Chptr.3 - The Mummy

89 18 13
                                    

Recap:

Ganun nalang ba 'yon? Isa lang hindi ko nagawa ipapatapon na ako ni Lord Drécon?! Sana pinapatay nalang nya ako, tutal wala na rin naman sakin ang wand ko!

"Fuck you, Sadan. Fuck you!" I yelled and showed him my bloody dirty finger. Pero mas lalo lang sya tumawa ng tumawa na tila ba alam nya ng gagawin ko ang bagay na 'yon.

"My pleasure, Sparks. Until next time... Goodbye." he said calmly and turned his back on me. Nakakailang hakbang palang sya ng lumingon sya sa akin at sumaludo. Ilang sandali pa, nawala na sya sa paningin ko, nawala na ako sa mundo ko.

Matinding sikat ng araw ang gumising sa mahimbing kong pagtulog. Iminulat ko ang aking mga mata upang makita ko ang aking kapaligiran.

"Damn. Of all the countries, why here?" napasapo ako sa aking noo. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip palang na nandito ako sa magulo at maduming lugar na ito.

"Ms. sexy! Bibili ka ba ng balot?" nakangiting tanong sa akin ng isang manong na punong-puno ng pawis pero inirapan ko lang sya at tumayo na mula sa gilid ng kalsada, duon ako lumitaw mula sa portal.

"Ms. sexy! Bakit puno ka ng dugo? Halika at dadalhin kita sa ospital!" muli kong binalingan ang matanda at sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa and vice versa. Saka ko sya nginisihan.

"Dadalhin mo 'ko sa ospital? Eh mukha ngang sarili mong kulugo hindi mo mapagamot. Ako pa kaya?" Nagulat naman sya sa sinabi ko at mukhang naintindihan nya ang ibigsabihin nito.

Bakit ba kasi sa lahat ng lugar ay dito pa ako sa Pilipinas napadpad? Pwede namang sa New Zealand o Korea, Canada or Australia. Bakit dito pa? Naiinis ako sa lugar na'to, lahat ng tao plastik! Kahit may problema sasabihin wala tapos ngingiti pa, aba matinde! At isang malaking patunay pa doon ay ang balot vendor na ito, aayain pa akong magpagamot eh mukha ngang kahit sya ay walang pera, ano yun iiwanan nya ako doon? Tss. Mga feelingero talaga ang mga tao dito!

"Hoy babae! 'Wag mong binabastos itong asawa ko ha! Kung hindi mo alam, dahil sa marangal na pagbabalot ng asawa ko e napagtapos nya ang apat naming anak-"

"Tinatanong ko ba? Wala 'kong pakialam sa storya nyo! Mga wala kayong kwenta!" Ngayon ko lang napansin na marami na pala ang nasa gilid namin, mga nakikiusyoso.

Nag-init ang mukha ng asawa ng magbabalot dahil sa sinabi ko at akmang susugurin na ako kung hindi lang sya nahawakan ng kanyang asawa. Pero hindi nya ito tuluyang napigilan dahil dinuro-duro pa ako nito at pinagmumura kaya naman pati yung kaning mga nakikiusyoso ay inawat na rin sya.

"Dayo ka lang dito baka nakakalimutan mo! Siguro mamamatay tao ka 'no?! Pulis! Mga kapit-bahay bitiwan nyo 'ko! Tatawag ako ng pulis! Tingnan nyo ang babaeng yan, puno ng dugo pero walang sugat! Sigurado akong pumatay 'yan ng-"

"Baboy." Napalingon ang lahat maging ako sa gawing kaliwa kung saan nagmula ang nagsalita.

"Acel! Anong ginagawa mo dito? Kilala mo ba ang babaeng talipandas na 'yan?!"

"Lupe ano ba? Tama na nga 'yang pang-aaway mo sa bata." awat ng magbabalot sa kanyang asawa.

"Ang ganda naman po ng pangalan nyo. Lupe, bagay na bagay sa mukha mo na hinukay pa yata sa lupa noong unang siglo." nakangiti kong sabi at pilit na ginawang inosente ang aking tinig.

"Abat! Anak! Bigyan mo 'ko ng itak! Susungalngalin ko ang bibig na talipandas na ito!" paghihisterya nya.

"Enough!" sigaw ng lalaki kanina. Maganda ang kanyang tindig at pangangatawan pero puno ng benda ang kanyang mukha. Mukha syang isang mummy na inimport pa mula sa Egypt.

NexusWhere stories live. Discover now