2

183 4 0
                                    

Chapter 2
Label

**✿❀ ❀✿**

"Good morning, boo! May ube halaya akong dala. Halika, dali! Kainin natin."

Pagkababa ko pa lang ng second floor ng bahay namin dala ang mga kailangan ko ay s'ya na agad ang bumungad sa'kin. Ang pagmumukha n'yang kinaiinisan ko. Lumapit s'ya sa'kin para kunin 'yon at para s'oya na ang magdala. Uali n'ya 'to kung minsan. Kapag naabutan n'ya akong pababa pa lang sa hagdanan namin.

Hindi ko sana ibibigay ang gamit ko kung hindi n'ya lang 'yon hinila sa'kin ng basta-basta. Muntik na akong malaglag sa hagdanan dahil sa ginawa n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Ang hilig n'yang manghila. Kapag ako nabangasan ng dahil sa kaniya ay gagantihan ko s'ya ng mas doble pa sa ginawa n'ya.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" inis na sigaw ko.

"Erra, 'wag ka namang ganyan sa bisita natin," saway sa'kin ni Mama na pababa din sa hagdanan.

Nandito pa pala si Mama? O late lang s'ya nagising? Akala ko ay nakaalis na sila ni Papa. Dahil palagi naman silang wala sa bahay namin, eh. Mukhang mas bahay p yata nila ang kumpanya kaysa dito dahil halos sa kumpanya lang nila nilalaan ang time nila. Bihira lang dito sa bahay at kapag sila angsama ng pamilya dito sa bahay namin o may pupuntahan nkaming bahay ay kabahan ka na.

Dahil nalalaman na lang namin nila Kuya na pinagshi-ship pala kami sa mga anak ng mga kaibigan nila sa kumpanya. Tulad na lang ni Kya Tonton. Hindi ko alam kung sino'ng fiance ni Kuya at pakiramdam ko ay isusunod na nila Mam si Kuya Aus at pagkatapos ay ako naman.

Actually, hindi ko naman sineseryso ang sinasabi nila Mama at Papa na ganyan dahil alam ko kung bakit nila ginagawa 'yon. At dahil lang sa kumpanya. Wala naman akong against laban do'n. Naiintindihan ko naman. Ginagawa nila 'yon para mag-merge ang dalawang kumpanya para mas lalo pang kumita ng malaki at lumago.

Wala akong alam about sa kumpanya pero 'yon lang ang kutob ko. Wala akong balak na hawakan 'yon balang aaw dahil hindi ako interesado. Sina Kuya din. Hindi din sila interesado kaya naghahanap sila ng pwede naming mapangasawa na pwedeng mag-handle daw ng kumpanya.

Teka? Ano daw? Bisita? Mali ba 'oyung pagkarinig ko? Baka bw*sita! At hindi bisita. Sino'ng bisita ang nandito arawaaw? At parang ayaw ng umalis sa bahay namin? May gano'n bang bisita? Wala!

"Good morning, Ma," bati ko at hindi ko pinansin ang pangsisita n'ya sa'kin. Hindi ko din pinansin si asungot. "Ngayon pa lang kayo aalis ni Papa papuntang kumpanya?"

"Yes, Erra. And please?" pakikiusap sa'kin ni Mama. "'Wag kang masyadong harsh kay Shawn, anak. Shawn is a good boy."

Kumunot ang noo ko. Ano daw? "What? Good boy? Ano s'ya, Ma? Bata?"

Tinignan ko ang Asungot. Nakangiti siya na para baang nagustuhan n'ya ang sinabi ni Mama. Nagpauto naman s'ya. Mukha namang hindi s'ya mabait. Mukha s'yang adik sa kanto at mukha pangtambay dahil nandito na naman s'ya sa bahay namin.

Wala ba s'yang ginagawa? Bakit nandito ba s'ya lagi? Panay ang pangbwi-bw*sit. What the h*ll! Bakit ba inis na inis ako sa kaniya? Kahit wala naman s'yang ginagawang ikakainis ko? Ang init lagi ng ulo ko sa tuwing nakikita ko s'ya and I don't know why. Normal pa ba ako? I don't think so.

"Ah, basta, anak. Mabait s'ya," sambit ni Mama at nginitian pa si Asungot. "Mabait na tao si Shawn at gwapo pa."

Napangiwi ako. Gwapo? Hindi naman s'ya gwapo, eh. Mas gwapo sa kaniya 'yung kaibigan ni Ellaine na lalaki. Si Dienver. Kaso mukhang masungit kaya hindi kami babagay. Mas gwapo pa nga s akaniya si Kalix, eh. Pero masungit din kaya hindi kami vibes. Hindi ko kaya ang pagkasungit kaya no tayo d'yan.

Don't play with me, Coach || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now