CHAPTER SIX

788 43 0
                                    

                       Sta Village



Nagising ako dahil sa isang mabangong amoy na pagkain. Kumalam agad ang sikmura ko. Papikit pikit akong bumangon at tumayo sa higaan. Dumiretso ako sa banyo na nasa loob ng kwarto at naghilamos. Pagkatapos, lumabas na rin ako sa kwarto.

I saw Abby, kasama sya sa mga nailigtas ko kahapon. Anak ng isang punong tagapangasiwa sa village. Mabuti nga at hindi pa sya nagagalaw kumpara sa ibang mga babae.

"Magandang umaga, binibining Zariyha" bati nito sa akin.

Tumango ako " Magandang umaga rin." Bati ko at lumabas.

"Magandang umaga ija, Naghanda kami ng munting pagkain upang magpasalamat sa iyong pagliligtas sa lahat ng kababaihang dinukot ng mga bandido." Saad ng May katandaan na ginang.

Napansin ko na halos lahat ng mga kababaihan na dinukot  ay nandito, ito lamang kasi ang malaking bahay dito sa village kaya nandito rin nagpapahinga ang mga ito,yung iba ay bumalik na sa kanilang bahay.

Umupo na ako kung saan ang aking magiging pwesto. Natakam ako ng masilayan ang mga nakahain na pagkain. May mga gulay din. Hindi naman ako maarte kaya ayus na ito.

"Walang ano man Nay' Hindi ko lamang matiis ng gabing yun na pagsamantalahan ang apat na babae. Mabuti na lamang at nasundan ko ang mga lalaking iyon."
Sagot ko at nagsimulang kumain. Kumain na rin sila.

"Tatanawin namin na malaking utangna loob  ito ija, matagal ng perwisyo ang mga bandidong iyon, ngayon pa lamang mawawakasan ang kasamaan nila."  Saad ng isang May katandaan na lalaki.  asawa siya ni Nanay Stella si chief Larry ang pinuno sa sta Village.

Nakilala ko sila kagabi dahil hindi nila ako tinigilan hangga't hindi nila naipapakilala ang kanilang sarili.

"Kung hindi dahil sayo binibining Zariyha, baka kung ano pa ang nagawa nila saamin. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa nila sa ibang babae! wala silang puso." Mahinhin ngunit makikitaan mo ng galit sa kanyang mata, si binibining Althea Vera Marquez, anak ng pinakamaimpluwensiya sa kaharian ng Aeros, isang buwan na siyang nananatili sa kulungan na iyon, mabuti nga at hindi sya nagalaw man lang.

"Hindi ko lubusang inakala na babae lamang pala ang makakatalo sa kanila."

"Nakakagulat nga noon nakita namin sya"

Napabuntong hininga nalang ako, ito nanaman sila saka dadaldalan. Pero mabuti na nga ito hindi gaya sa iba na nagkaroon ng truma, takot at minsan nanginginig pa ang limang babaeng nagka-truma.

Pagkatapos kumain nagpaalam na ako sa kanila na lilibutin ko muna ang kanilang lugar. Malaki rin pala ang kanilang lugar sagana sa gulat at prutas, nakita ko pa ang iba na namimitas. Napangiti ako, maganda at tahimik ang lugar na ito, masarap sigurong tumira dito.

Kung nandito lang sana si d-----??

Delta??!!!

Lagoottt.

Hayst! Ba't hindi ko naisip yun! Paniguradong baliw na iyon kapag hindi pa ako umuwi! Napanguso ako, bakit hindi ko kasi naalala! Tanga lang self?

Bumalik na lamang ako sa bahay ni nanay Stella, upang magpaalam dahil hindi na pwedeng magtagal pa ako dito.

"Oh? Ija, tapos ka na bang maglibot?"  Tanong ni tatay Larry.

Nandito sila sa labas ng kanilang bahay at mukhang May pupuntahan nasa likod din niya si nanay Stella.

"Opo, kailangan ko na Pong umuwi sa amin, ba hinahanap na po ako sa amin."  Marahan na sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Ganun ba ija, mag-iingat ka."

"Ipahahatid ka nalang namin, upang mapabilis ang iyong pag-uwi?"

Umiling agad ako. Hindi ko sinabi sa kanila na prinsesa ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging tingin nila saakin. At isa pa hindi ko sinabi sa kanila kung taga saan ako.

