5

2K 24 14
                                    

Her Playful Desires

5

-

"Miss Hansen" sabay bukas ng kotse.

"Thanks" pasasalamat ko sa driver ko.

"Miss, bilin po sa akin ni Sir huwag daw po kayong masyadong magbabad at maglaro baka daw po mabinat kayo" sabi ni Manong sa akin.

"Don't worry I can handle myself Manong. Balik na lang po kayo mamayang 6pm. Salamat" at nagsimula na akong humakbang karga karga ang varsity bag ko.

Papunta ako ngayon sa pool ng school namin. Magpapractise ako dahil malapit na ang School Meet ng Swimming Competition. Oo, varsity ako ng Swimming at the same time Libero ako ng Women's Volleyball Team ng school. Di naman halata na mahilig ako sa sports kahit ayaw ko sa school na to. Right?

"Frenchfries!!" "Francette!!" sabay na sigaw ng mga baliw kong buntot.

"Okey kana ba? Huhu! Di mo man sinabi sa amin sang hospital ka naadmit!" sabi agad ni Kyra. Ang 'bestfriend' ko daw. Kyra Marie Wensh.

"Ang meanie mo!" sigaw sa akin ni Ciara. Ciara Ryan.

"Oo nga! Di mo ba alam na halos mamatay na kami sa kakaalala sayo?" sabi ni JJ na teary eyes na. Drama ang peg. Babae yan Jennica Janine Tiu.

"OA din JJ? Alam mo ba gutom na ako!" pinaka-nakakarelate na sagot sa topic namin. Si Kia Lei Osaki.

Ang apat na yan ang mga tinik sa lalamunan ko. Walang magawa sa buhay kundi ang bumuntot sa akin. Sina Kyra at Kia team mates ko sa Swimming habang sina Ciara at JJ sa Volleyball. Kaya nga wala akong choice kundi makasama ang apat na toh. Mga sumpa sa tahimik kong buhay.

"Have to go. At please, lubayan niyo ako." sabi ko then nagmadaling maglakad.

"Tara na! Sabay na tayo Beshiee!" sabay kapit sa braso ko si Kyra.

"Kyra stop it"

"WAAAA! NARINIG NIYO YUN GIRLS? TINAWAG NIYA AKO SA PANGALAN KO" sigaw ni Kyra sa kanila. Ang tropang tiniks.

"Oo di kami bingi" sabay na sabi nina Ciara at JJ.

"Huh? Sino? Sino?" walang kamalay malay na tanong ni Kia.

"Ang iingay niyo. Kyra at Kia dalian niyo nga at magpapractise pa tayo." sabi ko.

"Andito na po!" hinigpitan ni Kyra ang kapit niya sa akin.

"Pero guchom pa si Chummypupu" parang batang maktol ni Kia.

"Edi kumain ka" sabi ko.

Binilisan ko na lalo ang paglakad kahit na nakakapit pa rin sa akin si Kyra.

"Manonood lang muna kami!" sabay liko nina Ciara at JJ sa kabilang side ng gym.

"Magpalit na nga kayong dalawa. Isusumbong ko talaga kayo kay Coach! Remember, ako ang captain niyo." sabi ko kina Kyra at Kia.

"Wala kaming pamalit. Inuwi namin kahapon." sagot ni Kyra.

"Gutom si Chummy" walang kwentang sagot ni Kia.

"Ah! Ewan ko sa inyo. Umuwi kayo, kunin niyo yung gamiy niyo tapos saka kayo magpakita sa akin. Isama niyo na rin sina Ciara at JJ tapos pakainin mo to si Kia, Kyra" with that, lumabas na ako ng lounge papunta sa pool.

Konting Warm Up tapos punta sa diving board at talon.

*Splassssh...

Langoy lang ako ng langoy. Namiss ko ding magswimiing, 2 week akong walang practise eh. Lumingon ako sa paligid ng pool area, wala na ang tropang tiniks. Mabuti naman kung ganun.

Freestyle 50 meters, Breast pabalik tapos Butterfly ulit. Medyo madali akong napagod kaya nagbackstroke muna ako. Mahina lang yung parang nagbababad ka lang.

*Splasssh!

Napagitla ako sa malakas na splash ng tubig kaya umayos ako ng langoy.

"Kyra?" mahinang tawag ko.

"Hey!"

"Aah!" nagulat ako dahil umahon sa harap ko ang isang unfamiliar na face.

"Sino ka!?"

"Te-teka? Ikaw nga! Ikaw nga yung sinagip ko!" sigaw niya sabay hawak sa magkanilang balikat ko.

"Hey! Bitawan mo nga ako!" sabay layo naman ako.

Sumagip? Saan? Kanino? Ako? Kailan? Lalake siya!?

"Back Off!! Maniac!" sigaw ko.

"Hey! Hindi ako manyak!" dali-dali akong lumangoy papunta sa side ng pool.

"Paano ka nakapasok dito?!"

"Hindi nakalock eh. Bakit? Sayo ba to'?" lumangoy siya palapit sa akin.

"Lumayo ka sa akin! Manyak! Girl School ito! Bawala ang lalake!"

"Ikaw nga yung babaeng sinagip ko na malapit ng pagsamantalahan ng kapwa mo racer!" sigaw niya? Huh? Anon-- don't tell me siya ang red-brown na hair guy!?

"What?! Eh hindi naman kulay red-brown yang buhok mo!?" bigla kong nasabi ang tungkol sa buhok niya.

"Ah! HAHA! yun ba? Nagpakulay na kaya ako ng black hair" sabi niya ulit. Umakyat ako sa stairs para makaahon sa tubig.

"Wit-wew! Seksi! Showy!" aba't gago to!

Tapos bigla rin siyang umahon sa tubig at sobrang lumaki ang mata ko! Lumuwa is the appropriate word!

"MAGSUOT KA NGA NG DAMIIIIIT!" sabay takip ng mga inosente kong mata.

"Eto naman, OA ka! Nakaboxer ka ako! Makareact naman." tapos kinuha niya ang tuwalya ko.

"Hey! Give me that!" hinila ko sakanya ang tuwalya na kasalukuyang pinupunas niya sa katawan niya.

"Pahiram nga lang!" hinila niya ulit pabalik.

"Akin na toh! Di ako nagpapahiram ng personal na gamit sa strangers!" hinila ko ulit ng sobrang lakas pero bigla niya ito nabitawan at naout of balance ako.

*Splaaaasssssh!

"Bakit mo binitawan!?" sigaw ko sakanya pagkaahon.

"Eh sabi mo eh" pinulot niya ang pantalon, sapatos at shirt niya tapos lumabas.

Ako? Nganga.

Siya ba talaga ang nagligtas sa akin?

"Miss Hansen, you're welcome"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Playful Desires (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon