Seducing Samuel Rodriguez

501 2 0
                                    

SEDUCING SAMUEL RODRIGUEZ

GIANNA'S POV

Malalim na ang gabi, bukas pa rin ang diwa ni Gianna pinapanuod ang mga taong nag kakasaya sa Club. Sobrang lakas ang pinapatugtog na musika ng Dj, sabayan pa ng makukulay at iba't-ibang dancing light na mabuhay pa ang dugo ng mga taong naroon.

Tamang fitted na tube black dress ang suot ni Gianna, lumitaw ang makinis at morena na balat. Hanggang balikat naman ang haba ng kay itim na gabi kulay na buhok.

"Ano ba iyan." Kinakamot ni Gianna ang sarili. Ngangati rin ang mukha sa kapal na foundation at make-up na nilagay ng pinsan. Mag-isa na lang si Gianna naka-tayo, hinahanap na kong saan sumiksik ang pinsan sa mga taong nag kakasaya. Naka-kita lamang ng guwapong lalaki kumi-keringking na kaagad at iniwan siya nito.

Laking probinsiya si Gianna kaya't hindi rin siya sanay na ganito ka bongga ang Club na pinupuntahan. Karaniwan lamang na nakikita niya na may malakas na tugtog at taong sumasayaw kapag sumasapit ang pyesta sa kanilang bayan, o kaya naman okasyon.

Meron din naman siguro na Bar sa kanilang lugar, subalit hindi rin ugali ni Gianna na pumunta sa ganitong klaseng lugar.

Nag bakasyon lamang sa Maynila si Gianna, inaya rin siya ng pinsan na mag club sila bago siya bumalik sa probinsiya—subalit hindi niya aakalain na iiwan rin naman siya nito sa ire.

"Asan na ba kasi ang babaeng iyon?"  Himutok pa ni Gianna, hinanap niya na kong saan lupalop tinanggay ang pinsan. Sa pag hahanap ni Gianna, may nag paagaw kaagad ng atensyon sa dalaga.

Nakita niya ang lalaki sa naka-upo sa table kong saan ito naka-puwesto. Gawa sa mamahalin na couch ang inuupuan nito at sa table naman naroon nakalagay ang mamahalin na alak at iba pang mga pagkain na masasarap. Exclusibo lamang sa lalaking naka-itim ang pwesto na iyon.

Wala itong kasama at hindi maikakaila ni Gianna na may itsura nga ang lalaki.

Ang misteryoso nitong titig ang nag hila kay Gianna na titigan ang lalaki sa madilim na parte ng Club.

Sa una pa lang na makita ito ng dalaga, nag karoon siya ng pag-hanga dito.

Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ang lalaki ng matagal.

Hanggang hindi namalayan ni Gianna lumapit na siya sa pwesto kong saan ito naka-upo.

"Hello." Piniling maupo ni Gianna sa tabi ng lalaki. May distansiya naman ng konti ang katawan niya, subalit iba pa rin talaga ang atmosphere kapag kaharap mo na talaga ito.

Nawala ang hiya sa dalaga, gusto niya malaman pa kong sino ang lalaking ito.

"Ts." Umismid lamang ang lalaki. Kahit naka-kunot ang noo, guwapo talaga ito. Matangos ang ilong at makapal ang kilay nito.
Hindi nag lalaro ang edad ng lalaki sa 27-28 na edad, base pa lang sa itsura nito.

Lubusang pinag-pala talaga ito sa lakas ng charisma at kaguwapuhan na taglay.

Hindi akalain ni Gianna, makakatagpo siya ng lalaki na gaya lamang sa mga nababasa niya sa romance na mga libro ang aura nito.

Naka-dekwartro ang lalaki, suot ang itim na black suit at may relo din ito na mamahalin. Datingan at pormahan talaga nito, masasabi mo na talaga na mayaman ito.

"Ang cute mo, pala sa malapitan." Nag pacute si Gianna para mapansin lamang ng lalaki. Gusto niya rin ipag yabang sa pinsan na naka-hanap siya ng guwapong lalaki, sa pag iwan nito sakaniya. "I'm Gianna. And you are?" Inextend ni Gianna ang kamay sa lalaki para sa shake-hands. Umismid lamang ito at binalik ang atensyon sa iniinom.

Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now