CHAPTER 23

253 5 0
                                    

CHAPTER 23


'Mahal kita, Ikaw ang mahal ko please don't leave me carren'


Hanggang ngayon ay hindi ko parin maialis sa utak ko ang sinabi nyang yon. nandito parin kami sa loob ng kwarto kong nasaan ako kanina. may sasabihin pa daw sya sakin kaya hindi muna kami lumabas.
 

Tiningnan ko sya pero naka tulala lang sya habang naka upo na parang sobrang lalim ng iniisip kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat na ikina tingin nya sakin.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya pero hindi sya umimik..

"gusto ko ng makita si tashia at saka uuwi na rin ako mag gagabi na pero kung wala ka namang sasabihin aalis na ako" dagdag ko pa at nag lakad na papunta sa pinto.

Pinihit ko ang doorknob para sana buksan ang pinto pero naka lock yon. ilang beses ko pang sinubukang buksan pero wala talaga. kaya naman humarap ako kay sir owen.

"Ini-Lock mo ba tong pinto?" tanong ko sa kanya kunot noo naman syang tumayo sa kinauupuan at lumapit din sa pinto katulad ng ginawa ko ay sinubukan nya ring buksan ang pero mukang naka lock sa labas kaya hindi namin mabuksan.

"Help Pabukas naman oh may tao dito"

Paulit ulit na sigaw ko pero wala na atang tao..

"Soudproof tong kwartong to wag kang tanga kahit mag sinigaw ka walang makaka rinig sayo"

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa sinabi ni sir owen. kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan sana si tyron pero bigla yong namatay.

ngayon pa nalobat bwiset!

"May dala kang cellphone?" tanong ko kay sir owen, umiling lang sya na ikina laglag ng balikat ko.

Bakit ba napaka malas ko?

Namayani ang katahimikan saming dalawa walang gustong mag salita, marami akong gustong sabihin sa kanya, gusto ko ng sabihin sa kanya lahat lahat pero natatakot ako na baka lalo nya akong kamuhian..

"I Love you Carren" napa angat ang tingin ko kay sir owen dahil sa kanyang sinabi Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya.

"May Girlfriend kana sir owen tigilan mo na ko" medyo inis na sabi ko at iniiwas sa kanya ang tingin,

"Ganon ba talaga ang tingin mo sakin? mabilis mag bago ang isip?" tanong nya na ikina tahimik ko. nakita ko rin ang pag daan ng sakit sa kanyang mata,

Pero bakit? totoo naman yong sinabi ko diba? may girlfriend na sya.. ano yon balak nya kong gawing kabit nya?

"I Love you carren at ramdam kong mahal mo rin ako dahil hindi ako manhid pero bakit? bakit mo pilit sinasabing wala kang nararamdaman sakin?"

Muli akong natigilan, "Pano mo naman na siguro na gusto nga kita huh?"

"Why? Hindi ba?" nakangising tanong nya at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Naramdaman ko nalang ang sobrang bilis na pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan, "Anlakas ng tibok ng puso mo darling ako lang ang nakaka gawa nyan sayo diba?"

Biglang nag si taasan ang balahibo ng kagatin nya ng mahina ang tainga ko na nag hatid na kakaibang pakiramdam sakin kaya naitulak ko sya.

"Gusto mong malaman yong totoo?" tanong ko, nang tumango sya ay nag lakad ako papunta sa kama at humiga don.

"Patay na ang mga magulang ko, Pinatay sila"

Nakita ko ang gulat sa mukha nya at ang pag awang ng labi nya pero nag patuloy lang ako sa pag sasalita.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARYWhere stories live. Discover now