CHAPTER 40

22 2 0
                                    


Third Person POV

Siyam na magkakaparehas na sasakyan ang naglabasan sa iba't ibang sulok ng NCR. Iisa ang kulay maging ang mga plaka nito, sino nga bang mag aakala na sa iba iba ang nasa loob ng bawat sasakyan nito.

Isa isang nagtungo ang bawat sasakyan sa ibat ibang napakamalawak na parkingan sa buong NCR alinsunod sa planong kanilang pinag usapan

Habang ang iba ay nakaparada na ang isa sa mga ito ay patuloy paring naglalakbay sa kahabaan ng kalsada na ang nilalaman nito ay sina Merressa at Death. Tahimik at seryoso ang bawat galaw na kanilang isinasagawa upang hindi magkamali sa kanilang hakbang upang malito ang kalaban na walang madadamay na ibang taong nasa kanilang paligid habang patungo sa kinaroroonan ni Edward na ngayon ay nag aantay sa kanilang pagdating.

Higit 20 ang sasakyang napansin nilang nakasunod lamang sa kanila buhat ng sila ay umalis sa kanilang bahay na tinutuluyan at napansin rin nila na habang tumatagal ang kanilang biyahe ay mas lalong dumarami ang nakasunod sa kanila na kinangisi ni Merressa dahil umaayon ang lahat sa kaniyang plano

" Ang taong takot nga naman wala ng matinong planong maiisip " natatawang sabi ni Merressa

Inutusan naman ni Merressa si Death na lituhan na ang mga nakasunod sa kanila upang hindi mapansin na iba na ang masusundan nila mamaya, binilisan naman ni Death ang kaniyang pagmamaneho at sa katangahan ng tauhan ng mga kalaban ay hindi na nila nakita ang sasakyan na ginagamit nila Merressa

Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang isang itim na kanilang sasakyang hindi na sila Merressa ang laman nito sa halip ay si Edward na ito mabilis namang sinundan ito ng mga kalaban at ng maubos ang mga ito lumabas sina Merressa sa kanilang sasakyan at pinalitan ang plaka.

Ang kailang plano ay maglalabas sila ng siyam na sasakyang magkakaparehas at lilituhan ang kalaban mag papangap silang hindi alam ang ginawang pag lipat ng hide out ng kalaban

Alam ni Merressa na nakahanda na ang mga tauhan ng kalaban sa kanilang hide out ngunit ang hindi nila alam ay habang nililito sila ng sasakyang sinusundan nila ay tumutungo na ang sila isa isa patungo sa lumang hide out na pinaglupatan nila lahat ay naayon sa plano ni Merressa.

Si Edward ang inatasan ni Merressa na maghanap sa kanilang ina dahil alam ni Merressa na hindi nila pagbibigyang pansin si Edward dahil alam nilang mahina ito, ang mas pagtutuunan nila ng pansin ay silang dalawa ni Max kaya naman ang ginawa ni Merressa ay naghiwalay sila na habang patungo sila Merressa sa lumang hide out ay si Max naman ang gagawa ng hakbang upang isa isang tugisin ang bawat sasakyang humahabol sa ginagamit na itim na sasakyan upang bago pa man malaman ng kanilang pinuno ang paglusob nila Merressa ay Kakaunti nalang ang magiging tauhan nito.

Nang makarating sina Merressa sa nasabing hide out ay wala itong inaksayang panahon isa isa nitong pinagbabaril ang mga ito.

Naglabasan naman ang ibang tauhang nasa loob ng abandonadong gusali, Nagpalitan ng bala ang mga kalaban at sina Merressa at Death

Samantalang si Edward ay tumungo sa ikalawang palapag na gusali gamit ang emergency exit na matatagpuan sa labas ng gusali.

Para itong batang naglalakad akala mo'y walang nakaabang na panganib sa kaniyang nilakakaran basta ang alam lamang nito makikita na niya ang kaniyang mahal na ina na

Isang larawan ang tinignan nito upang makabisado ang mukhan ng ina upang hindi ito magkamali sa kaniyang paghahanap, ilang tauhan ang nagtatakbuhan sa kaniyang tagiliran mabilis naman itong nagtago dahil nangako siya sa kaniyang ateng demonyo na bawal siyang makita ng ibang tao na hinahanap ang kaniyang Mama dahil papatayin ang kanilang ina pagnakita ito kaya naman sinusunod niya ito upang hindi mapahamak ang kaniyang ina.

