92

16 1 0
                                    

"Astrid alam mo bang iba na ang adviser natin?" Tanong ng isa kong kaklase ng makarating kami. Oo! Kami. Bakit? Syempre, hindi ako papayag na maiwan ang anak ko. Kumunot ang noo ko sa kanya.


"Huh? Bakit?"  Clueless na tanong ko. She just shrugged before going near to Sem.


"Hello baby?" She greeted Sem. My daughter just giggled and hug her. Hindi ko na lang sila pinansin ng mag simula na silang mag laro. Bakit naman kaya napalitan si Baog? Hmp! Mabuti nga! Hindi ko pa naman dala ang magulang ko.




Nang dumating ang isang guro ay agad kaming natahimik. Akala ko ay si ma'am Kyla pero bakit parang ang taba? Impossible namang may kakambal siya. Baka tumaba lang?




Binati naman siya at agad niya kaming pina upo. Nagtama ang mata namin at hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya na sinuklian niya.



Nakampante ako ng hindi niya pinansin si Sem ng tapunan niya ito ng tingin. Natapos ang dalawang subject ng maayos. Mabuti si Sem ay tahimik lang na nag lalaro sa tabi ko. Break time na kaya agad akong napatingin sa bintana at agad na ngumiti ng makita ko si Tim na nakasandal sa railings habang mag ka-krus ang braso. Nakayuko lang siya habang nag hihintay.


"Sem, let's go anak?" kinuha ko ang atensyon ni Sem na busy mag laro ng lapis. Sem looks at me so I carried her.



"Tara?" aya ko kay Tim ng makalapit kami sa kanya. Halatang nagulat siya pero agad din namang naka bawi at ngumiti.


"Akina na baby ko," aniya at agad na kinuha si Sem. Napadaan kami sa room ng mga ungas na HUMSS at nag sigawan naman sila Draniel at Nathalie pati na rin sila Jonnas.



"Woi!" -Jonnas.

"Astrid!" Nathalie.

"Castro!" -Draniel.

Agad kaming huminto dahil nakakahiya sila. OMG! Wala talagang mga manners.



Lumabas sila at sinalubong kami. "Pahiram kami?" Inginuso ni Nat si Sem.

"Hindi kayo kakain?" tanong ko. Agad na umiling si Nat habang kinukuha na ang anak ko.


"Osige. Basta Nat ha? Wag mo ipahawak kay Draniel 'yan at utang ng loob! Ayoko sa mga Alvarez!" pang aasar ko kay Draniel. Malakas namang tumawa si Jonnas at Timothy habang si Draniel ay pikon na pikon.


"Foul ka Ast, huh?" Madramang usal niya na tinawanan ko na lang. Nag patuloy na kami sa pag lalakad ng may maalala ako.



"Alam mo bang napalitan na ang adviser namin?" pambasag ko sa katahimikan. Pansin ko din na kanina pa siya ganyan.


Hindi siya nagulat sa sinabi ko kaya nag tataka ako kung bakit wala siyang reaksyon.

"I know." malamig niyang sagot.

Agad ko siyang pinaningkitan ng mata. "Don't tell me may ginawa ka?" nag hihinalang tanong ko.

"So?" mataray na aniya. Natawa ako ng bahagya dahil hindi bagay sa kanya ang pag tataray!


Hanggang sa makarating kami sa canteen ay hindi siya nag sasalita. Ramdam ko ang pag mamasid sa akin ng mga tao pero pinilit kong wag pansinin.


Palabas na sana kami ng canteen ng may mag salita.

"Alam nyo bang natanggal si Ms. Viernez dito dahil kay ex Pres.?" Malakas na aniya. Tinignan ko ang babae and guess what?...tss! I am right. It's Malory, Lexy's friend.



Our Classroom Princess 2Where stories live. Discover now