/13/ TAHANANG 'DI NAITATAG

167 9 0
                                    

- T A L A -

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

- T A L A -

"Since birth?!" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko. Iniliko ko ang push cart at sinundan sina Isla at MJ.

"Ano mi hindi pa rin maka-move on?" sabi ni Isla habang inilalagay ang dalawang bote ng alak sa cart na tulak ni MJ.

Katulad ng ipinagpaalam ni MJ, sinama nila ako sa pamimili. Pabor naman sakin dahil kailangan ko rin ng toiletries at iba pang personal na gamit. Kumuha ako ng sariling cart para hindi mahalo sa gamit ni Consi.

Hindi ganoon karami ang tao sa loob ng grocery store pero para bang naninibago akong makabalik dito, sa mundo ng mga tao... sa labas ng Esniya. Wala akong ideya kung saang lupalop kami ng Pilipinas, hindi na rin ako nagbalak magtanong dahil saglit lang naman kami dito. Hindi suot ni Isla ang itim na coat at hindi rin ako pinagsuot ng badge ni Raiden. Ang tanging suot ko lang ay 'yong kwintas na inabot sa akin ni Consi noong dalhin nila ako sa Silo. Sa tingin ko ay ligtas naman kaming mamili sa lugar na 'to.

"Hindi niyo kasi nagegets eh. Matagal na kaming magkakilala ni Raiden, eleven years Isla. Eleven f*cking years," umiiling pang sabi ko.

"Bakit mi? Sa eleven years ba na 'yon lagi kayong magkasama? Parang hindi nga kayo nag-uusap ni Singko eh," natawa siya.

"Enemies kayo manay diba? So you never really know his true identity kasi nga hindi naman kayo close." Nagkibit-balikat na sabi ni MJ.

"Oo nga... Pero apat na taon sa college blockmate ko siya tapos 'pag graduate namin hindi na kami nagkita. Nito lang ulit, no'ng naging CEO na siya ng RJP," paliwanag ko.

"Pero seryoso manay... hindi po talaga kayo friends?" tanong niya at nilagpasan ako.

"H-Hindi..." sagot ko.

Tumatango-tango siyang lumiko sa health and beauty department kaya sumunod kami. Dumiretso si MJ sa stall ng Vicks habang hawak pa rin ang listahang binigay ni Consi.

"Gaga ka pala eh." Sinundot ni Isla ang pisngi ko at sinasabayan ako sa paglalakad. "Natural hindi mo malalaman, sobrang tagal na no'n at hindi naman pala kayo magkaibigan. Anong drama mo mi? Hindi naman big deal kung hindi mo alam."

"A-Anong hindi big deal?" nagtaas ako ng kilay.

Hindi ba big deal 'yon? Noong college may gusto ako kay Raiden. Posibleng binabasa niya yung utak ko noong mga panahon na 'yon. Nakakahiya at nakakadiri! Baka iniisip niyang pinapantasya ko siya. Bwiset!

"Sabi ko na eh! HAHAHA may gusto ka kay Singko?" Nabigla ako sa tanong ni Isla. "Kahit hindi ko basahin sa utak mo, halatang-halata sa itsura mo mi." Binuksan niya ang isang can ng beer at nilagok niya 'yon.

"Correction, nagkagusto. Ang taga-tagal na no'n," pagtanggi ko.

"Ang tagal-tagal na no'n pero affected ka pa rin? Okay! Affected ka lang naman, hindi talaga big deal," sarkastikong sabi niya. "Pero sabagay hindi kita masisisi, ang gwapo kaya ni Singko! Dalawang taon na lang at magte-trenta na siya, parang siyang anerrr wine na habang tumatagal lalong shumasharaaap!"

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingWhere stories live. Discover now