"Kaya ko pa ang aking sarili. Mag-iingat po kayo dito." Saad ko at aalis na sana ng May tumawag sa akin.

"Binibining Zariyha!" Boses lalake.

Napatingin ako dito. Isang matangkad na lalaki ang papalapit sa pwesto ko. Nakasuot ito ng itim na damit at kulay brown na pantalon. May dala itong isang supot na hindi ko alam kung ano.

"Ano po iyon, Ginoo?"  Tanong ko sa magalang na paraan.

Ng makalapit ito sa'aking pwesto ay inabot nito ang supot ng kulay puti. Napatingin ako sa kanya. Itim na buhok, makapal na kilay at May itim din itong mata, matangos na ilong at pinkish lips. May kabilugan ang kanyang pisngi kaya kita ko ang Namumula nitong  magkabilang pisngi at tinga nito, hindi ko alam kung May sakit ito o nahihiya.

Cute!

"P-pinabibigay ni inay. Para sayo daw, binibining Zariyha." Tila nahihiya pa nitong sabi.

Natawa ako ng mahina na nagpatulala sa kanya. " Maraming salamat, ginoo?"

"Zael,.... zael, binibining Zariyha"  tila mas lalo pa itong nahiya.

"Maraming salamat , Zael mauuna na ako ha? Kakainin ko ito pagdating sa bahay." Ngumiti ako ng matamis sa kanilang lahat. Rinig ko pa ang tukso nila kay zael. Hehhehe

Habang naglalakad naaamoy ko ang mabangong pagkain na nasa loob ng supot na ito. Bibigyan ko nalamang si delta upang hindi magalit. Tama.

Halos magga-gabi na ng makauwi ako sa palasyo, tanaw ko pa ang mga kawal na nakatingin sa akin ngunit hindi ko nalamang ito pinansin. Ang importante sa akin ngayon ay kung nasaan kaya si delta.

PApasok pa lamang ako loob ng marinig ako nakakabinging tawag sa akin ni Delta. Hayst

"Prinsesa Alice!!!"

"Eh!.... Ingay mo!" Saad ko ng makalapit ito sa pwesto ko.

"San ka galing! Kani--"

"Oh!" Nilapit ko sa kanya ang nasa supot na pagkain. Agad naman itong napatigil sa pagsasalita at nanlaki ang mata.

"I-Isa ba itong adobo?" Tila hindi makapaniwala nitong sabi.  Natigilan naman ako.

Adobo?

Meron nyan dito! Oh shit!

"Para sakin bato Prinsesa Alice?? Wahhh... Salamat!"  Masayang sabi nito.

Ako nama'y natigilan at napatitig sa adobong hawak hawak nya na.  No! No! Akin pala yan.

"Hindi ! Akin pala yan!" Hahablutin ko na sana ng mabilis itong umiwas. Taina namiss ko yang adobo! Sana pala hindi ko nalamang binigay.

"Prinsesa Alice, hindi mo maaaring bawiin ang iyong ibinigay!"  Saad nito at mabilis na tumakbo. Sandali akong natigilan.

Hindi maaari! Ang paborito kong adobo!

"Delta! Bumalik kaditooo!"  Malakas na sigaw ako at tumakbo na.

"AYOKO! AKIN TO!"

"DELTA!!! IKAW! PUPUTULAN KITA NG PAA! HUMANDA KA!"

KIta ko kung paano natakot ang ibang katulong dahil sa isinigaw ko, ngunit si delta ay hindi man lang natinag.

Bwisit!

PAGOD na pagod akong nakaupo sa hapag-kainan. Nasa harap ko si delta na kinakain ang natitirang isang adobo. Yung adobo ko!

Inis kong inalis sa kanya ang aking tingin, pinagkros ko ang aking dalawang braso at humalukipkip.

Nakakainis pagkain na naging bato pa! Hindi ba natatakot tong si delta? Pinahid nya ako! Dapat siyang parusahan...

KAHit sa pagtulog ay masama ang aking loob hanggang sa pag-gising ko ay masama parin ang aking loob. Nakakainis kasi! Pangiti-ngiti pa syang nalalaman.









(Sorry, short update : -)

                  🌟||M.L.A.||🌟

Reincarnation: The Unpredictable Princess (ONGOING)Where stories live. Discover now