Chapter 105

110 11 2
                                    

FLASHBACK:

Ito ang araw na tumawag si Jeff kay Alexus at tumawag lamang para makipag kuwentuhan tungkol sa kanilang college life.

"But honestly, Bro. Wala ka ba talagang napapansin?" tanong ni Jeff habang nakamasid sa kabilang bahay kung saan katawagan naman ni Thomas si Denise sa cellphone at nasa veranda ng silid nito.

"Like what?" tamad na sagot ni Alexus habang nakatuon ang pansin sa labas.

Si Jeff naman ay napabuntong hininga habang napakunot sa kaniyang noo. "Sa kasama mo diyan. Alam kong kasama mo si Mia diyan sa North Korea." kahit hindi sinabi ni Alexus na isinama niya si Denise no'ng pagpunta niya sa North Korea ay malalaman pa rin ni Jeff ang mga ginagawa ng kapatid. Walang bagay na hindi malalaman ni Jeff, dahil it should be that way, always.

"What about her?" Alexus was vigilant not to spill things what he knew. Gusto niya talagang si Jeff ang mismong mag tatak ng tinatanong nito.

Pasimple na sinilip ni Jeff si Thomas, iritadong kinakausap nito si Denise. "Nevermind." bawi ni Jeff, dahil sa mukha naman talagang walang alam si Alexus. It somehow pissed him too. Yun ang sinabi niya na lang at iniba ang usapin. Let Alexus see the changes. "By the way, I think this is the right time for you to know about Mia's pregnancy."

To think that Alexus was not knowledgeable about that important event of Mia's life... kailangan na nitong malaman iyon. It's no use hiding it for long, when he can eventually find out about it.

Natahimik saglit sa kabilang linya si Alexus, ang mga mata niya ay nakatuon kay Denise na may kinakausap sa labas ng bahay sa cellphone nito. Alexus was standing at the glass trim of their room. Seryoso ang kaniyang mukha at hindi kakitaan ng kahit na anumang ekspresyon. Kanina pa siya nando'n at nakatingin lamang sa labas.

That time, inakala ni Denise na walang nakatingin sa kaniya. But, Alexus does. In every movement she takes, nando'n siya para magmatiyag.

No one can tell if he's mad or not. His face was cold and fierce.

At that moment, pareho silang ino-obserbahan ni Jeff.

"Since when did you hide this from me?" malagong na tanong ni Alexus. Ni hindi man lang siya nagulat o nag react sa minungkahe ng kapatid sa kaniya.

"Mia was around three months pregnant. Ito 'yung panahon na pinasunod mo sila Reden sa amin. No'n niya rin sinabi at hiningi na huwag munang sabihin sa'yo." paliwanag ni Jeff.

Sa kabilang linya ay tahimik na napakuyom ang kaniyang kamao. Sa panahon na iyon ay naisip niyang galit na galit sa kaniya si Mia. At para dito ay hindi siya bagay na maging ama ng magiging anak nila, kaya nito pinili na itago.

Yan ang una niyang naisip, pero winaksi niya ang kalaisipan na 'yun ng maalala kung anong klase ng babae si Mia. She was been very vocal and honest with her feelings. Hindi ito kaillanman na nagsinungaling sa kaniya, maliban na lang sa biglaang paghihiwalay nila.

Isa pa, maraming beses na may nangyari sa kanila. At ukol sa alaala niya, bawat putok niya ay ipinutok niya sa loob nito. Kaya napaka-imposible talaga kung walang mabubuo.

It never surprised him dahil 'yun na rin ang kaniyang hinala no'ng unang linggo na iniwan niya ito.

At first, he took the topic as a joke, but when she agreed, hindi siya nagdalawang isip na sunggaban ang pagkakataon para mailayo si Mia sa kaniya. Pero ang pagkakamali niya ay ang hindi ito maisip ang bagay na 'yun kaagad.

Ang laman lang ng kaniyang isip no'n ay ang problema sa paghahanap kay Hayes, at ang paghahanap rin sa nagkakawatak-watak niyang Pamilya.

"What else?"

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now