Part 11

6.4K 54 13
                                    

“Stevon number two?”

Sobrang laki as in laki ng mata ko nang makita si Stevon. Napatingin ako sa Stevon na nasa unahan. Bakit dalawa sila?! Oh my gosh?

So sino yong nakipag-jugjogan sa'kin sa motel? Sino sa kanila?

“So you already saw my twin brother,”aniya matapos silipin ang mga nangyayari sa likuran nitong pinagtataguan namin.

“T-Twin? Kayo?”

“Actually we're triplets. James is one of us.”

Namilog ang mata ko. “Bakit hindi niyo siya kamukha

Assuming lang ba si Stevon at inaangking kapatid si James?

“He undergo a surgery para ibahin ang kaniyang mukha kaya hindi na namin siya kamukha.”

Sabagay. Napanguso ako. Kung araw araw mong nakikita mukha mo nakakasawa rin naman. Baka nagsawa na rin kalaunan si James kaya nagparetoke. Imagine? Kapag sinabihang pangit ang kakambal mo syempre apektado ka, e. Mas mabuti iyong hindi ka damay kapag nagkataon.

“Let's go. Let's talk about this on the other place not here.” Hinila niya na ako palayo.

Nadaanan pa namin sina Dyukno na nag-aaway sa bola. Naghahampasan pa ang tatlo. Ano bang mga pinanggagawa ng mga abno na toh?

Dinala niya ako sa isang restaurant. Jollibee nga lang sana iyon, e. Pero magrereklamo pa ba ako kung makakakain ako for the first time ng tinatawag nilang steak? Aba! Spokening dollar na this!

Maarte kong hinihiwa ang steak ko at hindi ko tiningnan bago sinubo. Nalunok ko na bago ko narealize na may dugo pa ang karne. T*ngina! Gusto kong isuka ang nalunok ko kanina. Ang mahal mahal tapos hindi man lang inayos ang pagkakaluto.

Masarap pa letchon nito sa tabi-tabi, e. Ibang klase talaga trip ng mga mayayaman. Kapag di na alam kung saan ilalagay ang pera ay gagastos na lang sa mga walang kwentang bagay. Katulad ng steak nilang may dugo.

“Do you want a wasabi for that instead?” Tanong ni Stevon nang mapansin na hindi ko masiyadong ginagalaw ang steak ko.

Wasabi? Hmm, mukhang interesting, ah. Tumango agad ako. Baka isipin ng isang toh wala sa dugo ko ang pagiging sosyal. Sinabihan niya ang waiter at noong dumating ay nanlaki ang mata ko nang makitang kakulay ng avocado ang wasabi. Bakit wasabi ang tawag nila dito e halatang kinayod na avocado yata ito? Nasa maliit na mangkok lang ang wasabi at sa pagkakatitig ko ay parang mabibitin ako doon. Bakit ang kunti lang kasi?

Kinuha ko agad ang kutsara ko at sumandok ng malaki sabay subo sa bibig lahat. At iyon na pala ang bagay na pagsisisihan ko buong buhay ko.

Para akong kumain ng toothpaste na may sili. Napatayo ako bigla habang nasa bibig pa ang namumuong wasabi. Putragis! Wasabi nga! wala kang masabi sa pangit ng lasa!

“Are you okay?” nag-alala si Stevon lalo na noong makita niyang wala nang laman ang mangkok ng wasabi.

May idea na yata siya kung anong katangahan ang ginawa ko.

“C-Cr muna ako,”ani ko halos hindi makapagsalita.

Ayokong malunok ang kahit kaunting butil ng putakting wasabi na ito!

“Sige,”aniya may pagtataka pa sa mukha.

Sinuka ko lahat ng nakain ko. At para akong nanghihina nang lumabas ng cr. Nagkalat ang eyeliner ko sa gilid ng mata at nagmukha akong multo na nagkatawang tao.

