Chapter 13

3.6K 79 1
                                    

Chapter 13

"Se-sean..." Napabitaw si Sean sakin ng marinig ang tinig na iyon.

"T-thea..." Nagulat kami pareho ni Sean ng makita namin si Thea.Napatayo kami kaagad.

"How-how..." Umiiyak na banggit ni Thea.Hindi niya na tinapos ang sasabihin niya at tumakbo na siya.

"Thea! " Mabilis na hinabol ni Sean si Thea.

Naiwan akong mag-isa dito.Tulala.Mabigat ang pakiramdam.Nakokonsensya ako na nasasaktan.Ano ba itong ginawa ko?

Naramdaman ko nalang na tumutulo na luha sa mga mata ko.

.

Dalawang araw na ang nakalipas nang mangyari ang gabi yun pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang bigat ng pakiramdam ko at sakit.Nakokonsensya ako kay Thea.

At aaminin ko na itong sakit na nararamdaman ko ay yung oras na paghabol ni Sean kay Thea at pag-iwan niya sakin mag-isa.Nasasaktan ako dun kahit hindi naman dapat.Naiinis ako sa sarili ko.Gulong-gulo na ang sistema ko.

Hindi umuwi si Sean nang gabing hinabol niya si Thea .Simula ng umuwi kami ay nag-aalala na si tita Claire.Nang tanungin niya ako kay Sean ay sinabi kong wala akong alam. Lumabas muna si tita Claire kasama si nanay para hanapin si Sean.

Kahit ako alalang-alala ako kay Sean.Kaya ng gabing umuwi sya ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Pagod ako." Malamig nyang sabi.Inilayo niya ako sa kanya at naglakad papunta sa kwarto niya.Pero dahil nag-alala talaga ako sa kanya kaya niyakap ko siya mula sa likod.

"Sean, pinag-alala mo ako." Sabi ko.

Tinanggal niya uli ang braso ko tyaka ako tinulak nya akong malakas.Nagulat ako.

"Nang dahil sayo nag-away kami ni Thea!" Sigaw niya.Natakot ako sa tono ng boses nya.Halatang galit na galit sya at nasasaktan.

Lumapit sya sakin at hinawakan ng mahigpit ang siko ko.Napaluha ako sa sakit.Pisikal at emosyonal.

"Huwag ka ng lalapit sakin."pagkatapos nyang sabihin yun tinulak niya ulit ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig.Napahagulgol nalang ako.Sobrang sakit. Bakit ganito?

"Sean! " Rinig kong sigaw ni tita Claire pagkapasok nila.

Lumapit sakin si nanay at niyakap ako.

"Sean, bakit mo ginawa yun?" Imbis na sagutin ni Sean si tita Claire, tinignan niya lang ito at pumasok na sa kwarto niya.Pabagsak nyang sinara ang pinto.

"Sean!" Tawag ni tita sabay katok sa pinto.

A Way To Be Love  Where stories live. Discover now