Chapter 18

3.3K 71 0
                                    

Chapter 18        

Nag-init bigla ang ulo ko sa sinabi niya.Naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko.Hindi ko namalayan na nasampal ko na siya.

"Mandi!" Napalingon ako ng marinig ko si Sean.

Agad syang tumakbo sakin tyaka ako hinawakan ng mahigpit sa balikat.Napangiwi ako sa sakit ng pagkakabaon ng kuko niya.Galit ang nababasa ko sa mukha niya.Galit sakin.Natatakot ako sa kanya.

"Thea!" Lumapit sila kay Thea.

"A-aray!" Inda ko.

"Bakit mo sinampal si Thea?" Nagulat ako ng sumigaw sya.

"Se-sean nasasakta—"

"Talagang masasaktan ka.Wala kang karapatang saktan o sampalin si Thea!" Sigaw pa niya.

Napahagulgol na ako.Isang sampal lang nagawa ko kay Thea kumpara sa sampal niya sakin kanina pero ako pa lumalabas na masama.Ang sakit lang.

"Huwag mo akong dinadala sa pag-iyak mo!" Sigaw niya.Hindi ko mapigilan ang umiyak Sean!

"Sean nasasaktan mo na si Mandi.Okey na naman si Thea e.Bitawan mo na sya." Mahinahong sabi ni Erick.Lumapit na sya samin para sana tanggalin na ang kamay ni Sean kaso kinabig lang siya nito.

"Huwag kayong makialam.Namumuro na ang babaeng ito!" Matigas nyang sabi.

"Ano ba Sean! Tama na.Babae si Mandi baka nakalimutan mo!" Sigaw ni Bea.

"Sean calm yourself.Pag-usapan natin ito." Suhesyon ni Roland.

Naawa ako sa sarili ko sa totoo lang.Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko.Paghagulgol ang tanging nagagawa ko.

Naramdaman kong lumuluwag ang pagkakahawak ni Sean sa braso ko.Pagkabitaw niya tumakbo kaagad ako palabas.

"Mandi! "

Napaupo ako sa tabi ng mga halaman.Hagulgol lang ako ng humagulgol hanggang sa kusang huminto na ang mga luha ko.Wala na siguro ako akong tubig sa katawan.Nakaramdam narin ako ng pagkauhaw.Sinisinok pa ako.Bwisit!

Pero kahit huminto na ang pagluha ko nandun parin yung sakit.

"Thea! " May rinig akong pamilyar na boses.Malapit lang ako dito sa bahay ni Roland.Hindi ko ba alam sa mga paa ko at lumakad ito papunta sa likod ng bahay.

Napatakip ako sa nakita ko.Nakayakap mula sa likod ni Thea si Sean.Ewan ko ba sa sarili ko imbis na umalis na ako e pinagmasdan ko pa sila.Sinasaktan ko na ang sarili sa ginagawa ko.Hindi ko akalain na may iluluha pa pala ako.

"Thea mahal kita..." At tuluyan nang sumakit ang puso ko.

...

A Way To Be Love  Where stories live. Discover now