Nang nawala ito sa kaniyang paningin ang nagpatuloy ito sa kaniyang paghahanap

" Yehey! makikita kuna ang aking Mommy " masayang wika nito, Sa kaniyang paghahanap may nakita itong pinto sa pinadulong bahagi ng gusali ngunit ito ay nakapadlock nanghanap ito nang maaaring pag gamitan upang masira ang pinto ngunit wala itong makita

Naalala naman nito ang baril na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ateng demonyo

Sinubakan niya itong gamitin sa padlock, nagtatalon naman ito sa tuwa ng makita niyang nasira ito binuksan niya ang pinto sa silid na iyon at tumambad sa kaniya ang babaeng nakahiga sa sahig na naliligo sa sarili dugo, payat na animoy hindi pinapakain, hindi rin nitong magawang makatayo sa sobrang tamlay ng kaniyang katawan

Sinuri naman ni Edward kong sino ang babaeng nasa kaniyang harapan at makumpirma nito na siya ang kaniyang ina ay napatulo ang luha nito sa awa dahil para itong ginawang puppet dahil sa mga nakabit na nylon sa kaniyang leeg, mga kamay at mga paa. Tinangal ni Edward ang mga taling nakalagay sa kaniyang ina at sinuri kung ito ba ay buhay pa, nakaramdam naman siya ng ginhawa nang maramdaman ang pulso na ina

" Mommy idilat mo ang mata mo andito na kami ligtas kana "

Binuhat nito ang ina palabas ng silid na kanilang kinalalagyan sa halip na sa bintana muli ito dumaan ay galit na nagtungo ito kinaroroonan nila Merressa

Malamig ang mga mata nito na nakatingin sa mga kalabang nadaraanan kaagad naman napansin ni Merressa ang kapatid na buhat ang ina, napahinto ito sa kaniyang pagbaril sa mga kalaban ng mapansin ang mga mata ni Edward na nagiging kaparehas ng kanilang mga mata natauhan lamang siya ng makaramdam ito ng sakit

" Love ! " sigaw ni Death kaagad naman binaril ni Death ang lalakin bumaril kay Merressa

Maging si Edward ay mas lalong nagalit dahil sa kaniyang nasaksihan, natauhan naman si Merressa sa nangyari at prinotektahan ang kapatid sa sinuman ang maaaring bumaril sa kanila subalit hindi na nito nagawang protektahan ang sarili kaya ilang tama ng baril ang kaniyang nasalo ngunit masaya siya ng makalabas ng ligtas ang kapatid at ang buhat nitong ina

Ang akala ni Merressa ay aalis na si Edward matapos na makita ang ina ngunit laking gulat nito ng bigla itong sumigaw at nagpaputok ng baril

" DIE ALL OF YOU DIE "

Napangisi nalang si Merressa sa inasal ng kapatid, his devil side is awaken

Samantala ang pinuno ng kalaban ay nabalitaan na ang nangyayari sa kanilang pinagtataguan kaya naman mariin niyang inutos sa kaniyang mga tauhan na magtungo na doon ngunit sa kaniyang pag kagulat ang tauhan na lamang na natitira sa kaniya ay hindi na lalagpas sa isang daan ngunit hindi niya ito inintindi dahil alam niyang marami pang tauhan ang nasa daan at sa kanilang lumang hide out na hindi niya alam ay unti unti nang nalalagas at nauubos

Maingat at asintado ang mga kilos na pinapakawalan nina Merressa, Death at Edward

Ilang oras pa ang lumipas nagdaratingan narin ang iba pa nilang mga kasama, ang grupo ni Merressa kasunod ang grupo ng mga Queens at ang Grupo nila Max

Punong puno ng dugo at patay ang bawat madaanan nila na nagpabuhay sa kanilang mga dugo

" Max make sure to control Merressa"

" I'm fine " singit ni Merressa na ngayon ay kalmado parin

" Sa tingin ko si Edward ang kailangan niyong bantayan, he's unstoppable " sabay turo nito kay Edward na walang tigil ang pagbaril sa mga kalabang nakikita niya

" He's awake " White

" Uwi na kaya tayo kaya na niyang tapusin lahat yan pati yung mga bagong darating " matamlay na sabi ni Ment

" Excited pa naman ako " Malungkot na sabi ni Max

Hindi naman maintindihan ng iba ang mga pinagsasabi ng magkakapatid dahil sa kanilang paningin ay parang normal parin si Edward maliban nga lang sa nag ngangalib nitong mga mata

" He found Mommy " malamig na wika ni Merressa

Nabuhayan naman ang mga ito sa kanilang narinig na balita

" Queens hanapin niyo ang sasakyang ginamit ni Edward, dalhin niyo siya sa hospital " Ma autoridad na utos ni Merressa na siyang maagap na sinunod ng nga ito

Ang mga natira naman ay nagsihanda para sa mga bagong darating na kalaban

CARDS UNIVERSITY: The Demon School #WATTY2016Where stories live. Discover now