CHAPTER XLIV: Death of Austine

24 1 0
                                    


Austine's Point of View

I pinched the bridge of my nose when I woke up because I have a severe headache. Hindi ko na malaman kung paano ako nakauwi kagabi nang matiwasay. I looked around the room and it only sinks that this is not my room. 

Nasaan ako? This is not my room. Tinanan na ba ako ni Khey? 

Napailing na lang ako sa naisip ako. I know that there are some important arguments Khey and I had last night. Mariin akong napapikit, trying to remember what really happened pero wala talaga akong maalala. 

I don't have that high tolerance in alcohol pero hindi din naman ako weakling pagdating sa inuman. Sinubukan kong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Noon ko lang din naramdaman ang presensiya ng kasama ko. I blinked several times before my vision completely adjusts to the light. 

"You are awake na pala. I am engrossed kasi sa binabasa ko sa forum ng DISA eh. Kamusta pakiramdam mo?" boses ni Xandrie iyon at mahihimigan mo ang tuwa sa boses niya kaya naman nilingon ko siya. Mababasa mo sa mukha niya na masayang masaya siya. I am sure that masaya is just an understatement. 

"What's going on?" I asked nonchalantly. I closed my eyes once again to stop myself from whining because of this headache. 

She chuckles, "Ayan kasi, inom ka ng inom hindi naman pala kaya. I cannot believe na mas mataas pa ang alcohol tolerance ko sayo Kuya. You missed a lot of things and happenings tuloy kagabi." I looked at her curiously. Madami ba akong namiss? Eh we are just having a graduation party and nothing special happened. "What happened last night? I barely remember anything now." I give up when I tried to remember the things that have happened last night. 

But before she could speak, someone knocks at the door. Sabay namin ito nilingon at si Khey ang nagpapasok dito. She is so fresh on her white skirt and almost see through top. Maganda din ang pagkakaayos ng buhok at make up niya. I looked at her with full of questions on my stare. 

"Can I speak with your brother, Miss Xandrie?" She asked my little sister na tinawanan lang naman siya. Ano bang meron sa babaeng ito at tawang tawa lagi kahit wala naman nakakatawa. "Ano ka ba naman Ate Khey. Stop with formality na noh and para ka na kaya namin family member. Of course you can have my brother kahit pa forever mo gusto."

"Hoy anong forever ka diyan?" tutol ko kay Xandrie pagkatapos niyang sabihin iyon. "Oh bakit? Totoo naman unless may hawak na ngayon siyang resignation letter." malditang sagot nito sa akin kaya naman na-alarma ako. "Bawal kaya yan magresign si Khey. She owe me big deal." Nakakaloko naman akong nilapitan ni Xandrie at saka bumulong, "Huwag mo masyado titigan si Ate Khey at baka matunaw iyan. Don't worry you have forever to woo her." 

Before I could react, she hurriedly run towards the door and drop another news. "Anyway, I and Edwin are officially together. Byeee! Bangon ka na or else iiwan ka namin. " Hindi na ako nakaimik nang dali-dali itong lumabas ng kwarto. Naiwan ako kasama si Khey dito sa kwarto. 

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. This is so unusual. Dati naman ay kapag magkasama kami ay lagi kaming nagbabangayan o nagtatalo talaga tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa opisina o kay Xandrie. 

"Where are we?" I break the silence between because it gives me such uncomfortable feelings for an unknown reason. "Nasa mansion tayo ng mga Alvarado. Dito tayo lahat umuwi after ng graduation party nina Xandrie at Edwin." No wonder the interior has its different vibe. "Get up now, boss. Iiwan ka talaga namin kapag hindi ka pa nag intindi."

I tsked, "What happened last night, Khey? Wala akong matandaan na kahit ano." 

She lightly laugh, "Hahayaan kitang maalala kung anong mga sinabi mo sa akin Austine." I gulp when she called me on my first name. Ilang beses niya lang ako tinawag na Austine sa ilang taon na pagsasama namin. Mabibilang lang ata yon sa daliri ko at tuwing galit lang siya o nagtatampo saka niya ginagawa iyan. 

Bigla tuloy akong napaisip, did I do something upsets her last night? 

"Wala akong sasabihin na kahit ano sa'yo kasi aaminin ko, hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako. Hindi ko alam ang papaniwalaan ko dahil parang binago ng isang gabi ang ilang taon nating pagsasama. At ayaw kong mabaliwala lahat iyon dahil lang umasa ako sa lahat ng sinabi mo habang lasing na lasing ka. I want you to tell me those words you directly told me when you are cool and good." Mahabang aniya. 

She smiled at me and it is so much beautiful that makes my headache gone. Kakaiba ang presensiya ngayon ni Khey at dulot niyon sa sistema ko. "Maghihintay ako kung kelan magiging handa ang mundo at oras para ulitin mo yon sa harap ko." She took a deep breath, "But for now, kailangan mo na mag intindi dahil paalis na tayo. Nalaman kasi ng Mommy ni Edwin na may hang over ka kaya nagyayakag papuntang Subic. Bonding na din daw and while checking your schedules, they are all good naman. Kikita pa naman ang kompanya ng milyon kahit ilang linggo ka pang mawala sa opisina. So bangon na, hihintayin ka namin sa baba."

Dali dali din naman ako bumangon dahil sa sinabi niya. Nakakahiya sa parents ni Edwin na ganito ako ka-late nagising. She walked towards the door but before she actually leave, she stops and faced me again. "I made some soup downstairs, Boss. Your favourite one so don't make me wait Boss."

And with that, she completely stepped out of the room. Pagkatingin ko sa couch na andito ay may set ng damit na masinop ang pagkakatupi. Kinuha ko iyon at may note na kasama. 'Wear this, Boss. I looked for your style sa pinakamalapit na boutique kasi puro formal clothes lang naman ang nasa unit mo.'

I sheepishly smile and chuckle. Siya pa talaga ang naghanda ng damit ko. Napahawak ako sa dibdib ko, ito na naman yung kakaibang kaba at bilis ng tibok ng puso ko tuwing may ginagawa siyang hindi inaasahan para sa akin.








'Aish! You will be the death of me Khey'



To be continued

Dear Crush [Dear Series Book 01]Where stories live. Discover now