Ano ba namang pagkain mayroon sila? Mas katanggap tanggap pa yata iyong pagkain ng mga mahihirap kaysa sa pagkain nila, e. Ayoko nang maging mayaman! Ayoko na talaga! Mga alien ang mga taong iyon!

....

“You look drained, gusto mong uminom ng tubig?” offer nito.

Shock na tumingin ako kay Stevon. Dadalhin na naman ba ako nito sa mamahaling restaurant?

“Utang na loob, mag-jollibee na lang tayo. Doon na ako iinom ng coke.”

“O-Okay.”

May phobia na yata ako sa mga pagkaing pangmayaman ngayon.

“So ano pala kwento niyo? Bakit nagkaganoon si brother mo? I mean, iyong bad mong kakambal.”sumulyap ako sa fries niyang hindi niya pa ginagalaw. “Ayaw mo ng fries? Akin na lang, ah.”

Hindi pa siya nakakapagsalita nang hilahin ko ang fries niya.

“S-Sure,”aniya. Wala na siyang magagawa dahil nilamon ko na.

“He's Arton. Siya ang sumalo sa mana ni Daddy. Tumanggi kami ni James doon. Ayaw ni Dad kaya binigyan kami ng kundisyon na kapag nakapag-asawa kami ay titigilan niya na kami. Kaya...”

Napakurap-kurap ako. Kahit nag-iisip ako ng pangalawang order ng burger ay nakikinig din naman ako kay Stevon. Ilang saglit ay nabilaukan ako sa fries na nilamon ko kaya dali dali akong nagtungo sa counter at nag-order ng coke float. Tapos nakita ko iyong bagong labas nilang burger kaya nagsali na rin ako.

Nakangisi akong lumapit kay Stevon. May bitbit na akong tatlong burger.

“Sorry nakakagutom pala ang mga rebelasyon. Sige tuloy mo na, tapos? Anong sunod na nangyari?”

Isinauli ko rin ang credit card niya. Mabilis kamay ko, e. Mabilis kong nakuha dahil nakalapag lang naman sa mesa. Tinulak na rin ni Stevon pati coke niya nang makitang lamon ako nang lamon.

“Hindi ko pa ininuman 'yan don't worry.”

“Salamat, hehe.”

Agad kong nilagok yun.

“Si... Ano... Si Arton ba hindi naghahanap ng kunwaring asawa?”

Umiling si Stevon. “He's fine now. Balak niya rin na sulohin ang lahat ng mana. And we're creating our own money so wala na kaming pakialam sa mamanahin pa namin.”

Ay sana all. Kung ako yun baka nakipagbasag ulo na ako kay Arton mahatian lang ako sa mana. Pwede kayang mag-sub kay Stevon? Ako na lang aagaw ng mana niya. Tsaka ayaw ba talaga ni Arton ng kunwaring asawa? Ire-recomend ko pa man din sana si Shalala. Kahit lahat ng utak noon nasa dyoga niya e mapapakinabangan naman yun.

Para na rin may kita siya. Hindi iyong ako lang sasalang sa ganito tapos kami lahat ang gagatos sa makukuha ko. Ang unfair naman noon. Mas maigi na rin yong ma-try niyang mawasak ang kepay niya.

Napansin kong tila nanliliit ang mga mata ni Stevon habang pinagmamasdan ako.

“What are you thinking? And what's the reason of asking about Arton?”

Namilog ang mata ko at natauhan. Ano din ba ang iniisip niya? Bakit ganiyan siya makatingin diyan?

“Nagtatanong lang naman ako,”ani ko at napanguso.

“If you have plans of becoming his fake wife, back off. Don't try.”

Hala siya! Paano niya nasabing iyon ang iniisip ko? E ang layo-layo ng balak ko sa naisip niya.

“Ayoko pang mamatay, 'no!”

“Then, good.”
....

Itutuloy...

Three Some (RATED SPG)-on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon