Chapter 2

3 1 2
                                    

Be With You

Yesha‘s Pov

Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Halos hindi ko maalala kung anong ginawa ko kanina.

Pa‘no kung isipin n‘yang gusto ko siya?

Alam kong totoo ‘yon. Pero nakakahiya rin dahil...

Napa-angat ako ng tingin nang may mag-lapag ng plato sa harap ko.

Hi.

Ilang segundo bago ko nasabi ‘yon, kumaway rin ako sa kan‘ya.

Bakit siya nandito?

Nagpalinga-linga ako, kita ko namang marami pang bakante—nakita ko rin na wala na ‘yong babae na kasama niya kanina at ‘yong lalaki na tumawag sa kanila.

Tama, dahil gutom pa ako at hindi naka-kain ng maayos kaya nandito ako ulit sa canteen, pero malayo na sa table nila kanina—na natatanaw ko pa rin.

At ang tanong ko, ung bakit siya nandito.

Hindi kaya mangyayari na talaga ‘yong imahinasyon ko kanina? May sasabihin ba siya? Nilapitan niya ba ako para hindi ako mapahiya?

Nagtawanan kasi kanina ang halos lahat dahil sa nangyari‘ kahihiyan.

O baka dahil kikilala niya ako? O dahil wala na s‘yang kasama kaya nandito siya? Pa‘no naman kung tungkol ‘to sa nangyari kanina?

Napatigil ako sa pag-iisip ng mga posibleng dahilan kung bakit siya nasa table ko nang umupo siya sa kaharap kong upuan.

Nakangiti s‘yang nag-pipindot do‘n nang iharap niya sa ‘kin ang phone niya—pero akala kung ano lang, nilapit ko pa ang mukha ko dahil...

Ako ‘yon, vinideo niya ako? Paano?

Nakangiti ako habang nakatingin sa kawalan, nakayakap din ako sa sarili ko, ibababa ang kamay at umiiling-iling.

Sa kahihiyan, mata ko lang ang gumalaw para i-angat ang tingin sa kan‘ya nang matapos ang video. Nakangisi siya nang ibaba ang cellphone niya nang hindi inaalis ang tingin sa ‘kin. Nag-pilit ako ng ngiti at halos hindi na maka-galaw.

“Hm?” Pinag-siklop niya ang mga kamay nang nakangisi pa rin. “Kilala mo ako?”

“Ah?” Kusa kong nai-usal, hindi pa rin kasi ako makalimot sa video ko.

Para rin s‘yang sigurado sa paraan ng pagkakatanong niya.

Sasabihin ko bang oopero baka hinuhuli lang niya ako, kaya hindi ko sasabihin.

Tumawa ako tsaka umiling na parang wala lang. “Ah hahaha, ang ganda ng quality ng video, saan mo binili cellphone mo?”

Nahinto ako sa paggalaw-galaw ng tinidor sa paglalaro ng pagkain dahil sa lumabas sa bibig ko.

“Why?” Lumapit siya ng kunti. “Papa-video ka ulit?”

“Hindi, hindi, hindi,” mabilis kong sinabi ‘yon kasabay ng mabilis na pag-iling.

“Really?”

“Pero parang kabaligtaran no‘n ang pinapakita ng mga mata mo.” Dagdag pa niya.

Alisan ko kaya?

Pero baka isipin n‘yang defensive ako. Madali lang isipin pero ngayong nasa harap ko na siya, nawala na ‘yong gusto kong gawin.

Chasing The Donkey Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