All I want

2 0 0
                                    

》ALL I WANT《
》starlianchiii43《

Nagkayayaan ang mga barkada ko na pumunta sa karaoke pagkatapos ng klase. Kasama ng iba kong mga barkada ang mga jowa nila. Nagkataon na ex ko yung isa sa dinala nila para sumabit.

"Hey, Javen. Wala ka pa rin bang iba hanggang ngayon?" Bungad ni Sendrick sa akin nang makita niya akong nag-iisa sa tabi at kumakain. "I don't think na kailangan ko yan ngayon-"

"Come on, Javen. Don't tell me, hindi kapa nakakamove on kay Yana?"

"..."

"Drick, 'wag ka ngang mangialam sa lovelife ni Javen at huwag ka di mag jump off conclusion diyan. Baka naman naka move on na-"

"No, I haven't," sagot ko dahilan para matahimik sila. "Javen, turn mo na para kumanta!" Aya ni Fiona, kaibigan ni Yana na nakisabit lang din.

Kinuha ko ang gitara na naka balandra sa tabi saka ito iniayos. "Pre, baka nakakalimutan mo na karaoke 'to, pwede ka naman pumili nalang sa song book."

"Gusto ko ganito so just sit up ang listen," aniya ko saka napaupo sa isang upuan kung saan nasa pinakaharap kung saan makikita ako ng lahat.

Pinatugtog ko nang malumanay ang kanta na gusto kong kantahin, balak palitan ang ilang mga salita sa kanta. "All I want by Olivia Rodrigo."

"I found a girl and told me I was a moon~," simula ko sa kanta

"Teka diba dapat "I found a guy and told me I was a star" yun?" Usal ni Fiona pero ipinagpatuloy ko lang ang pagkanta. "May pinapatamaan siguro," usal ni Sendrick saka napatingin kay Yana.

"All I want is love that last~
Is all I want too much to ask?~
Is it something wrong with me?~
All I want is a contented lady~
Are my expectations far too high?~"

Matamaan ka sana, Yana. Oo, aminado ako na pinatatamaan nga kita. Gusto ko lang malaman mo na, kahit pa babae ang kumanta, kaya kong palitan ang ilang salitang pwede kang matamaan. Hindi ako bitter, all I want is for you to realize na hindi biro manloko. Hindi birong manakit. Hindi birong manwasak ng puso.

ONESHOTS COMPILATION<3Where stories live. Discover now