- T A L A -
"Sa mga along umiindayog sa Lunduyan..."
Nagising ako dahil sa mga bumubulong. Nang idilat ko ang mata'y liwanag ng kandila ang bumungad sa akin. Bukod doon ay napansin ko ang tatlong pares ng mga paang nakapalibot hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nang iangat ko ang paningin ay nakita ko ang mga nakaitim na---
"K-Kidnappers?" kunot-noong bulong ko.
Binalik ko ang paningin sa tatlong taong nasa harapan ko. Nakapikit silang lahat habang ang kanang kamay ay nakatapat sa labi. Para silang nagdadasal o kung anuman pero shet! Anong ginagawa ko rito? Nananaginip na naman ba ako?
"Iyong padaluyin..."
Kinuha ko ang pagkakataong 'yon para ilibot ang mata. Para kaming nasa isang maliit na dome. May mga nakasabit na kwintas na may iba't-ibang pendant sa buong paligid, may mga papel rin na nakadikit doon. Medyo madilim ngunit sapat na ang liwanag ng mga kandila para makita ko ang buong dome.
"Sa lumuluhang karagatan ng kasalanan..."
Hindi ko na napigilan ang sarili at tumayo. Hahakbang na sana ako ngunit bigla na lang akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw! Parang may nakahawak sa mga paa't kamay ko pero hindi ko 'yon magawang tignan.
Kristallene Cielo gumalaw ka beh!
YOU ARE READING
BUWI: Sanlibong Taong Paghimbing
FantasySa kagustuhang tumakas sa realidad ng buhay, si Tala, isang illustrator sa isang publishing company, ay nag-resign sa kaniyang trabaho. Hinihiling niyang pahinga at katahimikan ang mahanap sa bakasyon dahil ilang buwan na siyang apektado mula sa pag...