CHAPTER TWO

7 0 0
                                    

NEXT'S POV

Kinabukasan maaga akong nagising sa masamang bangungot, iling iling ako dahil sa inis dahil siya ang laman ng panaginip ko.

Ang panget niya, malabong magkagusto ako sa kanya!

Kahit sa pag ligo, galit ako parang umuusok ang katawan ko sa inis kapag pumapasok sa alaala ko ang panaginip na yun.  Mabilis kung tinapos ang pag ligo dahil hindi ko na kayang maalala pa yun.

"Kuya, gising ka na ba?!" Sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko sabay katok at bumukas ang pinto. "Tawag ka ni mommy." Nangunot ang noo ko dahil don. Tumango nalang ako sa bunso kong kapatid na lalaki.

Pag baba ko ay dumiretso akong dining area upang kumain ng breakfast pero yung uupo na ako nang salita na si mommy.

"Akala mo siguro, hindi ko alam ang mga ginawa mo kahapon." Panimula niya, kaya napalunok ako.

"Neslie, hayaan mo munang kumain ang anak mo." Sabi ni dad. "Sige na son kumain kana."

"Yan ang alam mo Zeuz, manang mana sayo yang anak mo eh." Inis na sabi ni mom kay dad. "Bakit pinag tripan niyo ang bagong student, huh, nexus?" Galit na tanong ni mommy.

"Hindi ko naman siya pinag tripan, mom."

"Eh, bakit mo siya binuhusan ng tubig kahapon?"

"Feeling maganda eh." Bulong ko at sinubo ng kanin.

"Napaka immature mong bata ka, hindi ko alam kung kelan ka magbabago." Inis na sabi ni mommy. "Si Zhairyn ay tahimik, kaya nga dun ko siya inilagay sa section B para mabawasan ang katahimikan niya. Eh, lalong tatahimik yun kase pinag tripan niyo." Galit na sabi ni mom. "Oras na umulit ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo, hindi ka manlang nag babago, hindi ka na bata, daig ka pa ni Nell, mas mature kung mag isip kesa sayo."

"Neslie, tama na." Si dad.

"Nag kakaintindihan tayo Nexus?" Hindi ako umimik, "nag kakaintindihan ba tayo?!" Sumigaw na si mommy dahilan para mapasagot ako.

"Yes, mom." Sagot ko ni hindi ko pa napag planuhan ang sunod kong gagawin sa miss trans nayun. eh pinapatigil na agad ako ni mommy. Wala sa plano kong sundin ang sinabi ni mommy gagawin ko kung ano ang gusto ko. Gaganti ako sa kanya.

Pag tapos kung kumain ay nag paalam lang ako sa kanila na papasok na ako, mabilis akong nag drive papuntang school.

Panaginip

Maaga akong pumasok upang makita ang magandang mukha ni miss trans, hindi ko alam kung bakit nagagandahan ako sa kanya makalipas ang ilang Linggo. Hindi ko alam kung bakit mas pinili kung pumasok ng maaga para lang makita siya. Habang nag hihintay ako sa parking lot ng school ay May nag salita mula sa likuran ko dahilan para magulat ako.

"Anong ginagawa mo diyan? Inaabangan mo nanaman ba ako?" Tanong niya, habang natatawa, samantalang ako hindi na mapakali.

H-hindi-, wag ka ngang feeling." Inis kunwaring sabi ko.

"Matagal ko nang napapansin na madalas kang mautal pag ako ang kaharap mo, pero pag mga kaibigan ko naman, maayos mo silang nakakausap." Nagtatakang tanong niya at hindi na ako makapagsalita. "May gusto ka ba sakin?" Doon ako napatingin sa kanya. "May gusto ka ba sakin--" hindi ko na magawang patapusin siya dahil sa kaba at seryosong mukha na kayang nasabi ko nalang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUN & MOON Where stories live. Discover now