Part 12

4.4K 35 22
                                    

Wala parati si Stevon sa bahay. Syempre may work. Ako as usual nakakulong pa rin. Nakakasura na rin tingnan ang bawat sulok ng bahay. Puno naman parati ang ref ng kung anu-anong ngangatngatin. Pero feeling ko napaka-suffocating pa rin sa feeling.

Nilingon ko sina Dyukno na maingay sa sala. Sila may-ari ng tv sa sala kapag wala si Stevon pero kapag nandiyan halos ayaw gamitin ang mga gamit sa bahay.

“Nakatingin si Ma'am.” Si Toper sabay kalabit kina Dyokno at Peryong.

Agad silang bumaling lahat sa akin.

“May kailangan ka, Ma'am?” Halos sabay-sabay pa ang tatlo. Takot lang isumbong ko kay Stevon, e.

Umiling ako. Kahit pa yata sabihin kong isakay ako sa likod nila tapos umikot ng isang daang beses sa bahay na iyon gagawin din nila. Kahit mga sinto-sinto mga iyan masunurin din naman. Lahat ng kailangan ko pino-provide agad nila.

“Wala raw. Gago ka talaga, Toper.” Kinutusan pa ni Peryong.

Balik ulit sa tv ang mga mata at bunghalit ulit ng tawa. Nanonood sila ng wrestling. Sila lang pinagloloko ng wrestling na iyan. Lahat naman ng kalahok mga artista lang. Ang lalaki ng katawan tapos pinatumba lang ng babaeng payat? Akalain mo iyon?

Itong tatlong 'to naman tuwang-tuwa. Nagpapaloko talaga sa mga ganiyang palabas. Napapailing ako. Si Manong Ruel nasa counter nagkakape, may sariling mundo.

“Ikaw lang naman talaga, Love dovey. Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?” Pinalambing pa ang boses.

My Gosh! Saulo ko na lahat ng kinakanta niya sa cellphone niya tuwing pinapakanta siya ng Lovey Dovey niya. Pangako sa'yo, Bubuka ang bulaklak, Lowbat na ba. Iyong tatlong iyon paulit-ulit niya lang kinakanta at kahit hindi ko gusto ang mga kantang iyon ay mapipilitan akong imemorya. Paulit-ulit mo ba namang marinig, e.

'Tsaka ayos lang sana kung hindi sintunado. Parang gusto ko tuloy kunin ang number ng babaeng iyan at tawagang huwag na siyang mag-request ng mga kanta kay Manong Ruel. Kami ang nagsa-suffer dito, e.

Biglang may nag-doorbell. Walang ni isa sa apat ang tumayo. Parang kanina lang napaka attentive pa nila tapos ngayon biglang nabingi ang lahat.

Ako na ang tumayo. Nakakahiya naman sa apat. Sinasahuran pa naman sila para lang manood ng tv at makipaglandian sa phone. Nakakahiyang isturbohin. Napanguso ako at nagtungo sa labas. Pag ako namatay dito yari tong apat dito. Asawa pa man din ako ng mayamang businessman tapos papeteks peteks lang sila sa loob. Asawa ng businessman. Naks!

Binuksan ko na ang gate. Iniisip ko baka delivery na naman. Noong nakaraan may naligaw na delivery kay Dyokno. XXL na condom overseas pa.

“Amoy abroad. Peryong amuyin mo!” Pinasinghot pa kay Peryong.

Ayaw niya sanang bayaran ang courier pero galing abroad daw kaya taas noong binayaran ng gago.

“Ano naman gagawin mo diyan? Wala namang pumapatol sa'yo?” Medyo may pagkapasmado rin kasi bibig nitong si Peryong, e. Nangre-real talk parati.

“Oo nga, Dyokno. Tsaka ganito lang kaliit iyong sa'yo? Paano magkakasya iyan?” Tinaas pa ni Toper ang hinliliit niya sa kamay.

Nag-away iyang tatlo kahapon. Himala nga at nagkabati ngayon. Sabay pang nanood ng wrestling. Pinakialaman nga lang ang mugo-mugo ko sa ref. Baka ako naman makaaway ng tatlo mamaya. Kapag nawala iyong yakult ko doon makakatikim na talaga itong tatlong 'to.

Binuksan ko na ang gate. At namilog ang mata ko nang biglang pumasok ang itim na sasakyan. Ang loko loko na si ako ay iyong mas malaking gate ang binuksan imbes na iyong maliit na pinto.

Three Some (RATED SPG)-on goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon