CHAPTER NINETEEN

1.1K 81 41
                                    

       

        Zariyha's PoV

I woke up the next day because of the heat of the sun hitting on my face. I held my head and felt it throbbing, I also felt bad and my breathing was heavy, sunubokan kong bumangon mabuti naman at nagawa ko. Unti-unti akong naglakad papuntang banyo.

Naghilamos at nag- toothbrush lang ako. Napatingin naman ako sa aking repleksyon sa salamin. Namumutla ang aking labi at mapupungay na mata. Nakuha ng atensyon ko ang aking ilong, hinawak ko ito at natigilan ako sandali ng May makitang dugo na natuyo.

Hindi ko alam kung epekto ba ito ng ginawa ko kahapon. Napabuntunghininga ako. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng banyo. Baka makita ako ni delta at maging OA lang ito. Magiging maayos din naman ako mamaya.

Tinatamad akong maligo kung kaya't nagbihis lang muna ako at saka naglagay ng kaunting pabango, naglagay din ako ng kaunting kulay saaking labi para matakpan ang namumutla nito.  Nagsuot ako ng polo long-sleeved na hanggang talampakan. Kulay blue ito.

Pagkatapos kong mag-ayos , lumabas na rin ako ng silid. Maingat akong naglalakad sa mahabang hallway para pumunta sa dining room, nagugutom na kasi ako, bahala na kong makita nila ako.

"Prinsesa Zariyha, pasensya na kung natagalan ako sa pagtungo sa'inyong silid. May inutos pa po kasi ang--" pinutol ko ang kanyang sasabihin.

Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa kanyang mga sinasabi.

"Ayos lang." Napapaos kong sabi.

"Ha? Ayos lamang po ba kayo?"  Nag-aalalang tanong nito.

"Ayos lamang ako, manahimik Kana riyan." Walang ganang sabi ko.

Mabuti naman at tumahimik na rin ito. Saka na lang ako babawi sa kanya pag hindi na masakit ang ulo ko. Sumunod na lang siya sa aking patungo sa dining room.

"Naririto na po si prinsesa Alice!" Sigaw ng isang kawal na sa tingin ko ay baguhan lamang. Hindi ko na ito pinansin pa at dumiretso sa loob ng silid kainan.

Ang kaninang nagkukwentuhan ay tumahimik. Batid kong nasa akin ang atensyon nila, Humarap naman ako kung saan mismo ang hari at yumuko ng kunti.

"Greeting your Highness. Your majesty"

Nagulat naman sila. Siguro dahil ngayon lang ako bumati sa kanila. Ayuko lang ng away ngayon kaya Pasalamat sila at masama ang pakiramdam ko.Kung hindi naku! Wala silang makukuha sa akin na kahit anong respeto. Narinig ko pa ang singhapan ng mga royalties. hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa upuan na lagi kong ginagamit.

Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin sila. Siguro.....hindi parin nila nahahanap ang kanilang pakay? Bahala sila basta ba....hindi nila ako papakialaman magiging maayos ang lahat.

"Let's eat."  Seryoso ang boses ng hari na sabihin yun.  Nagsimula ng kumuha ng pagkain ang lahat. Hinintay ko naman silang matapos sa pagkuha bago ako kumuha ng mga pagkain ko rin.

Aabutin ko nasa ang isang putahe ng pagkain ng maunahan ako ng Isang kamay. Sinundan ko ng tingin ang May nag-mamayari ng kamay na ito. Si princess Trisha lang pala. Nakatunghay ito bahagya sa mesa.

"Ito oh."  Sabi nito at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko.

Nawala ang emosyon sa mukha ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa nya?!Why the hell is she putting food on my plate!

Mabigat akong bumuntong-hinga saka marahan na tumingin sa kanya ng matapos nito ang paglalagay ng pagkain sa plato ko. Ramdam ko rin ang mapanuring mga mata na nakatutok sa amin- akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnation: The Unpredictable Princess (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon