Kadalasan puti minsa'y dilaw,
Minsa'y kalahati at kakulay ng araw,
Hindi mainit kung tatama sa balat,
Masarap tingnan kasama ang lahat.

Napakaganda lalo na kapag kasama niya ang mga bituin,
Parang mga diyamante pero hindi mo pwedeng angkinin,
Hanggang tingin na lang ang iyong magagawa,
Dahil ito'y para sa lahat gawa ni Bathala.

Unspoken Confessions (Completed)Where stories live. Discover now