CHAPTER ONE

8 0 0
                                    

ZHAIRYN'S POV

"Ikaw na muna ang pumasok para makita mo ang papasukan natin, sige na, Iryne," Pamimilit ng magaling kung bestfriend na si Jhaira.

Unang araw namin sa bagong school pero ako ang kanilang papapasukin para makita kung maganda ang school.

"Hoy! Pumayag kana." Si Arianne ang makulet saming tatlo, gusto niya siya ang laging nasusunod, pero mabait naman siya, maasahan pa, maganda si Arianne, siya ang matangkad sa aming tatlo, pag napapaaway ang isa samin siya lagi ang tagapagtanggol namin, gusto ko na nga siyang bansagan na si Darna eh.

Si Jhaira naman, ang pumapangalawang matangkad, mahinahong magsalita siya pag ako ang kausap niya, hindi niya gusto na nasasaktan ako, halos silang dalawa naman ang ayaw na masaktan ako. Maamo ang mukha niya at hindi mo mapagkakamalang mataray siya.

Pag magkasama kaming tatlo, pinag kakamalan nila kaming mag kapatid, May nagtatanong pa kung kami ba ay triplets. Napapailing na nga lang ako eh.

Ayaw ko munang magpakilala, makikilala niyo rin naman ako eh.

"Oo na! Ano pa bang magagawa ko eh, dalawa kayo?" Pabuntong hiningang sabi ko.

"Mamaya papasok na kami wag kang mag aalala." Si jhaira na nag hahanda ng almusal namin, magkakasama kami sa iisang condo, wala trip naming tatlo, gusto kasi namin na kaming tatlo lang ang magkakasama.

"Ayan, kumain kana." At abot sakin ng sinangag, inilagay niya naman sa harap ko ang itlog, bacon, ham at hotdog. Kumain naman na ako para hindi na malate.

"Iintayin ko kayo mamaya ah." Sabi ko naman sa kanila at yung dalawa nginitian ako.

Nag commute lang ako papuntang school at ng makarating doon, napatingin ako sa gate at ang nakalagay ay (SAINT LOUIS INTERNATIONAL SCHOOL) pang mayamang school ata ito eh, mukhang hindi ako karapat-dapat dito ah. Hindi na ako nag aksaya ng oras at pumasok na ako, nginitian pa ako ng guard pero hindi ko na pinansin yun. Bumungad saking mata ang matataas na building, na cream ang kulay ng pader. Mga puno na di naman matataas sa ibang parte ng loob ng school, malawak ito at pasok sa panlasa nilang dalawa, oo kinakain nila.

Tiningnan ko kung anong oras na dahil baka late na, hindi ko pa nakikita ang section namin o kung magkakaiba ang section namin. Mabilis kong hinanapan ang bulletin board at nakita ko rin naman yun, hinanapan ko lang yung pangalan ko, section B kami?

Umakyat ako sa third floor dahil nandoon ang section B, grabe ang pagod non. Hingal kung hinanap ang room namin, at sa wakas natagpuan ko na, kumatok ako doon at bumukas yun hindi ko manlang napaghandaan ang mabilis na lipad ng eraser na tumama agad sa mukha ko. Iginala ko ang paningin sa loob at tatlong lalaki ang nagbabatuhan ng mga eraser, tumigil lang sila ng makita nila ako.

"Miss, okay ka lang?" Lapit sakin ng magandang babae, "pagpasensyahan mo na sila." Sabi niya pa, mukha siyang mabait.

"Mmm" yun nalang ang naisagot ko.

"Ikaw yung transfer?" Tanong niya pa tumango nalang ako, aba nakakahiya kung humarap ako sa kanila diba? "May dalawa pang transferee eh, ahm, sino ka don?" Tanong niya.

"Ako si--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may sumigaw.

"Claire!" Tawag ng isang lalaki. Napalingon kami sa May pinto. "Oh, sino yan, siya ba yung transferee?" Tanong nito sa kaharap kong babae.

"Oo, jam." Sagot naman ni Claire daw.

"Hi, my name is Jam Clarinze Alvarado, and you are?"

SUN & MOON Where stories live. Discover now