Kabanata 6

90 12 0
                                    

Elmento Academy: School of Magic

Kabanata 6 - The Five Powerful Stone of Deris

Gabi na nung nagising ako at nakita ko si Punong Peddro na naghahanda na nang makakain namin kaya tinulungan ko muna ito sa pag aayos.

"Punong Pedro ako na po diyaan" sabi ko sakanya tapos tinuloy ang ginagawa niya.

"Sige iha, kukunin ko lang ang mga niluto ko para makapag hapunan na kayo ng mga kasama mo" nakangiting sabi sakin ni Punong Pedro tapos pumunta na siya sa kusina para kunin ang niluto niyang pagkain.

pagkatapos kong ihanda ang mga plato ay ginising ko na ang mga kasamahan ko  para maka kain na kami, pupunta pa kami sa underwater castle.

"Solene,Jasmine,Zaira,Zyrus gumising na kayo at kakain na tayo" sabi ko saka nila.

"Gising na kami Zandreya" sabi ni Solene at Jasmine.

"Good evening sainyo" nahihiyang sabi nila Zaira at Zyrus samin.

"Magandang gabi din sainyo, halina kayo at kakain na tayo" sabi ko sakanila tapos pumunta na sa hapag kainan. Nakita ko si Punong Pedro na tapos nang mag ayos ng mga kakain namin.

"Maraming salamat  Punong Pedro at pinatuloy niyo kami sa bahay ninyo" sabi ko kay Punong Pedro.

"Maraming salamat punong pedro" sabi naman ng mga kasamahan ko.

"Walang anuman, halina kayo at kumain na tayo" sabi ni Punong Pedro tapos umupo na kami para kumain.

"Bakit nga pala kayo naparito sa Serta" tanong ni punong pedro samin habang kumakain kami.

"Papunta po kami sa underwater caslte Punong Pedro para kunin ang bato ng deris duon" sabi ni Solene habang ngumunguya.

"Hindi nyo ba alam ang kwento ng bato ng deris" tanong ulit ni Punong Pedro.

"Hindi po" sabi nilang apat na may pa iling pa, ako naman ay di nagsalita at pinakinggan nalang ang sasabihin ni Punong Pedro.

"I kukwento ko sainyo ang bato ng deris o tinatawag na The Five Powerful Stone of Deris, bakit ito tinawag na malakas? dahil ito ay may kakayahang makawasak ng isang Isla sa bawat bato ay may kanya kanyang tagapag mana tanging mga tagapag mana lang ang makaka gamit ng batong iyon at kung hahawakan ito ng normal na tao ay walang lalabas na mahika. Hindi lamang iisa ang bato ng deris dahil lima ito pag nag sama sama ang mga limang bato ay kaya nitong mawasak ang mundo ng deris at kaya nitong palakasin ang inyong kapangyarihan pero sa limang bato ay may naiiba isang bato na mayroon lahat sa apat na bato." pag kwento ni Punong Pedro.

"Ano po ang pangalan ng mga batong ito po Punong Pedro?" tanong ni Jasmine, nga pala tapos na kaming kumain habang nag kukwento kase si Punong Pedro ay kumakain kami.

"Bawat bato ay may mga pangalan at ang mga pangalan nito ay

Water Stone
Earth Stone
Fire Stone
Air Stone
Aether Stone

Iyan ang mga pangalan nila dahil ito ang mga malalakas na elements sa Elmento Academy at ang nasa underwater castle ay ang water stone, kung tubig ang kapangyarihan ninyo ay hindi niyo parin makukuha ang kapanyarihan nito dahil tanging tagapag mana lang ang makakakuha ng kapangyarihan nito" mahabang sabi samin ni Punong Pedro.

"Pano niyo po nalaman ang kwento ng The Five Powerful Stone of Deris?" nag tatakang sabi naman ni Zaira.

"Isa din ako sa mga lumaban noon sa labanan ng white and dark wizard. Ako noon ang kanang kamay ng hari ng Fire Kingdom" nakangiting sabi nito sa mga kasama ko at tumitingin pa sakin si Punong Pedro habang sinasabi un.

"Kkng ganon po ay kilala niyo po ang Prinsepe ng Fire Kingdom" sabi naman ni Zyrus.

"oo naman, pero hindi ko maaring sabihin sainyo ang pangalan niya" sabi ni Punong Pedro.

"Tapos na pala kayong kumain. Kong ganon ay matulog na kayo at ako ang bahala dito. Pupunta pa kayo sa underwater castle bukas" sabi sa amin ni Punong Pedro tapos ay tumayo na kami para pumunta sa kwarto para mag pahinga.

"Bakit hindi niyo pala alam ang kwento ng The Five Powerful Stone of Deris" tanong nila Solene sakanilang Tatlo.

"Wala naman sinabi sina ama at ina samin" sabi ni Zaira.

"Wala din sinabi sakin si Papa" sabi naman ni Jasmine.

"May alam ako pero kaunti lang, sino kaya ang prinsepe ng Fire Kingdom para kaseng familiar siya sa akin" may pagka cold na sabi ni Zyrus.

"Saan nga pala kayo nakatira sa deris?" tanong ulit sa kanila ni Solene.

"Well, galing talaga ako sa mundo ng mga tao at nakilala ko lang ang mga magulang ko nang bigla akong napadpad dito sa mundo ng deris" sabi naman ni Zaira.

"Ako naman ay sa Elmento Academy ako nakatira kase si papa HM dun, and galing din ako sa mundo ng mga tao at nakilala ko lang si mama nung kinuha niya ko bigla mula sa kaibigan niya sa mundo ng mga tao and mag f-five years na ako dito sa deris" sabi naman ni Jasmine.

"Ako naman ay galing din ako sa mundo ng tao at nandito lang ako para mag-aral sa Elmento Academy tapos ang nag ampon sakin  sa mundo ng mga tao ay isa din siyang white wizard tapos nag kukwento siya tungkol sa mundong deris kaya may kaunti akong nalalaman sa the powerful stone of deris" parang mag s-snow na dito dahil sa sobrang lamig ng pagka sabi ni Zyrus. Hindi ko naman siya masisisi dahil iyon ang kapangyarihan niya.

"So... lahat pala tayo ay nagmula da mundo ng mga tao at pumunta rito para mag-aral sa Elmento Academy... ang galing naman" masayang sabi ni Solene.

Pagkatapos ng usapang iyon ay natulog na kami dahil pupunta pa kami bukas sa underwater castle para makuha ang water stone.

Kinabukasan gumising kami ng maaga para maghanda na papuntang underwater castle. Lumabas na kami sa bahay ni Punong Pedro para makapag paalam sakanilang lahat.

"Mauna na po kami Punong Pedro, salamat at pinatuloy niyo kami sainyong nayon at tahan" sabi ko sakanya pagkatapos aynag paalam na din ang mga kasamahan ko.

"Maraming salamat po sa lahat" sabi nang mga kasama ko tapos ay tumuloy na kami sa aming mission na kunin ang bato ng deris ang pangalan ay water stone.

To be continued...

Elmento Academy: School of Magic [ON GOING]Where stories live. Discover now