sa loob ng silid tahimik kaming umupo sa dulo at nag antay sa aming guro ngunit late na ito hindi parin nadating

Nagpaalam si Mint na tutungo lamang ng Cr pinayagan ko naman ito dahil malapit lang naman ito sa aming silid, ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang aming guro at nagsimula ng magturo hanggang sa tumunog ang bell hudyat para sa pagtatapos ng kanilang klase

Tumayo na ako at inaya ang mga kasama ko ng mapansin kong wala si Mint

" Where is Mint ? " kabado kong tanong ko kay Bear

" Ang sabi niya pupunta lamang siya sa Cr ngunit mapasahanggang ngayon ay hindi parin ito nakakabalik "

" Lets go hanapin natin siya sa bawat Cr na nandito sa ating palapag " mabilis na sabi ko kay Bear

Naghiwalay kami ng landas ni Bear upang maghanap sa mga bawat Cr na nandirito sa aming palapag ngunit ni anino ni Bear ay hindi ko nakita maging sa bawat cubicle nito ay wala siya, tinawag ko ang pangalan ni Bear nang makita ko siyang papalapit sa akin

Nanlumo ang aking katawan ng makita itong umiiyak at binabangit ang pangalan ni Mint

" Where is she " mahinang tanong ko, tumakbo naman ito sa kaniya kaninang pinag galingan na siya namang sinundan ko

Sa labas pa lamang ng Cr ay marami na ang tao ang nakabalandra at nagbubulungan

" Kawawa naman ang grupo nila "

" Yung mga nakapaligid sa ulo niya na giniling sigurado akong katawan niya yun "

" Nakakadiri "

Sa mga kanilang bulong bulungan nasisigurado akong mas malala ang sinapit ni Mint sa kamay ng kaaway

Pumasok ako sa loob pinaghahawi ang mga taong nakaharang laking gulat ko nang makita ko ang nangyari sa kaniya kalunos lunos ang sinapit nito napaluhod habang  umiiyak

"Ahhhh mga walang hiya! Ayaw niyong lumaban ng patas " galit na sigaw ko

" Huwag kang mag alala sasapitin mo rin ang kaniyang sinapit ngayon by the way mali kayo sa ibinigay na pangalan sa kaniya its Ment not Mint " tumingin ako sa paligid para hanapin ang nagsalita ngunit wala akong nakikita kakaiba sa mga taong nandirito

" AHHHH "

Third Person POV

"Anong sinasabi mong nakita mo sila ! Ano ba itong mga pinagsasabi niyo ngayon ! " galit at halos mamaas ito sa kanyang pag sigaw

Binaril nito ang lalaking nasa kaniyang harapan nang walang pag aalinlaangan na ikinabahala ng iba pang nasa loob ng kwarto, sobra aang galit na ipinapakita ng marinig niya ang masamang balita na ipinahayag ng lalaking kaninang kaniyang pinatay

" Mga walang silbi ! Tonto " hindi nagpaawat ito sa kaniyang pamamaril sa kaniyang mga tauhan, Galit at takot naman ang siyang namamayani sa kaniyang mga tauhan na walang magawa sa kanilang maaring sapitin

CARDS UNIVERSITY: The Demon School #WATTY2016Where stories live. Discover now