CHAPTER 5

321 9 0
                                    

CHAPTER 5

"Ang Sabi ko anong kailangan mo sa ate ko?" pag uulit nya sa tanong nya kaya dali dali akong tumayo.

Fuck!!

Hindi ako makaka pag palusot na ibang tao ang pangalang binanggit ko dahil buong pangalan ang sinabi ko. bakit ba kase ang tanga tanga ko eh?

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. "Ate? sinong ate mo?" nag mamaang maangang tanong ko pabalik.

Biglang nag dilim ang kanyang mukha kunot kunot din ang noo nya. "Come with me" mahina akong napa daing ng hawakan nya ako ng sobrang higpit sa braso at higitin papasok sa loob ng conference room wala na ring tao ngayon dito. mukhang nakalabas na silang lahat.

Napasinghap ako ng marahas nya akong itinulak kaya tumama ang likod ko sa malamig na pader naka ramdam din ako ng kunting hilo pero hindi ko yon pinansin naka tutok lang ako sa maganda nyang mga mata na merong halo halong emosyon.

"Anong kailangan mo sa ate ko?" pangatlong ulit na tanong na nya to. gusto kong sumagot at mag palusot pero walang lumalabas na kahit anong boses mula sa aking bibig.

Hindi ko alam kong bakit pero sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon siguro dahil mabubuko na nya ako.

"Answer me Carren Angeles" galit paring sabi nya pero nanatili akong tahimik. naka lagay na ang dalawa nyang braso sa mag kabilang gilid ko kaya bali parang kinokorner na nya ako.

"I SAID WHO THE FUCK ARE YOU? AND WHAT DO YOU NEED TO MY SISTER?"

"Bestfriend ko sya dati nong elementary" natatarantang sagot ko, basta lumabas nalang yon sa bibig ko dahil totoo naman yon bestfriend ko sya nong elementary nawalan ako ng alaala noon pero ang nawala lang naman ang mga nangyari nong gabing yon. pero meron ding ibang memorya ang nawala sa utak ko katulad nalang ng mga nangyari nong 1year old ako hanggang six limot ko na ang mga yon siguro yon yong tinatawag na childhood amnesia.

"Tashia yon ang tawag ko sa kanya non ako si Ren-Ren na bestfriend nya" dagdag ko pa, kitang kita ko ang pag lalaho ng galit sa kanyang mukha.

Akala ko matapang na ako dahil sa lahat ng pinag daanan ko pero bakit pag dating sa kanya nanghihina ako? bakit natatakot ako sa kanya?

"Ikaw yong Ren-Ren na palagi nyang binabanggit" mahinang bulong nya pero narinig ko parin.

"I'm Sorry nasakta–BLOOD! Shit There's Blood on your head!" natatarantang sabi nya habang naka tingin at nakaturo sa ulo ko. mahina akong napatawa, nagawa pa nyang mag joke. iba talaga sya.

Hinawakan ko ang likod ng ulo ko, nanlaki ang mata ko ng may mahawakan akong malapot na kung ano don. bigla akong nahilo ng makita ko ang sobrang daming dugo sa kamay ko.

Nakarinig ako ng pag punit ng tela maya maya pa ay hinawakan nya ang likod ng ulo ko at tinalian ang ulo ko ng tela na galing sa damit nya..

"Para tumigil sa pag dudugo let's go"

Hindi ko masyadong narinig ang ibang sinabi nya dahil merong mga memorya na biglang nag flash sa utak ko.

"Mommy Who is he po?" inosenteng tanong ko sa mommy ko at itinuro ang lakaking nasa picture nakita kong natigilan pa sya pero ngumiti rin.

"His your tito Santi bestfriend ko sya nong highschool" nakangiting sagot nya.

"Mama diba po sya yong papa n–"




"Fuck! Carren don't sleep" nag aalalang sabi nya at inalalayan ako sa pag lalakad. pinilit kung tumayo ng tuwid, ng maayos ko na ang sarili ko ay tinabig ko ang kamay nya at inunahan sya sa pag lalakad.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARYWhere stories live. Discover now