Chapter 9: Action speaks louder than words

331 38 4
                                    

Just like the usual maagang gumising si Mia pero napatigil siya sa pagbangon niya nang may biglaang pumulupot sa tiyan niya. Nilingon niya ang tabi niya at nakita si Alexus na natutulog at sarap na sarap sa tulog habang sumisiksik sa kili-kili niya.

Thursday pa lang at may pasok pa ito kaya kailangan niyang bumangon. She wiggled her body very carefully not to wake him up but every time she moves, the more it became tight. "Don't leave just yet, wife." He mumbled and grab her back to sleep. "It's still early." He whispered huskily.

Tumagilid si Mia at niyakap ito pabalik, oh di'ba napaka-clingy niya na rin. "Bakit ka ba nandito? Di'ba dapat nasa silid ka ikaw natutulog?" Paborito niya talaga ang gulohin ang buhok nito, ngayon ay marahan na naman niyang sinuklay-suklay. Bini-baby ang asawa niyang damulag.

"My room felt empty and cold. I want to sleep beside you." Nakapikit pa rin ito na mataman niya lang tinitingnan.

Kunwari, ngumuso siya at ngumiwi pero sa likod ng ulo niya ay pinapalibutan na siya ng overload na mga puso dahil sa kinikilig siya sa sinabi nito. "Ang lame naman ng excuse mo, husband. Samantalang no'ng unang gabi ko dito ay para akong nakakahawa na sakit na hindi mo halos lapitan." Ingus niya dahil sa alaalang 'yun. Clingy naman na 'to no'ng araw na 'yun tiyaka kinabukasan biglaang naging mapang-iwas. Pero heto, gumapang naman pala pabalik. Gusto na nga sana niyang maniwala sa sinabi ni Spade... But speaking of which.

"It's true. I just missed you. That's the truth." Giit nito at inamoy pa ang kaniyang leeg na nagbibigay kiliti sa kaniya. Napaatras siya ng kaunti dahil sa nakikiliti siya. "Why are you avoiding me? I want to smell you."

"Hep-hep, super lagkit mo na sa'kin Mister ah! Baka saan pa 'to patutungo." Paalala niya dito na ikinaahon ng kalahati sa katawan nito. Nakatuko ang siko sa unan habang ang ulo ay nakapilig sa kamay Looking at her menacingly. "Oh? bakit ganiyan ka makatingin?"

Alexus smiled at her and glided his point finger to her forehead down to her nose and down to her lips. Na kaagad naman tumabingi si Mia para iwasan ang sensuwal na paghawak nito sa kaniya. "Binabalaan kita, Alexus. Hindi tayo pwede lalagpas sa ganito."

Naka-pirmi lang ang ngiti sa labi ni Alexus habang aliw na aliw niyang pinagmamasdan ang pamumula ng pisngi ng kaniyang asawa. "You look scared, wife."

Tumalikod si Mia kay Alexus dahil sa hindi maipaliwanag na pag-iinit ng mukha niya, ini-angat pa niya ang kumot at binalot ang sarili hanggang sa ilong niya. "Wala namang masama kung gagawin natin ang bagay na 'yun, hindi ba?" At ang simpleng paghawak sa kaniya ni Alexus sa braso niya ay nagbibigay ragasa ng kuryente sa katawan niya. Hindi niya maintindihan, lalo pa't ngayon lang niya 'yun naramdaman.

"You're my wife and I'm your husband. I have needs, Mia..." Mas lalo siyang nanigas nang pinahiga siya ng maayos ni Alexus at seryoso na tinititigan. Sa titig pa lang nito ay para siyang hini-hypnotize ng maitim nitong mga mata. Hanggang sa unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kaniya at wala sa kamalayan niya na unti-unti na rin palang hinihila ni Alexus ang kumot na tumatabing sa mukha niya. Lumalakas ang kabog ng puso ni Mia at mas lalo pang uminit ang mukha niya, naiimagine na niya 'yung takuri na malapit ng kumulo kaya't nang hindi na niya kaya ay itutulak na niya sana ang asawa niya nang marinig niya itong tumawa. Uri ng tawa na nakaka-tanga dahil ito 'yung unang beses na nakita niya itong tumatawa. "I was just kidding, damn. You're so cute to tease!"

Mas lalong dumidepena ang pogi nitong mata kapag tumawa, his eyes were almost gone dahil sa singkit at ang labi nito ay hindi mapunit sa kakatawa. And those linen yet white teeth are attractive, lumitaw pa ang dimple nito sa kaliwang pisngi na hindi niya alam na nag e-exist pala. Nalula siya sa guwapo nitong mukha at napatitig roon ng matagal.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now